V Suitor

250 15 0
                                    

Suitor

Scion and I now is in the same room. Nasa baba siya habang ako sa taas. May ladder papunta sa spot ko. May mini book shelves din na pwede ko rin mapagpatungan ng kung ano ang ibabaw. May dalawa akong malaking Panda at Hello Kitty na stuff toy. Kay Scion naman ay Gray at light blue team sa baba. Nasa baba rin ang flat screen tv na nasa may paanan niya part. May study table din katabi ng pintuan at pandalawahan. Gadgets ko ay nasa higaan ko samantalang sa kaniya nasa study table.

Yeah, halos isang linggo lang ang pag-aayos. Kumuha si papa ng karpentiro para madali ang pag-aayos. Buti at natapos kaagad dahil sa graduation na ng kuya ko. Pahinga muna raw siya pero magboboard exam daw siya kaya wala siyang pahinga.

Madami assignments ko, samantalang si Scion ay nanonood ng movie. Bumaba ako at pumunta sa kama niya dala ang gamit ko.

"Scion, tulungan mo ko sa assignment ko. Math 'to, may apat pa ako assignment eh." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. "Gawin mo mga assignment ko lulutuan kita foods."

"Kailan?" tanong niya habang nasa pinapanood ang paningin. "Gusto ko ngayon na."

"Basta tapusin mo assignments ko."

Bumalik ako sa taas at kinuha ko ang iilang notes ko. Ibinigay ko sa kaniya lahat, lima kasi yun.

"Pancit canton spicy, luto ka na rin ng fries. Bobo neto, ang dali-dali ng mga assignments mo. Ampon ka talaga," sabi niya habang tinitingnan niya nga assignments ko.

Pagbibigyan kita ngayon kasi kailangan kita. 10 pm na kaya tulog na ang mga tao. Maaga sila natulog kasi pagod. Sumilip pa ako bigla sa kuwarto niya Sean at tulog na nga talaga sila. Nagluto muna ako ng fries after ay yung pancit canton. Binudburan ko lang ng cheese yung fries ng medyo lumamig na ito. Sabay ko na dinala sa kuwarto namin ang pagkain, kumuha pa ako ng Pringles at Chuckie. Lagot na naman kay kuya Sic bukas, kaniya yun eh.

"Tapos na?" tanong ko habang nakahiga na siya at nanonood na. Tumango siya kaya iniabot ko sa kaniya ang pagkain at hinalungkat ko ang mga notebook ko na may assignment. "Ang talino ah. Pagbunso ba nauubusan na ng talino? Nagtira kasi kayo sa akin 5% lang, ang duga."

Kakanood ay 1 am na ako nakatulog. Hindi ko na nga namalayan pa eh. Hindi ko na alam basta nakatulog ako sa kama na ni kuya. Nasa gilid siya habang halos mahulog na ako buti hindi ito yung tipong kama na may paa kaya mababa lang. Actually hindi ako nagising ng sadya, sinapa ako ni Sic.

"May pasok ka pa. Bilisan mo. Ihahatid kita. Maulan pa naman." Lumapit ako sa bintana at malakas nga ang ulan. "Sasakyan ni papa ang gagamitin natin kaya bilisan mo na habang hindi pa naalis si papa."

Dali-dali ako nag-ayos. Buti na lang at naihatid pa ako ni Sic. May trabaho kasi si papa kaya kailangan niya rin yung sasakyan. Pagdating ko sa school ay inihatid ako ni kuya hanggang sa baba ng building namin.

"Text me kapag wala kayong pasok. Try ko manghiram ng sasakyan kina tita," sabi niya bago ako tuluyang iwan.

Pagdating ko sa room ay malamig. Nakalimutan ko magdala ng jacket. Buti si Kim nakajacket, ready. Nakalimutan ko kasi. Nakakainis.

"Nilalamig ka?" Napalingon ako kay Jack. Kaagad niya inalis ang jacket niya at iniabot sa akin. "Ikaw na gumamit," dagdag niya pa.

"Ayos lang. Huwag na." Hindi siya nakinig kaya nilagay niya ito mismo sa balikat ko. "Sure ka talaga?" Tumango lang siya kaya isinuot ko na kasi nilalamig talaga ako.

"Ang tagal naman magsuspend ng klase," sabi ni Kim habang nakapangalumbaba. "Uwing-uwi na ang katawang lupa ko at gusto ko na lang matulog. Buti pa sa ibang school wala ng pasok."

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon