Bullied
"Kadiri naman siya."
"Ano ba naman ang batang iyan at sumuka sa gitna pa talaga ng stage."
"Nakakahiya naman ang bata na iyan. Ano bang problema niya?"
Umupo ako ng mag-isa dahil ayaw ng sumabay sa akin ng mga kalaro ko dahil sa nangyari ng roleplay. Bigla na lang ako nasuka habang nasa kalagitnaan kami ng pagroroleplay. Sinira ko ang presentation namin.
"Ma, ayaw ko na," umiiyak kong sumbong sa nanay ko. "Ayoko na pumasok. Ayoko na."
Umuwi ako na sobrang dumi ko dahil sa binuhusan ako ng mga batang kalaro ko ng mga kung anu-ano tulad ng itlog at marami pang iba. Mukha akong basahan dahil sa pangbubully nila. Bata pa lang ako pero grabe sila.
"Ayoko na doon," umiiyak ako habang nakita ko kung paano nasaktan si mama. "Ayaw na ni Aleah sa kanilang lahat. Ayaw na ni Aleah sa school."
Nang iminulat ko ang mata at si mama ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa paligid at iba na rin ang suot kong damit. Nakapatient suit na ako. Napanaginipan ko lang naman ang nangyari sa akin noong 5 years old pa lang ako.
"Diretso ka na namin ulit dito sa hospital ng tita mo," sabi ni papa. "Kamusta ka na?" tanong niya pa kaya naiyak na lang ako.
"Akala ko ayos na ako, ma." Pinunasan ko ang tumutulo kong luha gamit ang daliri ko. "Ayoko na bumalik doon, ma. Ayoko na doon."
"Anak," ang tanging sabi ni mama. "Siguro oras na para huwag mo ng takasan ang lahat. Anak, hindi naman pwedeng lagi na lang ganito. Graduating ka na. Pupuntahan ka rito ng tita mo," dagdag pa ni mama.
"Kami na bahala rito. Uwi muna kayo, ma. Tsaka kayo rin," sabi niya kina Sic at Scion. "May pasok pa kayo. Ako na bahala rito. Dala ko naman reviewer ko," dagdag pa ni Sean.
Nang umalis na sila ay naupo si kuya sa tabi ko. Yumakap na lang ako sa kaniya at pilit na isinisiksik ang mukha ko sa may tagiliran niya. Hinaplos niya ang buhok kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Dinaan ako ni tita bago siya umuwi. Kinausap niya ako at sinabing hindi ko dapat laging tinatakasan ang mga bagay na gusto ko kalimutan. Sa tuwing may kahihiyan akong nagagawa ay ayoko ng makasalamuha ang ibang tao. Alam ko na kasi na iiwasan na nila ako kaya mas mabuting ako na ang unang gumawa noon. Nakakatrauma. Ayoko na maulit ang lahat pero ano pa bang magagawa ko, naulit na naman.
I need some prescription medication or counselling from my doctor which is my tita. I need to do some therapy daw.
Nakinig ako sa sinabi ni tita. To get through this, I need to handle all my fears. Believe in myself. Don't let them drown me again. I have social anxiety base on what I said to them when I was a victim of bully ay nasabi ni tita na baka yun ang dahilan ng lahat, that the cause of my social anxiety is my stressful childhood experience.
She also said that I need to share my thoughts because talk therapy may be ang big help pero mas okay na sa mga kuya ko na lang kasi kahit noon pa sila lang naman talaga ang kaibigan na hindi ako iniiwan.
Pumasok ako ng school na hindi alintana ang maaring mangyari. Gustuhin ko man na huwag ng pumasok hindi na sina mama pumayag. Malaki na raw ako kaya kayanin ko na raw tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi sa lahat ng oras tatakas at kakalimutan ko na lang ang mga pangyayari na hindi ko gusto.
Pagpasok ko sa school ay napuno na kaagad ng bulong-bulongan ang paligid. Nanatili lang akong nakayuko at pinipilit silang huwag pansinan hanggang sa may mabangga ako kaya itinulak niya ako dahilan kung bakit ako sumalampak sa sahig.
"Poor you. Wala naman ng tutulong sayo. Kadiri ka. Sa kabila ng maamo mong mukha nakakadiri ka pala sa entablado. Dapat kasi huwag ka ng pumapapel. May ganda ka nga pero hindi sapat."
"Huwag niyo na lang pansinin na nag-eexist ako," mahina ngunit alam ko na maririnig nila ang sinabi ko. "Please..."
"Kung ako sayo iiwasan ko na sina Pres. Isasama mo lang sila sa pagkalugmok mo. What a disgusting creature," sabi nila bago nila ako nilapitan at bahagya na sinagi na akala mo wala silang nakikita na ibang tao.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa comfort room. Pumasok kaagad ako sa isang cubicle saka tahimik na umiiyak. Tinakpan ko pa ng palad ang bibig ko para pigilan ang hikbing kanina pa gustong kumawala.
"Kadiri siya noh?" Narinig ko sa mga bagong dating. "Maganda sana talaga kaso ew."
"Iiwan din siya ni Jack sa nangyari. Hindi sila bagay. Assuming lang siya para isipin na magugustuhan siya ni Jack. We all know Jack much. Madali magkagusto, madali masawa."
Isa rin ba ako sa mga tinutukoy nila? Pinaibig pero iiwan lang din naman sa ere? Inubos ko ang oras ko sa loob ng cubicle bago ako pumasok sa room. Sinadya ko na saktong pumasok na time na talaga para wala ng mangulit sa akin at kung anu-ano pa.
Pagpasok ko sa room ay napatingin ako kay Jack, ako na mismo ang pumutol sa titigan namin saka ako dumiretso sa upuan ko at naupo. Hindi ko pinansin sina Kim at Jack. Lumapit sa akin sina Shenna at Hiro pero hindi ko sila pinansin. Nang magbreaktime ay sinundo ako ni Rocky, siya lang ang kasama ko. Kita ko na halos madaanan namin ay nakatingin sa akin at pinag-uusapan ako kaya tinakpan ni Rocky ng kamay niya ang tainga ko habang naglalakad kami.
"Bakit hindi mo sila pinapansin?" tanong ni Rocky habang kumakain kami. "Inaaway ka rin ba nila? Pati ba sina Raquel? Aleah, tell me."
"Kapag ba inaway ako ng taong gusto mo, ano ang gagawin mo?" tanong ko.
"Iuunlike ko. Kung maattitude na siya na hindi pa kami mag-asawa at walang respeto mas mabuting hindi na ako mag-asawa." Natawa ako kasi mahirap maniwala. "So ano?"
"Hindi naman nila ako inaaway. Mapapahiya lang sila if sumama pa sila sa akin kaya ako na mismo ang iiwas"
Pinagsabihan ako ni Rocky na kausapin ko sina Kim pero umiling ako. Masyado sila popular sa school para lumapit pa sa akin. Siguro dapat ko na lang tanggapin ang lahat na ako lang mag-isa.
Ayoko na ipilit pa ang sarili ko sa ibang tao. Mas mabuti pa yung dating ako. Papasok ako sa school ng tahimik at uuwi rin ako ng mag-isa. Gusto ko na lang makagraduate na para makaalis na ako ng tuluyan at makalayo sa kanilang lahat.
Wala naman ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako lang. Kailangan ko na rin siguro sundin ang tita ko.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Novela Juvenil[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
