XII The Wall

137 9 0
                                        

The wall

Hindi na ako nakapasok pa. Dahil sa thursday naman na yun ay hindi na ako pumasok pa ng friday. Bumaba na rin ang lagnat ko kaya naman nakakapagcellphone na ako ngayon ng patago. Pati kay Scion ay kailangan ko pa talagang itago ang cellphone ko. Nang biglang bumukas ang pinto ay naihulog ko ang phone ko sa kama. tinakpan ko ito ng kumot dahil si Sean pa naman ang pumasok.


"Huwag ako, Scarlet. I know what you do. Give me your phone," he commanded.


Wala na nga akong nagawa pa kundi isurrender ang phone ko sa kaniya. "Eat this," he said while holding a porridge. 

Sinubuan niya ako. Nurse na nurse na ang dating ng kuya ko. Handa ng mag-alaga ng iba. Pwede rin namang mag-alaga ng babaeng mamahalin niya. 


Binatukan niya ako kaya tinampal ko ang braso niya. "May sakit ako,Sean. baka lang naman nakakalimutan mo!" 


Nang matapos kumain ay wala na akong ibang magawa. Kahit manood ng tv ay hindi ko magawa kasi mabibinat daw ako. Hindi na rin ako makatulog pa dahil sa sobra na ata ang tulog ko sa katutulog ko ng mataas pa ang lagnat ko.


Minsan sarap pala magkasakit. Hindi ako pinaghuhugas ng pinggan, hindi pinaglilinis, at higit sa lahat hindi nila ako inaasar. Medyo nakakaboring din kasi hindi talaga binabalik nila kuya ang phone ko.


Nang dumating ang linggo ay  nag-aya si mama na magsimba. Nakita ko rin na magsisimba rin pala sina Rocky. Nagsuot lang ako ng simple plain gray shirts at denim pants at white shoes. Nakaporma sina kuya na akala mo mga koreano. 


Sa pinakalikod ako naupo. Si papa ang driver, nasa tabi niya si mama. Magkatabi naman si Sean at Scion at kami na lang ni Sic ang nandito sa likuran. Ayoko siya makatabi, nakakab'wiset.


"Ba't ganiyan suot mo, sis? Para kang dadayo sa ibang barangay at makikipaglaban ng sayawan."


"Una tumahimik ka, Sic. Pangalawa, tumahimik ka. At pangatlo, tumahimik ka!" sigaw ko sa kaniya.


"Ang harsh mo sa akin."


Nang makarating kami sa simbahan ay hawak-hawak ni mama ang papulsohan ko. Ang higpit pa ng pagakakahawak niya na parang mawawala na lang ako bigla. Nang makahanap kami ng mauupuan ay nauna si papa, sumunod si mama at binitawan na rin ako sa wakas. Pinasunod ko si Sean, Sic, at Scion bago ako naupo. Ako ang bunso kaya ako dapat ang nasa last. Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko at nakita ko na si Rocky pala.



"Sampid ka rito," sabi ko sa kaniya.


"Duh! Mas okay na ako ang maupo rito at least magkadugo tayo. Hindi na awkward. Sa tingin mo hindi mahihiya ang tatabi sainyo? Nakita mo na complete family kayo rito."


Dahil sa kakachikahan namin ni Rocky ay pareho kaming napagalitan ni mama at tita na nasa likuran namin. Nang magsimula na ang misa ay naging tahimik na kami. Maluha-luha na ang mata ko dahil sa kakahikab. Kinukurot na nga ako ni Rocky para lang manatiling mulat ang mga mata ko. Nang magkomunyon ay magkasabay kami ni Rocky na sumingit ng pila. Nasa likod ko siya at nakahawak sa likod ko.


After ko magkapag-komunyon ay nagulat ako ng si Jack pala ang nasa likuran ko. Nasa likuran naman niya si Rocky na ang lawak ng ngiti. Dumiretso na ako sa upuan namin.


Nang matapos ang misa ay nauna ako maglakad kina mama. Habang papalabas ako ng simbahan ay may nakasabay ako na isang babae at isang lalaki na nag-uusap.


"Sabi ko naman sayo noon diba? Na kapag nanganak ako tapos ikaw... para sa anak mo ang anak ko. Tapos ang anak mo ay para sa anak ko," sabi ng babae.


"Hindi mo pa pala nakakalimutan yun?" tanong ng lalaki.


"Ano ka ba? Malamang hindi. Ipinagkakatiwala ko ang anak ko sa anak mo," sabi ng babae.


"Lalaki ang anak mo."


"Kaya nga. Ipagkakatiwala ko sa pangangalaga ng anak mo," masayang turan ng babae.


"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa anak ko. Masyadong ibang-iba ang anak ko. Hindi ko masasabi," sabi ng lalaki.


Nagulat ako ng may umakbay sa akin kaya hindi ko na narinig pa ang usapan ng dalawa. Hinila kasi ako ni Rocky palabas. Nang makalabas kami ay sina Jackson, Kim, at Raquel ang nadatnan namin.


"Gala tayo. Kahit hanggang 2 pm or kahit nga 12 nn. Kain tayo, guys." Napatingin ako kay Kim. "Sama na kayo, Scarlet. Masaya ito. Hindi ka pa sumasama sa amin sa gala."


"Hindi ako sure," sabi ko. "Hindi ko alam kung papayagan ako nina mama," dagdag ko pa.


Hinintay nga namin sina mama. Nang makita ko sina mama ay sinalubong ko sila. "Ma, sabihin mo na hindi ka payag ah. Ayoko sumama sa kanila. Gusto ko magstay sa bahay. Please..." 


"Saan ba pupunta?" tanong ni papa.


"Hindi ko alam. Maglalunch siguro."


Tumakbo si Kim palapit sa amin kaya sumenyas ako kay mama gamit ang mata ko. "Tita, sama namin si Scarlet. Kasama naman po namin si Rocky. Babantayan po namin si Scarlet."



"Sure," sabi ni mama. "Ingat lang kayo. Rocky, ikaw na bahala sa pinsan mo." Para akong pinagbagsakan ng langit sa naging desisyon ni mama.



Tumingin ako kay papa, at kina kuya para humingi ng tulong pero wala. Pinagtulak-tulakan pa nila na sumama ako. Ako yung tipong anak na ayaw gumala pero yung mga magulang ko walang pakisama. 


Masama ang loob ko ng tuluyan na ngang umalis sina mama. Umakbay sa akin si Jackson at hinayaan ko na lang daw wala ako sa mood. Gusto ko manonood na lang ng movies sa bahay kaysa gumala.


"Babe, ba't ka naman nakanguso? Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya na kaagad na ikinailing ko. "Libre kita ng ice cream after natin maglunch. Okay ba?" Ngumiti na lang ako saka tumango.


Kahit papano ay naging ayos naman ang gala. Buti na lang at hindi ako iniiwan ni Jack. Kasi kung oo baka napanis na ang laway ko kasi hindi ako makarelate sa kanila. 


"Labas lang kami. Chat na lang namin kayo kung saan namin kayo hihintayin. Ubusin niyo yang pagkain, sayang pera na binayad ko." 


Hinila na ako papalabas ni Jackson ng restaurant. Medyo malayo-layo pa ang nilakad namin bago kami makarating sa isang convenient store at pinapili niya ako ng flavor ng ice cream na gusto ko.



"Mukhang halatang-halata na ayaw mo sumama, babe." Natigil ako dahil sa sinabi niya. "Okay lang. I know what you feel, babe."



"Hindi naman sa ganoon. Hindi lang talaga ako sanay na makisalamuha sa ibang tao. Kahit noon pa ay ilag na talaga ako. Sina kuya at Rocky lang talaga ang mga taong kaya kong pakisamahan na walang pag-aalinlangan."



Wala akong matawag na bestfriend or even a friend. Syempre may mga nakakasama ako pero hindi ko sila maiconsider na friend kasi alam ko sa sarili ko na may kani-kanila silang circle of friend. Sinisiraan din nila ako habang nakagalikod and Im aware of that. 


Okay naman ako sa ngayon. Kim and Raquel is good to me. Kahit si Jackson ay ganoon rin. Dahil kay Kim at Jackson kahit papano ay nakakausap ko si Ayden, Sam at William. Dahil kay Raquel ay maging si Gillian at Dylan ay nakakasalamuha ko rin. Masasabi ko na ito ang taon na kahit  papano ay marami akong nakakasalamuha.

"Thank you, Jackson. Thank you for understanding me and trying to come up with my zone. I built a wall for me to secure myself from others. I don't want to let other people broke it pero I know na kahit papano, nagagawa ko na."


He tapped my hed and smiled. "I'm willing to wait. Magiging komportable ka rin, ako bahala sayo."


I chuckled.

Alam ko na eh. Simula pa lang alam ko na. Nang makilala ko sila alam ko ng kailangan ko na rin talaga pagbukas ng pinto ang mga taong gusto ako makausap ng walang pader ng humaharang sa pagitan naming lahat. 

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon