Ship
"Aleah, maghugas ka na raw ng pinggan." Parang biglang nandilim ang paningin ko sa narinig ko. Yung feeling na parang nakakita ka na lang ng maiitim na ulap at malalakas na kidlat at kulog. "Bilisan mo lagot ka kay mama," dagdag pa ni Scion.
Mahilig talaga mag-utos sina kuya. Yung tipong ang kakapal ng mga mukha nila, yung aaraw-arawin ka talaga. Akala mo naman may sweldo na ibinibigay kaso sakit ng ulo lamg ang bigay nila.
"Ikaw maghugas. Ipinapasa mo lang sa akin ang utos sa'yo, Scion. Akala mo naman ikinag'wapo mo yan. Ikaw maghugas ng pinggan hindi pa nga ako kumain ng dinner, sapakin kita."
"Tapang. Ma, si Aleah oh! Pinaghuhugas ng pinggan hindi naghuhugas."
"Aleah!" sigaw ni mama. Napabusangot akong padabog na lumabas sa kuwarto ko. Binangga ko siya kaya natawa siya. Matapos ko maghugas ay itinapon ko ang basura.
Nakakahiya naman kasi sa kanila.
"Aleah, kumain ka na. Pag ikaw nagkasakit na naman," sabi ni papa na hindi ko na lang pinansin.
"Wala na akong gana." Dumiretso ako sa kuwarto ko at ipinagpatuloy ang assignments ko.
Busy ako sa assignment ko ng pumasok si Sic sa kuwarto ko. "Lumabas ka nga. Naiimbyerna ako sainyong lahat. Doon ka nga!" sigaw ko sa kaniya. Wala silang kuwenta, puro na lang pang-uutos.
"Kain ka na. Labas tayo after, ice cream tayo. Dali na," sabi niya habang nakangiti kaya hindi ako sure. "Totoo nga. Halika na, bilisan mo. Tatakas tayo. Hindi natin isasama yung dalawa, gipit ako."
"Sure ka? Hindi mo ako niloloko?" Tumango siya kaya tumayo na ako. Subukan niya lang talagang linlangin ako at gaganti ako ng mas hard. "Kakain pa ba ako? Diretso na lang kaya tayo."
"Kumain ka muna. Ubusin or sipunin ka pa niyan kasalanan ko pa. Bilis na."
Minsan lang mahulogan ng kuto sa ulo ang nga kapatid ko. Kaya once na tinutotoo nila sinasabi nila aba dapat lang na may pasobra.
May malapit na convenient store sa amin kaya after ko kumain ay dumiretso kami doon. Marami pa ngang nagkalat na tao kaya maaga pa.
Nang bumili kami ay mukhang alam ko na kung bakit ako isinama ni Sic. Panay ang pacute niya sa nagtitinda, bago eh. Hindi na matanda yung tindera.
"Baby, pili ka na." Naningkit ang mga mata ko kay Sic samantalang kinindatan niya lang ako. Bahagya pa siyang tumawa. "Itong kapatid ko ko kasi nabakapa-baby. Baby naman namin siya kasi alam yun, only princess ito sa family."
Wala nagtatanong kuya, sana aware ka.
"Ang cute naman. Sana all only girl. Alam mo pangarap ko yan," sabi naman ni ate.
"Pwede naman mangyari yun," sabi naman ni kuya.
For pity sake matutunaw na ang ice cream hindi pa rin nagkakabayaran.
"Malabo," maiksing sagot ni ate.
"Hindi kaya. Only girl ko pwede." Gusto ko masuka. Kadiri ang kuya ko. "Joke pero pwede mo naman seryosohin."
"Matagal pa ba yan? Matutunaw na yung ice cream na hindi ko pa nakakain, Sic. Akin na nga, bayaran mo na lang." Inagaw ko sa kaniya ang ice cream saka palabas akong naglakad.
Naupo ako sa upuan na nasa labas ng store. May mesa rin ito kaya pinanood ko na lang na dumaan ang mga tao, magbilang ng couple na dumadaan at bumulong ng walang forever, hindi niyo pa yan sure.
Nang may humintong motor sa may harap ay napatitig ako. Bumaba ang angkas nitong lalaki at dumiretso sa loob habang nagtatanggal pa ng helmet. Nang tanggalin naman ng driver yung helmet niya ay si Jackson ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Подростковая литература[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
