Embarrassment
I decided to stay at my parent's house until Scion was back in Manila because of his work. Ayaw niya kasi na umalis ako habang nasa bahay pa siya kaya ngayong wala na siya ay saka rin ako aalis.
“Sure ka, Aleah?” I nodded. “Bibisita na lang kami ng papa mo doon.”
“Sige po. Kailangan ko rin kasi magsimula gumawa ng mga artwork dahil yun ang dahilan kung bakit ako umuwi. Doon lang naman ako mag-istay, ma. Don’t worry.”
Dala ko ang iilang gamit ko. Tinulungan ako ni Sic na dalhin iyon sa sasakyan ko. Nasa loob ang future wife niya na parating nasa k’warto.
“You sure that you’re okay with her, Sic?” I asked while he’s fixing my things in my car. “Don’t lie to me, kuya.”
“I’m okay. I’m fine, Aleah. Nag-aadjust pa rin ako,don’t worry kaya ko. Magiging daddy na ako kaya kailangan ko maging matatag. Galit lang talaga siya sa akin dahil sa cheating issue na nangyari pero don’t worry, maayos ko rin yun. Galit lang talaga siya sa ngayon.”
Nalaman ko na nagkaroon si kuya ng fling. Nalaman daw ni ate Mia ang lahat at nagalit ito lalo na ngayon na buntis siya ay mas lalo tuloy naging maattitude.
Pagkarating ko sa bahay ay nakasuot lang ako ng lumang damit ko na plain. Itinali ko ang buhok ko at kaagad na inayos ang mga paint brush at kung anu-ano pang kailangan ko sa pagpipinta. May mga sketches na rin ako sa notes ko kaya kailangan ko na lang itong ipinta.
I’m into abstract painting. Halos mga piece ko ay about sa paglaban sa anxiety inspired painting or hindi naman ay mga scenery. I'm into Arts not into boys.
Halos maghapon ang iginugol ko sa pagpipinta. Nakadalawa akong art pieces bago ako tuluyang lumabas. May mga pintura na ang damit at shorts ko. Maging ang kamay ko. Paglabas ko ay saktong nakita ako na nagkukumpulan na tao. Habang dala ko ang bottled water ko ay lumabas ako.
"Tubig. Kailangan ng tubig!" sigaw ng isang lalaki habang inaalalayan ang isang mantanda.
"Oh I have one." Napalingon sa akin ang mga tao saka ko inabot ang tubig. "I have water here. Hindi ko pa nabubuk—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumingon ang lalaking umaalalay sa matanda.
Kinuha niya ang bottled water saka pinainom ang matanda. May dumating na rin na sasakyan galing ata sa barangay at isinakay doon ang matanda. Nagsialisan na rin ang mga taong nakiusyoso kaya balak ko na sana pumasok ng biglang lumingon si Jack sa akin.
"Hi?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “How are you?”
Actually hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan. I ghosted him. Actually, I ghosted them. I leave without saying goodbye to all of them. Hindi ko na kasi inabala ang sarili ko para magpaalam.
“I’m fine.” I smiled at his answer. “Mauna na ako. Busy eh.” I waved my hand before going back inside my house.
Ang dating moreno ngayon ay medyo maputi na. Ang dating sa tangkad lang pinalad ngayon may abs na. Ang dating may gusto sa akin ngayon stranger na.
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ko. Naligo na lang ako at nilabhan ko ang damit na ginamit at binabad ko ulit kasi pwede ko pa ulit gamiton yun kapag nagpaint ulit ako.
Sa malaking bahay ay mag-isa lang ako. Hindi naman malungkot sakto lang. At least I am at peace kahit hindi pa ako patay. I can do washing the dishes depending on me, I can do my laundry once a week, I can do all I want without some other command or opinion.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...