VI Muse and Escort

210 12 0
                                    

The muse and escort

Dahil sa lakas ng ulan ay bumaba ako sa kama ko. Inaayos ni Scion ang mga gamit niya ng biglang namatay ang ilaw. Inutusan niya ako iopen ang flashlight ng bigla namang bumukas ang pinto ng kuwarto namin. Pumasok si Sic at Sean at may dalang unan at kutson. Naglatag sila sa baba ng mahihigaan pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita hanggang sa sina mama naman ang pumasok.

"Ma, anong meron?" tanong ko. "Dito kayo matutulog?" tanong ko pa.

"Oo. Dito kayo sa baba Sean at Sic kami diyan sa higaan ni Scion. Sa taas ka na lang Scion." Nakanguso ako habang paakyat ako sa kama ko. Kasya naman kami ni Scion pero sa tuwing katabi ko siya ikamamatay ko ata. "Huwag kayo mag-aksaya ng charge ng mga cellphone niyo pati yung mga flashlight na hindi maicharge sa init."

Nasa tabi ako ng wall. Nakatalikod ako sa kaniya. Hindi man lang ako dalawin ng antok dahil sa lakas ng ulan at hangin. Ako ay nananalangin na hindi na lumakas pa para kunyente ay bumalik kaagad.

Nang makatulog ako ay syempre wala na akong alam sa nangyayari. Bigla akong nagising ng mga bumagsak sa may leeg ko. Pagdilat ko ay braso ni Scion. Kaagad ko ito inalis at naupo ako habang nauubo.

"Aleah, uminom ka nga ng tubig. Ba't inubo ka? Nagpaulan ka ba?" tanong ni papa aa baba. Bumaba muna ako at nakita ko na gising sina mama at papa maging si Sic at nagkakape. "Anong nangyari sayo?"

"Mapapatay ako ni Scion. Bumagsak sa may lalamunan ko braso niya kaya bigla akong nagising. Ayoko na sa taas." Tumingin ako kay Sic. "Dito na lang ako sa baba."

"Sino naman kasi nagsabi na matutulog pa ako, Aleah? 4 am na, malapit na mag-umaga."

Nang mahiga ako ay tabi ni Sean ay hindi naman na ako makatulog pa kaya padabog ako na naupo. Niyakap ko na lang ang unan na hawak ko. Hinintay ko na lang mag-umaga pero dahil sobra pa rin ang lakas ng ulan ay taong bahay lang lahat.

***

Dahil sa bagyo ay hindi kaagad kami nakabalik sa school. Tuesday na kami nakabalik at halos wala naman naging problema. May mga iilan na natanggalan daw ng atip ang mga bobong dahil lakas ng hangin. Pasalamat na lang kami at naging maayos naman kami.

"Listen up, guys." Inilabas ko na ang notebook at ballpen ko para kapag nagpasulat ready na ako. "Since magkakaroon tayo ng program para sa buwan ng wika kailangan natin ng model." Halos bulong-bulongan ang pumuno sa classroom namin.

Nagtaas si Kim ng kamay upang humingi ng pahintulot na magsalita. "Ma'am, ilan po ba kailangan?" tanong ni Kimmy.

"Isang babae at isang lalaki. Walang pipiliin kasi may muse at escort na kayo. So yung muse at escort ang magsusuot ng damit na kayo mismo ang may gawa. Buong klase ang magtutulungan. Since this is my subject, may plus points kayo kapag nagustohan ko ang performance niyo as one. Now, kailangan niyo na mag-usap-usap para sa isusuot ng mga model niyo at paano niyo ito gagawin ng magkakasama."

Natahimik ako bigla at nawalan ng sasabihin. Bakit kailangan kasi na ako ang maging muse? Hindi ko naman ito ginusto. Sa dami ng mga babae rito bakit ba kasi ako ang napili.

"So... hindi na tayo magpapatumpik-tumpik pa." Pinatayo ako ni Kim para sukatan kaagad. "Dapat na ready na kaagad tayo. Walang papatalo."

"Wait." Pagpipigil ko. Naglakad ako papalapit kay ma'am kahit walang kasiguradohan. "Ma'am, can I ask a question?" She nodded. "Pwede po bang hindi na ako. I mean hindi ko po gusto."

"You're the muse of the class. Kaya mo yan. Tsaka yun ang nasa memo na dapat muse at escort ang magdadala sa section." Napabuntonghininga ako dahil sa nakuha kong sagot. "Sige na. Back to your seat."

Wala na akong nagawa pa. Sinukatan nila ako para sa magiging damit ko. Nakatulala lang ako at hindi ko maiwasan na mag-isip masyado. Hindi ko ata kakayanin. Iniisip ko pa lang na maglalakad ako sa harap ng maraming tao parang iikot na ang mundo ko. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito dahil ito yung mga pinakaiiwasan ko.

Kapag hindi ko naman ito ginawa mawawalan kami ng plus points. Hindi rin papapasukin ang hindi muse at escort ng room. Ayoko naman na masisisi na hindi ako sumali pero ayoko rin masisisi lalo na akpag nagkamali ako.

Kapag humaharap ako sa maraming tao parang nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko rin magawa na makatingin sa mga mata nila. Sabi nila iwas daw sa kaba kapag hindi mo tinitingnan ang mga audience sa mata nito. Mas mabuting sa taas ng ulo lang para hindi raw masyado kabahan pero ngayon pa lang parang gusto ko na lang magtago.

"Hoy! Huwag ka ngang natutulala diyan, Scarlet. Alam ko na kaya mo. Nandito lang ako. Tsaka hindi ka naman papabayaan niyang si Jackson eh."

Kahit anong pampalubag loob pa ang sinasabi nila parang wala lang din sa akin lahat. Yung hindi pa nga nagsisimula parang magkakasakit na ako sa kakaisip. Paano pa kaya kapag oras na, baka himatayin na ako.

"Hey! Kanina ka pa tahimik." Iniabot sa akin ni Jack ang isang bote ng tubig. "Kinakabahan ka ba? Hindi ka sanay?" I nodded.

Bubuksan ko na sana ito ng agawin niya ulit at siya na ang nagbukas para sa akin. Pinanood niya ako habang umiinom qko ng tubig na galing sa kaniya. Magfifill-up kami ng form kaya wala kami sa room.

"First time ko kasi kapag ginawa ko yun. Hindi ako sanay. Kukuha pa lang nga ng award sa stage kabang-kaba na ako. Paano na lang kapag irerepresent natin ang section natin baka mawalan na ako ng malay," sabi ko.

"Kapag kinakabahan ka, tumingin ka lang sa akin. Kapag feeling mo hindi mo na kaya, kumapit ka lang sa akin. Hindi kita papabayaan. Hahayaan ko ba ang partner ko na nililigawan ko? Malabong mangyari yun."

Nagpapatuloy pa rin siya sa panliligaw. Bawat araw na lumilipas ay padagdag ng padagdag ang may ayaw sa akin. Bakit daw kasi ako nililigawan ni Jackson? Hindi naman raw ako maganda, maputi lang. Basta ang dami nilang say, mas gusto ko na nga lang na huwag pumasok dahil sa mga naririnig ko. Mas lalo akong nawawalan ng gana at nanlulumo kahit na isang masakit na salita lang nahihirapan na ako makatulog sa kakaisip.

"Don't worry. Ako bahala sayo."

Bahala na ang nasa isip ko. Pero ang pangamba ay hindi maalis sa isip ko. Wala akong tiwala sa sarili ko. Natatakot ako na lumabas at humarap sa dami ng tao. Hindi ko ata kayang makioagsabayan kahit na kanino lalo na kung ang puhunan ay ang self-confidence. Talong-talo na ako sa larangan na ito. Hindi ko ata kaya.

"Trust yourself the way I trust you, Scarlet. You're beautiful. I know you can do it. Kasama mo ako sa laban na ito. Malalampasan mo rin ang mga takot mo," sabi niya bago kami tinawag para magfill-up ng form.

Good luck na lang sa akin. Nawa'y kayanin ko nga para sa kanila. Kahit ang totoo ay takot na takot na talaga ako. Hindi ako sanay at hindi ko alam kung masasanay pa ako.

Hindi rin nakakatulong ang suporta nila kasi feeling ko mas lalo pa silang nag-eexpect sa akin. Hindi ko magawang matuwa dahil inaamin ko na hindi ko talaga kaya. Natatakot ako. At kahit anong effort gawin nila hindi mawala ang pag-iisip ko ng kung anu-ano at kaba sa dibdib ko.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon