Recognition
"Aleah, nasa living room jowa ng kuya mo." Nilingon ko si Sic sa narinig ko. "Tara sa baba. Hinihintay ka na ng gurang na iyon." Hinintay niya hanggang sa makababa ako. Inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa living room.
"Kendra nga pala," sabi niya bago inilahad sa harap ko ang kamay niya na nagawa kong tanggapin kahit papano.
Hindi na rin kami nagtagal sa living room. Dahil sa may recognition ay pinagbihis na ako ni mama. Isinuot ko ang uniform ko saka ako nag-ayos kahit na paano. Habang sinusuot ko pa sapatos ko ay pumasok si Scion habang nakauniform pa.
"Ang pangit mo," sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Saan ka pupunta?" tanong ko ng kinuha niya ang t'walya niya.
"Malamang sasama ako. Baka may mangyari na naman eh. Tsaka may award ka, malay mo kumain tayo sa labas, kapag hindi ako sumama kaawa-awa naman akong nilalang."
Maraming mata ang nakatingin sa akin. Hindi ko mawari ang nais nilang iparating ng magsimula na akong maglakad paakyat sa stage. Nanginginig ang mga tuhod ko, sobrang kapit ang kamay ko sa palda ko. Sa kabilang side si mama dadaan ako naman sa kabila at magmemeet kami sa gitna para kunin ko ang award ko this quarter.
Nang paakyat na ako sa stage ay tumakbo sina kuya at humabol kay mama. Bago man ako makapunta sa gitna ay nakaakyat na sila at sila pa talaga ang nakipagkamay sa teachers ko.
Kagat-kagat ko ang labi ko ng isabit sa akin ang isang medalya at ibinigay sa akin ang kapirasong papel na pinaghirapan ko. Nakangiti kaming humarap sa camera na hawak ni ate Kendra. Sabay wacky kasi pinilit ako ni kuya kaya si mama ay hiyang-hiya sa inaasta nila.
Pagkababa ko ay nakita ko si Kim sa tabi. Nakangiti pero alam ko na may iba sa kaniya. Naupo ako sa tabi niya kahit hindi ko alam kung sino ang dapat na katabi niya. Nakatingin lang siya sa stage sa tuwing may tinatawag na with honor students.
"What's the problem?" I asked.
"Nakakainggit kayo." Tumingin siya sa akin na may lungkot ang mga mata. "Nakakainggit kayo, may kapatid din ako pero hindi kami ganyan. Mahal ko sila, pero kung mabubuhay man ako ulit ayoko ng maging parte pa ng pamilya nila."
"Kimberly Adriana Rivera, 2nd honor." Ngumiti siya bago ako iniwan ng marinig niya ang pangalan niya.
Nakita ko si kuya na siya na ang may hawak ng camera. Nangunot ang noo ko ng si ate Kendra ang nagsabit ng medal kay Kim. It means, magkamag-anak sila?
Nang makabalik si Kim ay hindi ko napigilan na hindi magtanong. "Kaano-ano mo si ate Kendra?" tanong ko.
"She's my sister. Thanks to your brother, she's here. Kasi kung wala boyfriend niya rito, alam ko na wala rin siya. Mag-isa lang ako. Kaya kung ako sayo, huwag kang yuyuko sa maraming tao. Cheer up, girl. Mas may dahilan ka para maglakad ng confidence kasi yang hindi makamove on sa nangyari at patuloy ang panghuhusga sayo, inggit lang sila. Kasi wala sila kung ano man ang mayroon ka. Hindi nila mararanasan kung ano man nararanasan mo kasi ikaw yan, ikaw lang at wala silang magagawa sa buhay mo."
All I did was stare at her. I felt that she is not what Kim I've met. She's different or is she also tired of everything?
"Kim."
"Don't worry. I'm fine. I am."
Akala ko uuwi na kami pero isinama kami ni ate Kendra sa bahay nila. Nakasakay ako sa dalang motor ni Scion at isinabay na namin si Kim. 15 minutes din ang layo ng bahay nila sa akin.
Pagpasok namin sa makipot na daan ay sa wakas na narating na namin ang bahay nila. Maganda ito kahit maliliit at may 2nd floor din dahil sa taas daw ang mga k'warto nila. Malinis din ang bahay nila.
"Gusto mo sa kabilang taas tayo?" tanong ni Kim.
"Huh?" takang tanong ko.
"Kina William lang kami!" sigaw ni Kim bago niya ako hinila. "Actually ito ang pinakabahay nila. Sa grandparents niya yung una mong napuntahan noong birthday niya." Paliwanag ni Kim sa akin.
Dire-diretso kami sa isang bahay. Pagkaalis namin ng sapatos ni Kim ay dumiretso kami sa hagdan. Ni walang pakialam si Kim at mukha siyang sanay. Kaagad na binuksan ni Kim ang isang pinto at bumungad doon ang halfnaked na si William kaya kaagad kami napatalikod at kunwaring walang nakita.
"Ba't ba kasi kayo pasok ng pasok? Magbibihis pa lang ako eh."
"Tapos na ba?" tanong ni Kim dito habang nakatalikod pa rin.
"Oo."
Nang humarap si Kim ay saka lang din ako humarap. Dumiretso si Kim sa kama ni William at nahiga. Naupo na lang ako sa sofa.
"Feel free. Feel at home. Only child lang ako, walang manggugulo sa inyo wala kasi kapatid ko hindi ako literal na only child.. Kuha lang ako ng drinks niyo."
"Ilang buwan na lang at maghihiwa-hiwalay na tayo. Ikaw ano plano mo?" tanong niya sa akin. "Ako gusto ko kumuha ng related sa media, ikaw?"
"Fine arts. Yun na rin naman sinabi ko kina mama. Tsaka I decided to accept someone's offer. They want me to be their model. Sabi ni kuya, kilala niya yun kaya, I think it's a good opportunity for me."
"I'm happy for you. Alam mo, be confident. Alam ko na diyan ka makikilala, at sa panahon na yun umasa kang kilala pa rin kita sa kung ano ka matapos tayong magkakilala. I will always be proud of you. I know Jackson too. Give him a chance. Ginagawa niya lahat para wala ng gumambala pa sayo, tsaka si Sam, first time ko siyang nakita na may ipagtanggol na iba."
Nabalitaan ko na napaaway si Sam pero hindi ko alam na ako ang dahilan.
"Gawin mong strength kung ano man ang mga nangyari sayo noon at ngayon para sa bukas." I nodded. "Sorry, nadadala lang ako ng aking emosyon. Babalik na si Kim in one, two, three."
"Adriana, umalis ka sa katawan ni Kimberly. Drinks niyo oh." Natawa na lang ako sa sinabi ni William.
"William!" pagtawag kay William galing sa baba.
"Nasa baba na sina mommy. Tara, bumangon ka na diyan Kimberly! Halika na, Scarlet"
Nauna maglakad papalabas ng k'warto si Kim kaya nakasunod lang kami ni William. Halatang-halata ang pagiging close ni Kim sa parents ni William, mas mukha pa silang pamilya kaysa sa nakita kanina sa bahay nila Kim.
"Naku, kung walang Jackson sa buhay ng anak ko iisipin ko na talagang bakla ang anak ko. Parati na lang babae ang nakikita ko na kasama niya. Kung magbangayan sila ni Gillian grabe, kung mag-usap naman sila ni Raquel feeling ko ang arte. Buti na lang kaibigan niya sa Jack," natatawang sabi ng mommy niya. "Papunta na yun dito. May pinuntahan lang daw saglit."
Napalingon sa akin ang dalawa. Tatayo na sana si Kim ng biglang pumasok si Jack. May dala itong kahon na mukhang cake ata ang laman.
"Jack, nandito classmate mo oh." Turo sa akin ng mommy ni William. "Maupo ka na. Ang ganda ng kaklase mo na ito. Ba't wala ka pang girlfriend eh may kaklase ka naman palang kasing ganda ng batang ito." Narinig ko ang pagbungisngis ni Kim at William.
"She's my girl, tita." Takang-taka si tita sa sinabi ni Jack bago ito tumabi sa akin. "May inaayos lang ako kaya napapabayaan ko."
Tinampal ni tita si Jack sa braso nito.
"Jack, dapat palaging balance. Habang may inaayos ka dapat hindi mo napapabayaan ang taong gusto mo," sabat ni tito. "Hindi maganda na may naaayos ka nga pero may isa ka namang nasisira," dagdag pa nito.
"I'll take that as advice, tito." Nilingon niya ako saka ngumiti. "Eat up, babe."
Hindi na ako nakapagsalita pa nang lagyan niya pagkain ang pinggan ko. Todo ship naman si tito kina Kim at William na ikinangiti ko na lang dahil umingay na rin sa wakas ulit si Kim.
I'm sorry. Pasensiya na sa gagawin ko. Napamahal na rin ako pero kailangan ko ito. Magiging selfish muna ako para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
