Transferee
Hinatid ako ni Sean sa magiging school ko gamit ang motor ni papa. Mamayang uwian ay baka si Sic or si papa raw ang magsusundo sa akin. Nasa ibang school na sila kasi college student na sila. Inaamin ko na natatakot at kinakabahan ako. Halos iyakan ko pa si mama na huwag kami lumipat kasi mahihirapan na naman ako mag-adjust kaso buo na talaga desisyon nila.
Ayoko talaga lumipat ng school kasi ibig sabihin n'on kailangan ko na naman mag-adjust sa maraming bagay. Mahihirapan na naman ako makibagay sa mga tao dahil hindi naman ako palakaibigan dahil sa pagiging mahiyain ko.
"Good luck, Scarlet. Susunduin ka naman ni papa or ni Sic huwag kang mangamba," sabi ni Sean. "Huwag ka ngang kabahan. 4th year ka na gan'yan ka pa rin. Don't worry may magiging kaibigan ka naman diyan. Sige na, bye. Baka malate rin ako eh,"sabi niya kaya tumango na lang ako saka kumaway.
"Hindi ako papayag na hindi niyo ako susunduin," sabi ko habang nakabusangot.
"Alam ko kasi pati pag-para sa o ng jeep kailangan mo pa ng to the highest level na lakas ng loob at perfect practice. Sige na. I love you."
Pagpasok ko pa lang sa gate ay marami na kaagad istudyante. Nakatingin pa sila lahat kaya yumuko na lang ako. Nang magawi ang paningin ko sa building ay tila nakatingin sila sa akin kaya minabuti ko na lang na sa baba tumingin.
Dahil sa baguhan ay hindi ko alam ang room ko. Actually kanina pa ako nagpapractice para makapagtanong ako. Yes, scripted 'to.
Kagat-kagat ko ang labi ko ng may babae akong nakasabay. Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Uhm, can I ask? Ano kasi s-saan yung room ng 4th year?" I asked.
Ang bilis ko magsalita dahil sa kaba. Halos mautal din ako at hindi ko magawang makipag-eye contact.
"Anong section name mo? Dalawa kasi section sa 4th year eh."
"D-diamond."
"Ow. Magkatabi lang classroom natin. Sabay ka na sa akin. Sa Sapphire ako eh," sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Inihatid niya pa ako sa mismong room. "Guys! May transferee!" Gusto ko na ata lamunin ako ng lupa ng magsiangatan sila ng tingin sa gawi ko. "Ano nga name mo?" tanong niya sa akin.
"S-scarlet."
"Si Scarlet nga pala. Sayang sa kabila ako. Pasok ka na Scarlet." Ngumiti ako saka tumango. Sinamahan niya pa ako pumili ng mauupuan ko. Naupo ako sa tabi ng bintana at wala pang katabi. "Mauna na ako, Scarlet. Huwag ka mag-alala, friendly sila."
Friendly sila pero ako hindi. Yun ang problema, casual ako na tao pero hindi ako palakaibigan. Magsasalita ako kapag kinausap ako. Kahit sa dati kong school ay hindi ako palakaibigan. Mas gugustohin ko na lang sa bahay tumambay kesa sa kung saan-saan.
"Hi." Napaangat ako ng tingin ng may tumabi sa akin. "Pwede makiupo?" tanong niya habang nakaturo sa tabi ng upuan ko.
Tumango ako saka ngumiti at hindi ko naman alam kung paano siya iaapproach.
"Scarlet, may naghahanap sayo." Napalingon ako sa may pinto saka ko nakita ang pinsan ko kaya tumayo ako saka lumapit sa kanya. "Kaya pala hindi ko kilala kasi transferee," sabi ng kaklase ko na katabi ng pinsan ko.
Ngumiti lang ako saka bumaling sa pinsan ko. "What do you need? May nakalimutan ba ako?" sunod-sunod ko na tanong.
"Baon mong pera naiwan mo. Pinadala sa akin ni kuya Sic."
Kinuha ko ang pera saka ko inilagay sa bulsa ko. "Mamaya sasabay ka pauwi?" I asked. "Susunduin ata ako ni Sic or ni papa eh."
"Oo. At least hindi na ako mamamasahe. Text mo na lang ako kapag pababa ka na ng building niyo para hintayin kita sa baba, Aleah." Tumango ako saka ko napansin ang mga nakatingin sa amin. "Huwag mo sila pansinin, campus crush kasi ako. Nagseselos sila, Aleah. Hindi pa nila alam na pinsan kita." Pinandilatan ko siya ng mata. "Alis na ako. Basta mamaya ah. Sabay na tayo maglunch, susunduin kita alam ko ugali mo."
"Salamat, Rocky." Sumaludo lang siya na may kasabay na kindat bago tumalikod.
3rd year na si Rocky samantalang 4th year high school naman ako. Si Scion ay first-year college, si Sic third year college at si Sean naman ay 4th year college na. Scion is taking up a Bachelor of Science in Tourism, Sic is taking up a BS in Business Administration Management while Sean BS in Nursing.
I sighed when I saw that my brother will be successful someday. Alam nila mga gusto nila. I'm proud of them.
Nang magflag ceremony ay kasama ko humaba ang seatmate ko na si Kimberly. Nakahawak pa siya sa braso ko. Okay lang naman sa akin.
After ng flag ceremony at halos isang oras na mga kung anu-anong chika ay sa wakas ay pinapasok na kami sa kan'ya-kan'ya naming room. This time ako naman na ang nakahawak sa braso ni Kim. Nickname niya raw kaya yun na lang daw itawag ko sa kanya.
"Kim, nasaan yung papers!" Maging ako ay napalingon sa likuran.
"Dinala ko na kay, Ma'am." Siya ata yung nakabangga ko noong tumakas kami nila kuya ng gabi sa bahay. "May pasigaw-sigaw ka pang nalalaman." Hinila na ako ni Kim hanggang sa makarating kami sa room.
Nagulat pa ako ng sa unahan ng upuan ko naupo si Jackson. Wala naman masyadong naging ganap. Lahat ay nagpaalala sa mga room rules at nag-elect ng officers. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ng ako ang manalo sa pagiging muse. Kahit ayaw ko ay hindi nila hinayaan na palitan ako. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari.
Ibig sabihin ay ako ang kailangan magrepresent sa section namin kapag may pageant at kung anu-ano pa. Iniisip ko pa lang parang nanlalamig na ako dahil sa kaba. Paano kung madisappoint ko lang sila? Dapat hindi ako eh, mapapahiya lang sila maging ako kapag nagkataon.
"Nakabusangot ka," turan ni Rocky ng makita niya ako. Itinuro ko yung nasa gilid ng greenboard dahil nakasulat pa doon name ko. "Ganda. Hayaan mo na 'yan. Matuto ka kasi makisalamuha. Tara na, gutom na ako. Naks, partner mo pala si SSG president." Tiningnan ko siya ng tila nagtatanong. "Si Jackson ang SSG President. Hindi mo pala alam, siya nanalo last year, it means siya ang SSG President this year." Tumango na lang ako.
Umakbay sa akin si Rocky. Kahit na ako ang matanda ay siya pa rin ang matangkad sa aming dalawa. Hindi mapaghahalataan na ako ang matanda sa aming dalawa. Maraming nakatingin sa amin kaya inalis ni Rocky.
Mukhang campus crush talaga siya. Halos lahat nakatingin at halos lahat sila gusto na ako isumpa lalo na nga kumakain na kami. Panay kasi ang pangungulit ni Rocky at pakunwari akong sinusubuan.
"Rocky, stop it. Baka mamaya may magbuhos na lang sa akin ng tubig. Baka mabully ako sa ginagawa mo," nakanguso kong sabi. "Ikaw talaga isusumbong kita kina kuya."
"Kapag may umaway sayo, ako bahala."
"Hindi kita kasama lagi. Sampalin kita diyan eh."
Nang makabalik ako sa room ay kinausap ako ni Kim. Bakit close raw kami ni Rocky kaya sinabi ko ang totoo. Sabi niya ay mag-ingat ako lalo pa't akala ng tao may something sa amin.
"Babaero na... pafamous 'yang pinsan mo," sabi niya pa. "Marami nagkakagusto kasi nga pogi."
Medyo panay ang tingin ni Jackson kaya naiilang ako. Minsan nakikipagk'wentohan din naman siya sa amin ni Kim. Siya pala kasi and Ssg Secretary.
Si Scion ang nakita ko. Sabi si Sic or si papa tapos si Scion pala.
Kita ko ang paninitig ng nga kaschoolmates ko. Kaaagad ko na pinasakay si Rocky then saka ako umangkas.
"Okay na, Scion. Tara na," sabi ko bago niya na pinaandar ang motor.
Ayoko sa lahat na tinitingnan ako. Kanina pa sila. First day pa lang hindi na ako natutuwa. Naiinis na ako, isa pa itong si Rocky. Binabadtrip nila ako. Wala naman akong ma-say sa kanila.
Ayoko pa man na center of attention pero mukhang napasama pa ako sa mga taong nasa spotlight katulad na lang ni Kim, Jackson, at Rocky.
![](https://img.wattpad.com/cover/264020642-288-k503203.jpg)
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Genç Kurgu[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...