IX Visitors

171 12 0
                                        

Visitors

Pinagsisipa ko si Scion ng kiniliti niya ako para magising. Nag-effort pa talaga siyang umakyat dito sa kama ko. Hindi niya ako tinitigilan kaya nasipa ko siya sa panga niya. Hawak-hawak niya ito ngayon na tila masakit ang ngipin.

"Kasalanan mo. Sabi na kasi tigilan mo ako eh. Hindi ko kasalanan yan," masungit kong sabi habang pareho kaming naka-upo sa kama ko. "Masakit talaga?" tanong ko habang maluha-luha na ata siya.

Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ito. Inalis ko ang kamay niya sa, pinilit ko pa alisin. Mukha nga atang napalakas ang sipa ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi.

"Masakit pa? Kasalanan mo naman kasi kuya eh..." Nang bitawan ko ang pisngi niya ay bumaba na siya sumunod ako. "Hintay," sabi ko pero niya ako pinansin.

Nang nasa baba na siya ay kaagad ako sumampa sa likod niya. Kamuntikan pa kami masubsob buti napahawak siya sa pader.

"Magsakit na nga dadagdagan mo pa," sabi niya. Inayos niya naman ang pagkakasampa ko sa likod niya kasi nakasupporta ang kamay niya ngayon sa legs ko. "Ang bigat mo na, Aleah!" Tinawanan ko lang siya.

Dumiretso siya sa dining table namin. Bumaba ako ng nasa may dining table na kami. Hawak-hawak niya pa rin ang panga niya na parang nasuntok siya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Sean sa kaniya. Inilagay ni Sean ang dala niyang ulam sa table bago hinila si Scion at hinawakan ang baba nito para makita. "What happened?"

"Nasipa ko siya. Ano kasi kasalanan naman kasi niya kuya. Sabi ko tama na hindi siya tumigil sa kakakiliti sa akin so nasipa ko siya. Nagsorry naman ako sa kaniya. Diba, kuya Scion?"

"Tang***, sinisi niya pa ako, kuya. Hindi siya nagsorry."

Nagulat ako ng biglang may humagalpak ng tawa. Pare-pareho kaming tumingin sa gawi ni Sic na nakasandal habang nakacross ang magkabilang braso niya habang nakatingin sa amin.

"Ang paplastik niyo, ampucha! Kuya? Seriously, dapat na talaga ako magsimba?" Humagalpak pa rin siya ng tawa habang papalapit sa amin. Inakbayan niya kami ni Scion. "Ako hindi niyo tatawaging kuya?"

"Hindi," sabay naming sabi ni Scion.

"Sayang. May nagtitinda ata sa labas ng taho."

"Hinding-hindi ka namin makakalimutan na tawaging kuya," sabi ko.

Tumingin ako kay Scion bago siya tumango. "Tara na, kuya Sic." Natawa si Sean habang hila-hila namin papalabas ng bahay si Sic.

Nakanguso na si Sic dahil pati si Sean, mama, at papa ay nagpabili. Nakaakbay sa akin si Sean habang nasa tabi ni mama si Sic tapos si Scion nasa tabi ni papa. Nakabusangot na si Sic at masama ang tingin sa amin ni Scion.

"Labag pa sa loob niya, ma. Masakit ata sa loob niya na bilhan tayo," sabi ni Scion. "Tingnan mo." Biglang ngumiti si Sic.

"Ano ba kayo? Pamilya ko kayo. Saan ba ako kumakain diba, ma?" tanong ni Sic kay mama. "Sino ba ang nagtatrabaho diba, pa?" baling niyang tanong kay papa.

Sabay-sabay kami nagthumbs up sign nina Sean at Scion sa kaniya. Naging busy sa loob ng bahay. Matapos namin magbreakfast ay naghanda na si mama ng mga lulutuin niya. Katulong niya si Nay Jessa na katulong namin. Hindi siya nag-iistay sa bahay, umuuwi siya at kamag-anak siya ni papa.

Pinatulong ako ni mama maghiwa ng mga sangkap. Sina Sean ang nagluluto katulong niya si Sic samantalang si Scion ay nagpag-utusan na paghiwa-hiwalayin ang lumpia ruffles. Mukha siyang tamad na tamad.

"I feel you, bro'. Feel na feel," sabi ko habang naluluha na ako dahil sa bwiset na sibuyas. "Pinapaiyak na naman ako ng kinginang sibuyas na ito!"

Pinaglinis ako ni mama, pinaayos niya rin ang kuwarto namin ni Scion. Kanina pa ako inuutusan kaya badtrip na badtrip na ako. Ito ang dahilan kung bakit ayoko ng may handaan. Lagi na lang walang katapusan ang utos. After pa niyan ang daming hugasan.

Naligo ako matapos ko magkapag-ayos ng lahat. Nagsuot ako ng iced coffee hoodie jacket, at white denim shorts. Itinali ko rin ang buhok ko ito a bun style, nakababa rin ang bangs ko. Nang dumating si Rocky ay ginawa niyang unan ang binti ko.

Sina Shenna, Raquel, Gillian, Dylan, Kim, William, Jackson, Sam, at Ayden ang invited. Sabay-sabay sila dumating. Nagulat pa ako ng makita ko sina Sam at Gillian na nagsusungitan na naman. Actually hindi ako nag-invite sa kanila. So Shenna talagang sinabihan nina mama, si Raquel kasama ang kambal, kasama ni Jack si Sam, at inaya naman ni Rocky si Ayden.

"Upo kayo. Raquel dito ka," sabi ni Rocky. "Wait lang kunan ko kayo maiinom. Arat na, Aleah."

Sinamahan ko si Rocky na kumuha ng juice. Tinulungan din kamo ni Nay Jessa na dalhin ang mga baso. Nadatnan ko na nakatingin si Raquel sa picture frame kung saan nandoon din sina Rocky.

"Close pala family niyo ni Rocky," sabi niya. "Ang astig naman."

"Yeah. Hindi man kami magka-age ni Rocky siya talaga halos kaclose ko. Sila lang din naman kasi ang pamilya ni mama na malapit sa amin kasi dalawa lang naman sina mama na magkapatid. Bunso ang mama ni Rocky."

Napalingon siya sa akin na may halong pagtataka. "You two are cousins?" Tumango ako habang nainom ng juice na. "Seryoso?" tanong niya pa.

"Yeah. What are you thinking huh? Akala mo ba magjowa kami ni Roc-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.

Tawa ako ng tawa kay Raquel. Akala niya magjowa kami, I mean nagmumukha lang talagang nililigawan din ako ni Rocky. Hindi ko alam kung alam niya na may gusto sa kaniya si Rocky. Nakaramdam kaya siya ng selos? Curious tuloy ako.

Nang lumapit sa gawi namin si Jack ay umalis si Raquel. "You're beautiful," sabi niya habang umiinom ng juice. Ang g'wapo niya sa part na ito. "Why?" Umiling ako.

Napalingon ako ng mag-ingat sina Rocky at wala na nasa kuwarto ko pala sila. Nakasunod sa kaniya sina Kim, Raquel, at William. Magkasabay kami sumunod sa kanila.

"Ang ganda ng kuwarto mo, Scarlet. Sana all ganito," sabi ni Kim.

"Labas na tayo. Halos gamit kasi ni kuya ang nandito sa baba. B'wiset pa naman yun sa akin simula pa kanina."

Bumalik kami sa living room at nagk'wentohan. Ako yung may bisita pero gustong-gusto ko na sila iwan at matulog sa kuwarto ko. Binuksan ko na lang ang phone ko at nagscroll ng nagscroll hanggang sa tinawag ako ni Sean.

"Oh?"

"Bili ka pa nga ng yelo. Naubusan eh."

Nagpaalam ako na may bibilhin lang. Sumama sa akin si Jackson papalabas ng bahay. Nag-inat-inat pa ako ng kamay ko.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Doon sa convenient store kung saan tayo nagkita noon." May tinda naman kasing yelo doon kahit papano. Akala ko nga noong una wala kasi inspired ata sa Korean ang store nila.

Hindi yung crush ni kuya ang tindera. Limang yelo ang pinabili ni kuya. May sukli pa kaya bibilhin ko sana ng ice cream pero kinuha yun ni Jackson at ibinigay sa akin.

"Ako na ang magbabayad," sabi niya saka iniabot jay ate ang bayad. "Akin na yang yelo."

Siya na ang may bitbit ng yelo. Naupo muna kami saglit saka nilantakan ang ice cream na binili niya. Makalipas ang halos limang minuto ay naglakad na kami pabalik sa bahay. Bago makarating sa bahay ay naupo na namin ang kinakain naming ice cream ginulo niya pa ang buhok ko dahil ang cute ko raw.

Nang magsikainan na ay talagang target ang lumpia. Wala pang plano sina William, Shenna, Kim, at Ayden ng kumuha sila ng lumpia at kaaagad na nilantakan. Sumunod na rin ang iba kaya tawanan kami ng tawanan.

First time nangyari sa buhay ko na nagkaroon ako ng bisita. May mga kaibigan naman ako pero wala talagang napunta sa bahay at tsaka hindi talaga ako nag-iinvite. Kahit kapag group project ay hindi ako pumapayag na sa bahay gumawa. This is the first time na may mga naging bisita ako.

"I'm glad you found some friends," sabi ni mama saka bahagyang ginulo ang buhok ko. "Sa wakas, kahit papano ay sinisira mo na ang pader na namamagitan sayo at sa ibang tao," dagdag niya pa.

Hindi ko alam na pansin pala ni mama yun. Akala ko sina kuya lang ang nakakaalam. Hindi kasi talaga ako ganito. Pero kahit papano ay alam ko na nag-improve naman kahit papano ang pakikipag-interact ko sa ibang tao. I'm so happy that I meet Kim and Raquel. Dahil sa kanila lumawak ang mga nakakasama ko, kahit na kaibigan naman talaga nila ito at hindi ako. At dahil kay Jack kinaya ko ang isang round na kinatatakutan ko, ang humarap sa maraming tao na nagawa ko kahapon.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon