XXIX Kissed

125 3 0
                                        

Halos nagkulong ako sa art studio ko. Nag-oorder lang ako ng mga pagkain dahil sa hindi naman ako makapagluto. Nang panay ang door bell ng door bell ay lumabas ako ng studio na nakapaa at maraming pintura sa katawan ko. Magulo ang buhok ko kahit nakatali at maging ang balat ko'y may mga pintura na.

I'm not dugyot! This is art!

Nang makita ko si Jack na nakatingin sa akin habang nasa labas ay wala na akong nagawa. Wala na akong pakialam sa itsura ko kasi nakita naman na niya. Baka kung anu pa isipin niya if mag-ayos pa ako. Halos takbuhin ko ang gawi niya kasi mainit ang ground dahil wala akong tsinelas.

"What are you doing here?" I asked before opening the gates for him. "May kailangan ka?" I asked.

Napatingin siya sa paa ko bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Wala. Hmm, gusto ko lang sana magpagawa ng portrait. Pwede mo ba akong maging subject?" he asked. Napailing ako sa sinabi niya. "Babayaran ko naman. Please... as a friend."

I chuckled.

"Fine. Pasok ka."

Siya na ang nagsara ng gate. Nakasunod siya sa akin habang tinatahak namin ang art studio ko. Halos takbuhin ko na kasi ang studio dahil sa init.

As a friend daw. Baka isipin niya hindi na ako marunong tumanaw ng utang na loob kaya naman mas minabuti kong pagbigyan na lang siya.

Hindi naman kabawasan ng ganda ko ang gagawin kong ito.

"Sorry makalat. Kain ka may pagkain, kakain muna ako eh." Naupo ako mismo sa lapag. "Nasa lapag kasi ang pagkain ko pero malayo naman sa mga gamit ko at may mat naman. "Sorry, gutom na kasi talaga ako."

Kaunting kanin at fried chicken ang nilantakan ko pero nahihirapan ako sa chicken. Hindi ko naman pwede kamayan sa dami ng pintura ng kamay ko. Hindi pa kasi ako kumain simula umaga kaya matapos ang isang naipaint ko ay kakain na dapat talaga ako kaso dumating siya.

"Ako na." Nagulat ako ng agawin niya ang styrofoam na may kanin at ulam. Seryoso niya itong pinaglaanan ng oras bago inilapit sa akin ang kutsara na may kanin at ulam. "Ahh."

Hinayaan ko na lang siya. Hanggang sa matapos ako ay sabi kumain siya pero ayaw niya. Busog na raw siya.

Naghanda ako ng isang upuan. Pinaupo ko siya doon at sinabi ko kung paanong ayos ang gagawin niya. Inihilig niya ang likod niya sa upuan na tila tamad na tamad pero mukha siyang mafia sa part na yun. Bahagya niyang itinagilid ang ulo na pawang may access any sino man sa leeg niya. Nagulat ako ng kagat-kagat niya ang laylayan ng damit niya kaya kitang-kita ko ang abs niya.

Iniwan ko na mukhang kawayan ngayon may pandesal na.

Nabitawan ko pa saglit ang lapis na hawak ko kaya hiyang-hiya ako. Nasa bulsa niya ang isa niyang kamay  at nasa may batok naman ang isa. Kung anu-ano kasi ang tumatakbo sa isip ko kaya natutuliro tuloy ako.

What's wrong with me?!

Ang g'wapo. Ang hot!

Kinuhanan ko siya ng litrato para sa source. Nang magsimula na akong gumuhit ay nanginginig ang kamay ko. Halos isang oras ko natapos ang pag-guhit ko. Tumayo siya para mainat ng matapos ko ang pag-guhit. Nasa likod ko na siya habang nilalagyan ko ng kulay ang iginuhit ko.

"Jack, huwag ka nga diyan. Hindi ako makafocus."

He chuckled.

"Wanna see it."

"No." Giit ko.

"I wanna see it, Scarlet."

I sighed sabay binitawan ko ang paint brush dahil sa inis. Pagtayo ko ay hinarangan niya ako pero natalikod ang paa niya paa ng upaan kaya natumba siya at nagkaroon ng mga pintura ang ang suot niyang pantalon at damit. Buti hindi tumama ang ulo niya sa kung saan.

"Ang kulit kasi." Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya para matulungan siya. "Dali na."

Nang hawakan niya ang kamay ko ay imbis na ako ang humila sa kaniya patayo ay ako ag nahila niya dahilan upang bumagsak ako sa katawan niya.

"Hala! Ang dugyot, Jack!" singhal ko.

Gustuhin ko man tumayo ay nakahawak siya sa baywang ko.

"Jack, ano ba? Baka may magalit!"

"Sa'yo?" tanong niya pero hindi ako makatitig sa mga mata niya.

"Of course, magagalit ako saiyo! Walang ibang magagalit kundi ako. Sa'yo ba?!"

Pinipilit ko makatayo pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko kaya't bahagya kong pinagpapapalo ang dibdib niya.

"Wala."

"Then let go," I almost whispered. "Let me go."

"Ginawa ko na yun noon, Scarlet. Gusto kita hanapin pero sabi ni tita baka kapag ginulo kita mawala ka ng tuluyan sa amin. I let you go when we're in high school." My tears fell. "Nasa reality tayo kaya sabi ko baka hindi ka talaga para sa akin. Naiisip pa rin kita at inaalala ko mga pinagsamahan natin pero sinabi ko sa sarili na move on na ako. I dated many girls, I had a girlfriends. Tapos pagbalik mo ikaw na naman nagpapatibok ng puso ko. Is it unfair?" Halos pumiyok na ang boses niya.

"I'm sorry," I whispered.

"Huwag mo naman ako iwasan, Scarlet. Let's try to bring what we have. Please... I wanna be with you again kahit as a friend man lang. Lets try to make it. Ayoko na magpaligoy-ligoy pa. May nararamdaman pa ako sayo e. I know, wala permanente sa mundo pati feelings nga naglalaho pero pwede bang itry natin?"

Nang umalis na si Jack ay inayos ko na lang ang painting ko. Halos wala na akong ginawa kundi ang gumawa ng art pieces at ipost sa IG ko. Kailangan ko iyon dalhin sa Manila depende kung alin ang pinakamagclick.

"Let me think about that," ang tanging naisagot ko sa kaniya sa tanong niya noong last kaming magkasama.

***

Macaroon cream V-neck three-button fit lace-up waist long short sleeve dress is what I wear going home. Palalabas na sana ako ng makita ko si Jackson sa may sasakyan ko. Napapadyak na lang ako kung paano ko siya haharapin.

Papasok na sana ulit ako ng mapatingin siya sa gawi ko kaya napaayos akong tayo. Maging siya ay umayos din ng pagkakatayo. Nakablack v-neck shirts na siya at ripped jeans. Nakawhite shoes siya at ang lakas ng dating. Nang makalapit na ako sa kaniya ay sinalubong niya ako.

"May lakad ka?" he asked. Umiling ako. "Date?"

"Seriously? Wala akong date, Jack. Wala rito ang mga lalaki ko. Gagala lang," natatawang sabi ko. Nang makita ko na wala naman bago sa emosyon niya at sumimangot na lang ako. "Excuse me." Hindi siya umalis sa dadanan ko papunta sa loob ng sasakyan kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Jackson—"

Nagulat ako sa paghawak niya sa magkabilang balikat ko saka kami nagkapalit ng pwesto. Ako na ang nakasandal sa kotse at hindi na nakaatras pa bago niya ako hinalikan.

Wala na akong narinig. Napahawak na lang ako sa dibdib niya dahil sa ginawa niya. Habang siya ay nakapikit ako mulat na mulat. May mga daga sa dibdib ko habang ang mga paruparu ay nagsisiliparan sa tiyan ko. Yung kakaibang feeling na hindi ko na talaga maexplain.

"Jack," I said between our kiss. "Why did you do that?"

"I'm tempted," he answered straight while facing me. "I missed you. Y-you ghosted me. Damn it, babe!"

"I'm sorry?" patanong kong tanong dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I don't need your apology. I told you, date me. And don't you ever... ever doubt my feelings for you.  "

Hinila niya ako at sininakay sa kotse niya. Nagpahila na naman ako sa lalaking ito. Ayoko mag-advance mag-isip, kahit natatakot ako na baka magbreakdown na naman ako dahil sa choice na ito. Na baka masaktan na naman ako.

Kailangan ko pa bumalik sa Manila. Baka mapatay ako ng agency ko.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon