XVIII Unexpected Plan

88 6 0
                                    

Unexpected plan

We become busy and tired because of our exam and some final output. I don't have a plan to be stuck in the 4th year so I need to pass all the projects. Sa quizzes at assignment lang naman ako bumabawi kasi ako sa mga output dahil mahina ako sa recit. Kahit alam ko naman ang answer nagdadalawang isip ako parati kung magtataas ba ako ng kamay. Natatakot kasi ako na pagtawanan at mapahiya.

In our family ako lang hindi katalinuhan pero with honors din naman. Lahat sina kuya ay matatalino talaga. Naka-graduate si kuya na cum laude. Si Sic at Scion naman ay nasa dean's lister. Akala mo lang loko-loko pero pag yan nasa loob ng school mga genius type yan kaya tiwalang-tiwala si mama na makagraduate sila.  

"Aleah, may gusto kumuhang model sayo." Nabitawan ko ang hawak kong ballpen sa sinabi ni Sean. "Gulat na gulat?" tanong niya.

"M-malamang. Ako? Baka kayo siguro. Alam mo kuya sino naman ang kukuha sa akin. Ano yun kukuhanin akong endorser ng damit tapos ako yung hanger ganoon?" Binatukan niya ako kaya napahawak ako sa batok ko. "Masakit ah! Lagi kayong nananakit. Ano future mananakit asawa kayo? Mas mabuti pang huwag na kayong mag-asawa kung ganoon."

"Nagbabalak na nga ako eh," sabi niya habang nakangisi kaya binato ko siya ng tsinelas. "Masakit, Aleah."

"Gago ka, kuya. Huwag ka muna mag-asawa. Mag-ipon ka muna, ano hihingi ka kina mama pangkasal? Sabi mo noon kina mama wait for the time that my ma, pabili ako noon turns to ma, bilhin mo lahat ng gusto mo. Puro ka rin salita, kuya."

"Joke lang iyon. Hindi ko nakakalimutan iyon. Lumalaki na rin ang bakeshop natin tapos nadadagdagan na rin ang branches nito at dadagdagan ko pa." Ngumuso ako sa kaniya saka siya tinarayan. "Sinagot lang ako ng nililigawan ko."

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano baka attitude rin yan ah! Ayusin mo ang pagpili, kuya. Yang puso mo naku!" Tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa kuwarto ko.

Stress na naman ako kahit kakatapos pa lang ng lahat ng mga events sa buhay ko. Nadatnan ko si Scion na nagbabasa ng libro, baka nag-aadvance reading na siya para sa pasukan. 

"Kuya, I mean Scion." Nag-angat siya ng tingin sabay iling. "Nakita mo na girlfriend ni Sean?" tanong ko.

"Hindi ko pa nga alam na may girlfriend na siya ulit eh. Sino ba raw?"

"Aba, malay. Kaya nga ako nagtatanong sayo eh kaso wala ka ng namang alam, walang k'wenta."

Nagluto ako ng pancit canton, wala sina mama at papa ngayon. Naiwan kami nina Sic at Scion dito sa bahay. Mamaya darating na rin ang mga iyon, nag-grocery sila eh. Hindi na ako sumama kaya hindi na rin sumama ang dalawa.

"Ang anghang," sabi ko. Nakatingin na naman kasi si Sic sa akin. "Grabe naman ito."

"Aleah, pa-twenty years old na ako. Hindi na ako 4 years old. Pahingi, huwag kang madamot." Padabog kong ipinadyak ang paa ko. "Huwag kang selfish."

"I'm not selfish. Ako kasi nagluto eh," nakabusangot kong sabi.

Nang dumating sina mama ay saka lang ako nakaligo. Hahampasin pa sana ako ng hanger ni mama kaya tumakbo na kaagad ako papuntang cr. Wala naman na akong magawa kundi ang maligo na lang. 

Nanonood kami ng movie sa living room ng may mga dumating. Nagulat ako ng makita ko sina Jack, Gillian, at Raquel. Nag-aaya sila na pupuntahan daw namin si William dahil may pahandaan daw.

Pinuntahan ko si mama at nagmamakaawa na naman ako na huwag ako payagan. "Ma, ayoko. Sabihin mo na lang na may lakad tayo. Ayoko talaga sumama, ma." 

"Ano ka ba? Para kang ibang tao sa ginagawa mo. Mga kaibigan mo yan ah. Sumama ka na. Huwag kang mag-inarte, matuto kang makisama. Hindi na talaga ako natutuwa na halos magkulong ka na sa bahay," sabi ni mama. Nakasimangot na lang ako habang naiinis.

"Mag-iingat lang kayo. Huwag magpapagabi, Aleah." Ngumiti si mama sa kanila. Wala na akong takas. "Magbihis ka na, Aleah."

Nang kumuha ako ng damit ay halos maiyak na ako. Yung ibang parents ayaw na ayaw nilang pinapayagan ang mga anak nila na umalis pero si mama parang tanga naman na gustong umalis ako. Halos hindi na raw kasi ako masikatan ng araw.

"Tinatamad nga rin ako sumama eh," sabi ni Raquel ng nakasakay na kami sa jeep. "Nahihiya lang talaga ako na hindi makapunta dahil nag-invite mama ni William, nakakahiyang tumanggi."

Napansin ata ni Raquel na ayoko talaga sumama. Wala si Kim, hindi raw nila sure kung sasama. Si Gillian naman panay scroll sa cellphone at parang may ibang mundo. Si Raquel naman mas minabubuti na lang niyang tumahimik. Si Jack naman panay diskarte kaya hinahayaan ko na lang. 

Nang nasa jeep kami ay pigil tawa kami ng may mauntog. Kinuha ni Jack ang phone niya saka iniharap sa akin. Magkunware siya na may itinuturo sa akin sa phone niya kahit nakapatay naman ito. Nang may biglang umilaw ito dahil may nagmessage ay nakita ko ang mukha ko kaya pati siya ay napatigil sa pagtawa.

"Kinuha ko sa post mo. Sorry, may nakalagay naman na text dito sa baba oh." Turo niya. "Crdts to Scarlet Aleah Rodriguez, ctto nga yan eh pinalitan ko lang."

Mukha ko lang naman ang nasa lockscreen ng phone niya. Halos mas marami rin akong pictures na stolen dahil mga kapatid ko ang may pakana.

"Change it. I don't like it," I said.

"No, don't worry nasa lockscreen lang. Mukha ko nasa screen wallpaper."

Nang makarating kami sa bahay nila William ay hindi ko aakalain na mayaman pala sila. Akala ko simple lang ang pamumuhay nila kaya hindi ko ineexpect na sobrang laki ng bahay nila. His grandparents are into politics daw kaya ayon hindi siya close sa mga iyon. Nagpursige raw ang parents nila para makapatayo ng bahay ng alam nilang hindi galing sa mamamayan ang perang ginagastos nila.

Hindi dumating si Kim. Sabi ni William baka gabi pa raw ito pumunta kasi may inaayos. Kahit papano ay nakakasabay naman ako sa kanila pero mas marami ang oras na tahimik lang talaga ako. Pagngiti-ngiti at patawa-tawa pero sa isip ko hindi naman talaga.

Naging masaya naman ang araw ko. Tama si mama na mag-explore rin ako kahit papano. Nang makauwi ako ay super dami kong k'wento. Nagbike rin kasi kami ni Jack, hinabol ni William ang aso nila na nakawala. Nakipaglaro ako sa mga alaga nilang pusa kaya super nag-enjoy naman ako.

Nang oras na ng pagtulog ay bigla na lang akong hindi makatulog. Antok na antok na ako kanina pero nawala na lang siya ng mahiga ako. Wala si Scion dito dahil nasa kabila pang k'warto. Bigla na lang akong napapaisip sa magiging future ko at hindi ko maiwasan na hindi matakot. May future nga ba ang isang katulad ko?

Natatakot ako. Tila hindi pa ako totally mulat sa reyalidad na kinabibilangan ko.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon