XXI Unconscious

86 7 0
                                    

Unconscious

Tinulungan nila akong maghanap ng damit. Simula sa production number inspired sa uniform ng school South Korea costume traditional and modern, at higit sa lahat ang pangfinal outfit na gown/cocktail dress inspired sa South Korea kasi yun ang kailangan namin irepresent. Sila halos ang nag-ayos ng lahat.

Si Kim ang tumulong sa akin sa halos lahat ng bagay kahit super busy niya rin kasi SSG officer din siya. Buti na lang at nakaalalay siya sa mga kailangan ko. Dahil sa halos whole day na pagpapractice ay feeling ko lang naman, feeling ko kaya ko. Pero actually hindi pa rin sapat, hindi ko talaga alam. Feeling ko dapat hindi na ako tumuloy pa.

Nang dumating ang oras ng mga activities ay pumunta kami sa isang room kung saan magaganap ang quiz bee. Nakasuot lang ako ng damit na inspired sa korea suit. Nakablack high waisted pleated skirt ako at loose teen oversized top na nakatucked-in sa skirt ko at white shoes. Itinali rin nila ang buhok into a messy bun hairstyle. Kinabahan ako sa una pero nag-enjoy na lang kami hanggang sa nanalo kami ng hindi sadya. Yeah, hindi siya sadya kasi ni hindi namin namalayan.

Nang malapit na maglunch break ay sabay kami kumain ni Hiro at Rocky sa cafeteria. Kasali rin ulit si Rocky sa pageant dahil siya rin ang escort sa section nila. Ang alam ko ay Thailand ang kanila. Philippines ang sa kabilang section.

Si Shenna ulit ang nagmakeup sa akin. Maging silang lahat ay nakasuot din ng mga damit, style inspired by Korea kasi kasali yun sa contest. Kanina pa ako inom ng inom ng tubig. Nalaman ko na may Q and A kaya mas lalo akong kinabahan kasi baka mamental block ako dahil sa kaba. Hindi ko na alam kung kaya ko.

"Babe, stop drinking. Baka masobrahan ka na," utos ni Jack. "Don't worry mamaya nasa gilid lang ako ng stage, okay?" I gave him a nod. "I know you can do it."

Umalis din kaagad siya para magprepare sa program. Sapatos lang at black high waisted pleated skirt at white long sleeves na ay black long necktie ang production number namin. May kaunting sayaw lang naman at rampa na. Mas kinakabahan ako. Sa lahat ng sinalihan ko na labag sa loob ko ito yung parang hindi ko na kaya. Ni hindi na nga ako nakatulog ng maayos sa kakaisip at sa kaba. Naiyak na lang ako at napagod hanggang sa makatulog.

Pinuntahan ako ni mama at tita kanina. Maghahanap daw sila ng p'westo kaya umalis din sila kaagad. May pasok ang mga kapatid ko kaya si Sean lang ang kasama nina mama. 

"Ready ka na?" tanong ni Hiro. Umiling ako saka uminom ulit ng tubig. "Akin na nga yang tubig na yan. Kanina ka pa umiinom, pinagsabihan ka na rin ng bebe mo kaya tama na." Itinago niya na ang tubig.

Nang makaratiing kami sa backstage ay kasama ko si Shenna, kanina niya pa ako pinapakalma. Nakita ko kasi na triple ata ang dami ng taong manonood kaya mas lalo akong kinabahan. Kanina pa ako inhale ng inhale at exhale ng exhale sa kaba pero hindi ko talaga magawang kumalma.

"Kinakabahan talaga ako, Shen. Kaya ko ba talaga?" tanong ko na tila maiiyak na ako. "Baka ako lang ang maging dahilan para matalo tayo." 

Hinawakan ni Sheena ang dalawang kamay ko. "Ano ka ba! Huwag ka ngang na-iisip ng kung anu-ano. Kaya mo iyan, nasa gilid lang din ako. Kasama ko si Jack, at Kim kaya tumingin ka lang sa amin."

Nang magsimula ang opening remarks at kung anu-ano pa ay halos hindi na ako makahinga ng maayos. Sobra rin ako pinagpapawisan at feeling ko nakakulong ako sa lugar na wala akong ibang magalawan. Halos hindi ko na maintindihan lahat ng mga nangyayari.

Hanggang sa matapos ang production number ay hindi ako naging ayos. Feeling ko mabibingi na rin ako dahil sa lakas ng mga palakpakan. Habang nagpapalit ako ng damit ay nanginginig ang kamay ko. Traditional outfit na ngayon ang kailangan namin ipresent. Adviser namin ang nagbigay ng hanbuk attire sa amin kaya naman hindi kami masyado nahirapan sa paghahanap ng attire.

"Rocky, pahingi ako," sabi ko habang umiinom siya. "Nuuhaw na ako," dagdag ko pa.

Habang umiinom ako ng tubig ay lumapit sa akin si Jack ay inagaw sa akin ang tubig. "I told you stop drinking. Kanina ka pa, baka masuka ka na niyan." Hinawakan niya ang pisngi ko sa hinaplos. "Relax, babe."

Hindi ko alam kung paano kakalma. Kanina pa ako nababalisa. Kanina pa ako panay inom ng tubig at kagat ng labi ko. Kahit anong gawin ko hindi talaga mawala ang kaba ko. Nakikita ko pa lang ang dami ng tao parang mahihimatay na ako.

Nang dumating na ang modern outfit design ay ramdam ko na pagkahilo. Nang matapos ito ay naupo kaaagad ako sa upuan habang hinihilot ko ang sentido ko. Hindi ko na ata kakayanin pa.

"Girl, namumutla ka na." Napalingon ako kay Sheena. "Gusto mo tubig?" Umiling ako.

"Kaya ko pa. Last na lang iyon."

"Pero question and answer na sure ka na kaya mo?" Huminga muna ako ng malalim bago tumango pero sa loob-loob ko ay ayaw ko na. "Retouch time. Masyado ka ng pale tingnan."

"Tama na, Scarlet." Napalingon ako kay Kim ng magsalita siya sa may likuran ko. "Hindi mo na kaya. Akala mo hindi nila iyon napapansin? Tama na, hindi ka na okay."

Nang lumingon ako kay Hiro ay kita ko ang disappointment sa mukha niya. Nagpagod siya sa akin.

"Kaya ko." Tumayo na ako saka pumunta sa gilid ng stage. Hinawakan ni Hiro ang kamay ko. "Kaya ko," pag-uulit ko.

Hindi ko makita si Jack. Nang mapasulyap ako sa mga tao dahilan para manginig ang kamay ko kaya inilagay ko sa may likuran ko.

"So, Mr and Ms. South Korea, kamusta?" tanong ng emcee sa amin. "Kabado ba, bente?"

"Kabado, sengk'wenta." Nagtawanan ang mga tao kaya lalo ako napatingin sa baba. 

"Ikaw, Ms. South Korea?"

"T-too nervous," I answered.

Simula kanina hindi talaga ako natingin sa crowd. Nasa taas ang tingin ko dahil feeling ko once tumingin ako sa mga mata nila ay katapusan na ng lahat.

Nang tinatanong na ako ng question ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko habang sumasagot ako. Pinagpawisan ako ng malamig at parang hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa panghihina. Parang bumabaliktad ako sikmura ko dahilan para mapatakip akong bibig at kamuntikan ng masuka. Nang tumingin ako sa unahan ay nagbubulong-bulongan ang mga tao, and that time wala na, tuluyan na ngang nahirapan ako maging sa paghinga. Parang umiikot ang paningin ko at sobrang nahihilo na ako.

Sa oras na makita ko ang mga nakakaloko at mapanukso nilang mga ngisi ay tila nabingi na ako sa mga nangyayari. Ang alam ko lang ay bumaba ako ng stage at sa sandaling bago pa man ako makababa sa hagdan ay ang tuluyan pagsuka ko na mas lalong ipinanghina ng katawan ko. Si Hiro ang siyang nakahila sa akin para hindi ako tuluyang mahulog sa hagdan, matapos yun ay tuluyan ng binalot ng kadiliman ang buong paligid hanggang sa wala na akong maintindihan.

This is what I am scared of. To get unconscious in front of many people because I am scared of them. I'm scared and anxious about their judgments.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon