Natulog kaagad ako pagdating ko. Ganoon pa rin ang ayos ng k'warto namin ni Scion. Pagdating ko ay siya ring pagdating niya galing sa trabaho. Isa siyang flight attendant at nagleave muna siya ng ilang araw para umuwi. Dapat sabay sana kami pero sabi niya susunod na lang siya. Nasa iisang k'warto pa rin kami pero hindi kami nag-away kasi pareho kaming pagod.
Kasama na rin namin siya sa Manila last year pa pero dahil sa si Sean ang kasama ko ay bumukod din siya. Si Sic talaga ang naiwang anak sa bahay, ayaw niya rin naman daw iwanan sina mama kaya sa malapit lang siya nagtrabaho.
Nagpiprepare na si Sic sa kasal nila ni ate Mia. Nabuntis na ni kuya kaya papakasalan na. Ako na at si Scion ang nagbigay ng panggastos para sa reception kasama na roon lahat-lahat. Para na rin iyon sa pagbabantay niya kina mama at papa. Sabi namin ay mag-ipon na lang siya sa bawas gastos para sa kasal niya.
Nang magising ako ay gabi na. Nadatnan ko sina mama at papa sa mesa habang naghahanda naman si Scion ng makakain namin. Namiss ko sila kasabay sa bahay kahit hindi kami buo. Sina mama at papa kasi at Sic ang nag-aadjust para sa amin dahil tatlo kaming nasa Manila sila na lang ang dumadayo.
"Pwede ka na mag-asawa, Scion." Tinarayan niya ako. "Ang taray mo pa rin kaya ka walang jowa."
"Ikaw kasi ang baby ko kahit mo ako binibaby," humahagalpak na sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just too private hindi katulad ng kay Sic."
"Where's Sic by the way?" tanong ko bago maupo. "Too busy again? Dito ba na-istay sina ate Mia at Sic, ma?"
"Oo. Sa k'warto nila ni Sean. Kaya magkasama naman ulit kayo ni Scion."
"Sanay na ako, namiss ko rin si kuya."
Nang dumating sina kuya ay napabusanggot ako. Linggid naman sa kaalaman ko na may attitude ang babaeng papakasalan ni kuya. Tahimik siya pero mukhang pinaplastik lang kami. Maarte rin at napakaraming luho. Kung hindi lang ito mahal ni Sic at may soon to be pamangkin ako ay sinipa ko na ito palabas.
"Hi, kuya." Tumayo ako saka yumakap sa kaniya. "Namiss kita, Sic."
He chuckled.
"Of course, I miss you more. Ganda ng kutis. Kutis modelo na. Taray."
"Ako lang ito, Sic. Ako lang. Huwag ka mahiya."
Bumati rin ako kay ate Mia at nakipagbeso. Dinaig ko pa may kasamang yelo.
"Ano ba alam mo naman na ayoko niyan eh." Nagpigil ko ng galit sa bulong niya kay Sic pero rinig namin. "Bakit ba kasi nandito ang mga iyan?"
I almost laughed at what she said.
Halata rin ang pagiging maldita niya. Parang ayaw niya na nandito kami. Siguro dapat ko na kausapin si kuya na umalis dito dahil ayoko naistress sina mama. Buntis daw kasi kaya hayaan na lang. Ang pangit niya magbuntis kung ganoon.
"Kung ayaw mo mag-order kayo o magluto. Wala kayong katulong dito," malamig na sambit ko.
"Sic oh." Pagsusumbong niya sa kapatid. "She's brat."
Sinamaan ko ng tingin si Sic at hindi ko mawari ang emosyon niya at si Scion ay sinamaan ko ng tingin dahil sa pagtawa nito.
"Unfortunately... My sister deserves to be a brat.She's not the worst brat but she's the sweetest brat, Mia. Sic, ayusin mo yan."
Feeling ko panalo ako dahil sa sinabi ng kuya Scion ko. Well... hindi naman talaga masama ang ugali ko sadyang ayoko sa kaniya.
Hindi ako nagtagal sa dining area. Dumiretso ako sa k'warto namin ni Scion saka ko kinuha ang jacket ko para magdrive at kailangan ko huminga. Ito na ang naging hobby ko, magdrive kapag masyado na akong hindi makahinga sa paligid.
"Sama," sabi ni Scion. "Ako na ang magdadrive."
Nakita ko na nakatingin sa amin si Sic. Paglingon ko ay tumalikod na siya. Kaagad ko tinawagan si kuya Sean dahil alam ko na break niya. Pumasok na ako sa sasakyan at walang hood ang sasakyan dahil na rin gabi at yun ang gusto ni Scion.
[Ano?]
"Hindi na si Sic katulad ng dati, kuya. Bwiset na babae yun ang taray sa akin, ang kapal ng mukha. Sarap sipain kung hindi lang siya future mother ng soon to be our pamangkin paghihiwalayin ko sila."
Ito yung isa sa kinatatakutan ko. Na mag-uwi ng maattitude na sister in law. Feeling ko nag-iba ang kuya ko.
"Hayaan niyo na. Sic deserve to be loved. Suportahan na lang natin," sabi ni Scion. "Malay mo naman sa atin lang siya ganoon pero hindi kay Sic."
Dumiretso kami bahay ko. Of course hindi pwedeng wala akong bahay at lupa. Pagkapasok namin ay kaagad ako dumiretso sa loob. Matagal ko na ito pinagawa kaya naman buong-buo na ngayon.
"Mas gusto ko magstay dito," sabi ko.
Tatlong palapag ang bahay. Living room, kitchen, ang nasa baba. Nasa backyard ang room ko para sa pagpipinta ko at sa kung anu-ano. Nasa second floor naman ang iilang k'warto bilang guest room. Sa pangatlong palapag ay nandoon ang masters bedroom, theater room, at dalawa pang k'warto. May veranda rin pagkalabas sa masters bedroom. Sa rooftop ay nandoon ang pool, mini bar, at gym. Ang dami ng k'warto kasi gusto ko kasya ang pamilya ko if ever may pasleepover or anything.
Dumiretso kami sa taas at uminom ng wine habang nakatingin sa taas habang nakaupo sa edge ng pool at nakababad ang mga sa tubig. Sa kung ano man ang mayroon ako ngayon, masasabi kong I am successful now as myself, as a sister, as a daughter and as a women. Naging physical, mental, emotional good state ako matapos ko magpakalayo-layo.
"I'm so proud of what you got, Aleah. I'm so proud of you. You did great, sis."
"Syempre proud na proud din ako sa inyo. Kayo dahilan kung bakit ako nandito," nakangising sambit ko. "I conquer all my fear. Nagboost ang confidence ko. Papagawan na ba kita ng bahay sa next project ko, kuya?" natatawang tanong ko.
"Talaga?" he asked.
"Nagsponsor na ako sa kasal ni Sic, at marami pang iba. Nakatulong na ako sa branches ng bakery kaya yun na lang pinagkakaabalahan nina mama. Tumutulong ako sa tuition ni Sean, now it's your time. Bahay ba o kotse?"
Ayoko maging selfish pagdating sa kanila. Basta may mga materyales ako sa art ay solve na ako. Hindi naman ako yung typical girl with a branded things.
"May iniiwan ka pa ba sa sarili mo?" he asked. "Huwag naman parating kami, Aleah."
"Bahay nga o kotse? Stop it, Scion. Lahat kayo mahalaga sa akin, don't worry may pera pa naman ako."
"Okay. House and lot na lang."
I smiled.
"Ako bahala sa future home mo. Nakausap ko na rin pala sina mama, wala ako interest sa bahay nila kasi I already have one." Ginulo niya ang buhok. "Magpapakamayaman pa ako para naman maspoil ko mga future pamangkin ko, kuya. I wanna be a sexy tita ninang. Isang hingi… 10k kaagad." Nang batukan niya ako ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag ka muna mag-asawa. Hindi pa ako ready."
"Wala pa ako bet asawahin."
Through my work there are many men trying to tame me but no one successfully tamed me. Madali ako maboring. Yung tipong kakaamin pa lang nawala na kaagad ng gana sa buong katawan ko.
Mas lalo lang dumadami ang circle of guy friends ko dahil na rin sa akin. Wala talaga ata akong magiging asawa. Baka tumada akong dalaga kaya kailangan ko pa mag-ipon ng maraming pera paar ma mag-alaga sa akin. Sa panahon kasi ngayon kung wala kang pera pababayaan ka. Kapag may pera ka kulang na lang hugasan niya pwet mo.
Reality check. Kaunti na lang ang may totoong maganda ang loob sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
