Library
"Tara library tayo. Gawin na natin assignment natin, Scarlet. Teka nga, curious pala ako. May nickname ka ba? Ang haba na kasi ng name mo eh, hindi ako sanay."
"My family calls me Aleah, pero hindi ako sanay kapag ibang tao ang tumatawag sa akin. Scar naman yung iba."
"Scar, parang peklat naman. Pero okay, Scar na lang mas bet ko maiksi." Pero mukhang nagdadalawang isip pa siya dahil nakangiwi pa rin siya. "Scarlet na lang pala."
Natawa na lang ako at napailing sa kaniya. Sa lahat ng classmates namin mukhang si Kim ang pinakamalapit sa akin.
Nang nasa hallway kami ay nagulat na lang ako bigla ng kwelyuhan ng isang babae ang isang lalaki. Bahagya ako nagulat at napaatras sa gulat. Napatulala rin ako dahil sa takot.
"Ano? Laban ka? How dare you?! Ikaw na nga hinahabol, ano ba gusto mo!" sigaw nito.
Nilapitan sila ni Kim at inawat. "Hoy! Kayong dalawa na naman. Alam mo, Gillian napakaattitude mo. Hindi kayo bagay kasi magkapareho ugali niyo. Dapat salungat ang isa."
"May nanghihingi ng opinyon mo hah, Kimmy?" tanong ng babae. "Ambisyosa ka. Hindi ko naman magugustohan ito noh!"
"Hashtag weh? Bakit hinahabol-habol mo aber! Kapag kayo nalaman-laman ko na kayo na magsisimba ako. Kaawa-awa magiging anak niyo." Nakangiti si Kim na parang may iniimagine. "Hindi ko talaga makuha. Pero bagay kayo. Dapat na ba akong kiligin hah?"
"What!" sigaw ng dalawa kaya bahagyang napaatras si Kim.
Tumawa si Kim na parang hindi makapaniwala. "Sigawan ba naman ako ng sabay." Lumingon siya sa akin at itinuturo niya ang sarili. "Scarlet, ano yun?" Napangiti na lang ako dapat ginawa niya. Batukan ba naman yung dalawa.
"Gillian, stop it." Napalingon ako sa lumapit na lalaki sa kan'ya. "Let's go." Hinila niya sa papulsohan niya yung Gillian.
Lumapit si Kimmy sa akin habang nakatanaw kami sa dalawa na naglalakad papalayo. "Boyfriend niya yun?" tanong ko.
Bahagya pang natawa si Kim. "Kakambal niya iyon, si Dylan. Si Gillian kilala ko talaga yan kasi minsan nagkakasama naman kami kaya naman medyo hindi ako takot sa kambal. Maattitude yang si Gillian," sabi niya bago kami lumingon sa likuran namin at nakita naming masama ang tingin ni Sam saka kami tinarayan bago umalis. "Ba't parang kasalanan ko?" tanong ni Kim sa akin kaya nakibit-balikat ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Naghanap kami ng libro na kailangan namin sa assignments namin. Hindi na nagsalita pa masyado si Kim dahil busy ito sa pagsusulat sa notes niya. Nagulat na lang ako ng maupo si William sa tabi ni Kim at si Jackson naman sa tabi ko.
"What are you doing here?" Kim asked William. "Aba. Ano ang nangyari at nandito kayo! Sa pagkakaalam ko wala naman kailangan masyado ngayon at hindi ko kailangan magpakasecretary sa inyo," dagdag pa ni Kim.
"Shhh." Pare-pareho kami napalingon sa paligid kaya napahawak si Kim sa bibig niya.
Nakasandal ang braso ni Jackson sa likuran ng upuan ko. Naiilang man ay hinayaan ko na lang at minabuti ko na magpatuloy sa pagsusulat. Nang magvibrate ang phone ko ay kinuha ko ito at tiningnan ko ang message ni Rocky.
Rocky;
Hintayin mo ako mamaya. May saglit lang akong gagawin for project. Huwag mo ako iwan, Aleah. Sasabay ako.
Me;
Matagal ba iyan?
Rocky;
Hindi. Puntahan mo na lang ako sa music room ng school.
Me;
Fine.
Nang ibinalik ko ang phone ko ay napalingon ako kay Jackson kaya nagtama ang paningin namin na umiwas kaagad ako kasi hindi ako sanay. Nakikibasa siya sa convo ng iba, parang tanga.
Minadali ko matapos ang assignment ko para makaalis na ako. Panay kasi paninitig ni Jackson sa akin. Naiilang na ako pero tingin pa rin siya ng tingnan.
"Ganda noh, Jack?" rinig kong tanong ni William.
"Oo." Napalingon ako kay Jackson habang nakapangalumbaba at nakatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin at ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa libro. "Ang ganda-ganda ng library." Narinig ko ang pagtawa nina Kim at William.
Inayos ko na ang gamit ko. Hindi ko na kaya. Uwing-uwi na ako.
"Are you done?" Jackson asked. I nodded. "Uwi ka na?" Umiling ako.
"Pupuntahan mo si Rocky?" tanong ni Kim kaya tumango ako. "Saan? Samahan ba kita? Tapos na rin naman ako tsaka hindi ka pa familiar sa paligid ng school."
"Sa music room daw. Doon ko siya puntahan sabi niya." Tumayo na ako at maging si Jackson ay tumayo na rin. "Mauna na ako sa labas, Kim." Tumango siya saka nag-ayos ng gamit niya.
Pagkalabas ko ay tumambad sa akin ang init. No choice naman kaya mabibilad ako. Bahagya akong napalingon ng lumabas si Jackson habang nasa bulsa niya ang dalawang kamay niya. Naglakad siya papunta sa kabilang side ko at tumayo roon kaya natatakpan niya ako at hindi na ako maiinitan pa dahil likod niya ang sumasalubong sa sinag ng araw.
"Init." Bahagya kong ipinaypay ang kamay ko sa sarili ko pero laking gulat ko ng ginawa niyang pamaypay ang panyo niya. "Okay lang."
"Nah. Naiinitan ka." Napalingon ako sa mga istudyanteng nagbubulong-bulongan na rinig na rinig ko naman.
"Hala anong mayro'n sa kanila? First time ata ni Pres. na gumanyan."
"Oo nga eh. Balita ko transferee raw iyan. Magkaklase rin sila ni Pres."
"Hindi sila bagay."
"Hi, girls." Napalingon ako kay Jackson ng tawagin niya ang tatlong babae at lumapit naman ito sa amin. "Mainit sa tinatayuan niyo. Punta kayo sa ibang lugar, baka masunog kayo. Tara na?" Akala ko hindi ako ang kausap niya pero ng inakbay niya ang kamay niya sa balikat ko ay napasunod na lang ako sa paglalakad niya.
"Guys, hintay!" Napalingon ako kay Kim kaya bahagya na akong lumayo kay Jackson at naalis na ang pagkakaakbay niya sa akin. "Ba't niyo naman kami iniwan. Ang sabi hihintayin," sabi ni Kim.
"Mainit doon tapos ang tagal niyo. Ano ineexpect mo na gawin namin?" tanong ni Jackson.
"Mainit ka na oy. Asa kang may iitim ka pa."
"Kayumangi ang kulay ko, Kim. Kayumangi." Pagtatama ni Jackson kaya maging ako ay natawa maging si William. "Hindi naman kasi ako black ah. Brown, guys. Tandaan niyo, brown." Tumango na lang kaming tatlo.
Umakbay sa akin si Kim at sabay kami naglakad habang nasa likod naman ang dalawa.
"Feeling ko talaga may gusto sayo si Jack. Halatang-halata," bulong niyang sabi sa akin. "Sana all. Dami umaasam diyan sa maitim I mean Brown daw. G'wapong-g'wapo sa kan'ya ang mga istudayante rito." Kinurot ko ng bahagya ang tagiliran niya para mapa-aray siya.
"Sorry. Sadya iyon," sabi ko na napabusangot sa kan'ya.
"Masakit ah. Akala mo hindi ako nasasaktan?" tanong niya.
Nang makarating kami sa music room ay tinawag ni Kim si Rocky. Nang lumabas si Rocky ay malapit na raw matapos kaya naman naghintay na lang ako sa labas kasi halos mga lalaki ang nasa loob. Pinatawag bigla ang tatlo dahil SSG officers sila kaya naiwan ako mag-isa.
Kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Sa tuwing may mapapadaan ay nakayuko lang ako habang nakasandal sa pader. Nakaearphone rin ako pero hindi naman nakaopen ang music, props lang para kunwari busy ako at walang naririnig sa paligid kasi sa tuwing may dumadaan ay naririnig ko ang usapan tungkol sa aming dalawa ni Jackson.
Bakit halos ay pinag-uusapan na ako? Ganoon ba kabilis ang balita? Grabe, bilib na ako.
Ayoko maging center of attention pero mas lumalala pa ata ang nangyayari sa akin dahil sa mga nakakasama ko. Ano na lang ang gagawin ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/264020642-288-k503203.jpg)
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Novela Juvenil[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...