Intramurals
Habang inaalila ako ni Hiro ay si Jackson ang gumagawa. Hindi naman dapat yun ang ginagawa niya pero ginagawa niya. Hindi ko alam pero naiinis na talaga ako. Hindi naman namin siya ka-unit pero siksik siya ng siksik.
"Umalis ka na, Jack." Ngumiti lang ito na tila walang narinig. "Bumalik ka sa unit mo at doon ka tumulong. We don't need you here. Please lang. Tantanan mo na muna ako. Kahapon ka pa. Mga ka-unit mo naman muna ang ayusin mo please."
Iniwan ko na sila ni Hiro. Dumiretso ako sa gym dahil magsisimula na raw ang volleyball boys category. Para akong walang buhay na naglalakad papunta sa bleacher seat. Naupo ako kung saan wala pang nakaupo.
Kahit isa ay walang nagbalak na tumabi sa akin. Nakablue na hoodie jacket at denim pants pa rin at white shoes pa rin ako. Nang magsimula ang game ay tumabi sa akin si Dylan. Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring nakafocus lang ako sa laro.
Nang nasa kalagitnaan nanglaro ay may mga tumabi na rin sa akin sa kabilang bansa na ka-unit ko.
"Bakit hindi mo siya kasama?" Nang mapalingon ako kay Dylan ay nakatingin siya sa akin. "Yes, I'm asking you, stupid."
"Pinaalis ko. Nagmumukha siyang walang pakialam sa mga ka-unit niya." Hindi na siya nagsalita pa pero gustong-gusto ko na umalis. "Pwede na ba ako umalis?"
"It's up to you."
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya kaagad akong tumayo. Pagharap ko sa mga naglalaro ay papalapit na bola ang nakita ko. Hindi ako makagalaw pero laking gulat ko ng may yumakap sa akin at ako na natatabunan niya. Pagmulat ko ng mata ko ay si Dylan ang bumungad sa akin.
"Hala! Ayos ka lang? Tara sa clinic."
Hinila ko siya papunta sa clinic. Nakahawak ako sa papulsahan niya kaya halos ng madaanan namin ay napapatingin sa amin pero wala akong pakialam. Naiiyak na ako kasi ako na naman yung dahilan. Mas gugustuhin ko na lang na ako na lang pala.
"Nataman po siya ng bola."
Nahiga nalang ako sa sofa na nasa clinic. Ayos naman daw si Dylan kaya nahiga na lang sa sofa. Kahit anong pilit ko matulog talagang hindi ako makatulog. Inabot na ako ng 3 am bago ako natulog at 5 am ako ginising kagabi. Hindi ko alam kung anong mali sa akin basta parang hindi ako makahinga. Bigla na lang din akong naging emotional at bigla ko naisip kong ano ang maaari kong gawin in future.
"Why are you look so upset?" he asked. Nakahiga siya na akala mo naman pasyente siya. "Kahapon ko pa napapansin."
"Pag sinabi ko ba na hindi ako okay means okay ako?" His lower lip quivered. "Kasi if I tell you that I'm okay iisipin mo na hindi naman talaga ako okay."
"Hey, kiddos. Okay lang kayo? Bawal PDA rito." Pareho kami napasulyap sa nurse.
"Pwede po ba makitulog? Hindi talaga ako nakatulog po kagabi. Sana okay lang po, at least nagpaalam po ako."
She nodded.
"Doon ka na sa patient bed. Halatang-halata na parang bibigay ka na eh." Wala akong kabuhay-buhay na naglalakad papunta sa katabing higaan ni Dylan. "Itulog niyo na lang yan. Pag-nahuli kayo labas na ako diyan."
Isinara ko ang kurtina sa pagitan namin ni Dylan saka ko ipinkit ang mga mata ko.Pinilit kong maging payapa ang isip ko upang makatulog ako. Nag-imagine na lang ako na nasa isang garden ako at wala akong ibang iniisip.
Almost 3 hours ang naging tulog ko pero pagmulat ng mata ko ay si Jackson ang bumungad sa akin. Nakahawak ang kamay niya sa kamay ko habang mahimbing din siyang natutulog habang nakaupo at nakahiga sa kama ang kalahati ulo niya.
Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya habang mahimbing siya na natutulog. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gustong-gusto ko naman ibalik ang dati pero natatakot ako. Ang bilis lang niyang napagdesisonan na ligawan ako. Ako rin yung tipong hindi ligawin ng mga lalaki. Bago lang sa 'kin lahat ng ito kaya natatakot ako.
Hindi ako kasing ganda ng mga nagkakagusto sa kaniya. Hindi malakas ang loob ko pagdating sa maraming bagay. It's not just about my self, it is about all my insecurities. Feeling ko kulang na kulang ako. Pakiramdam ko hindi ako enough pagdating sa ibang mga bagay. Nakakayanan ko lang din maging totoong masaya na walang halong pangamba kapag pamilya ko ang kasama ko.
"Gising ka na pala," sabi niya habang inihihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Okay ka na?" Tumango lang ako. "Are hungry?"
"Where's Dylan?" Natigilan siya pero kaagad din na nakabawi. "He saved me. Kanina ng nanonood kami ng game ng volleyball boys," dagdag ko.
"Umalis na siya. Sinundo siya ni Gillian kanina. Gumala na ata. Alam mo naman na mahirap paghiwalayin ang kambal na iyon."
Pumunta kaming cafeteria at kumain. Busy masyado si Kim sa unit niya kaya hindi siya nakasabay sa amin kaya kami lang talaga ni Jackson ang magkasama. Nakita namin sina William at Raquel na busy rin sa pag-aassist ng mga juniors. Nilagyan ng nilagyan ni Jack ng pagkain ang plato ko. Hindi na ako nakaangal pa kasi sakto rin naman na gutom na rin talaga ako.
"Tomorrow is the announcing of all the winner. Diretso party na rin daw and attendance is must. Can you be my date?" Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko kaya natawa siya ng bahagya. "Bukas din iaannounce kung sino ang may pinakamaraming votes na nakuha for muse and escort."
Hindi nga ako nainform na may naganap na ganoon. 1 peso is equal to 1 votes. Isang beses lang din pwede magboto ng istudyante at may record sila sa bawat istudyante na bomoto. Buti na lang hindi pwede bumoto ng mga candidates kasi wala akong alam.
"Anong price?" tanong ko. "Ayoko pa naman sanang umattend ng party."
"Ihahatid naman kita and tiyak na kasama mo naman si Rocky."
Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang tumango. Sumama ako kay Hiro ng makita ko siyang may dalang tubig para sa players kaya tinulungan ko na siyang magbibit ng burger na hawak niya.
Sosyalin, may paburger.
Buti na lang at hindi na bumuntot sa akin si Jack. Nakakilos naman ako ng mabuti ng samahan ko si Hiro. Bukas halos lahat ay pang-final na ang labanan. Nang manalo kami ay unit 1 ang kalaban ng basketball boys. Samantalang natalo naman ang volleyball boys na naging dahilan ng pagiging third placer. Nanalo ang volleyball girls at ang iilan pang mga laro.
Wala akong sinalihan na sport kasi hindi ako sporty na tao. Pumunta lang talaga ako sa school para sa attendance. Tagadala ng tubig, tagabili ng pagkain, taganood, at taga-cheer ng palihim.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...