Spoken Poetry
Lalo ata ako pinapahirapan ng mundo. Kung ano yung mga ayaw ko gawin siya namang dapat kong gawin. Ni wala man lang akong kaalam-alam sa pagsusulat ng mga tula. Kanina pa ako nandito sa may bench na malapit sa garden ng school.
Halos punitin ko na ang dala kong papel. Kailangan na raw namin gumawa ng piece para mamemorize na namin at magpi-perform kami individual. Kanina pa ako nagsusulat pero hindi ko talaga alam kung okay na or tama na.
"Hey! Ikaw yung nililigawan ni President diba?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa may likuran ko. "Hindi ko talaga makuha kung bakit ka niya nililigawan. Is he challenged by someone? Dare? Kasi ano bang mayroon sayo."
Huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyonan ko na tumayo. Lalampasan ko na sana sila ng itulak ako ng nagsalita. Lima silang lahat at pinagtatapunan ako ng nilukot na papel.
"W-wala naman ako kasalanan sa inyo," nauutal na sabi ko. "T-tama na, please lang."
"Sino ka ba?" Akmang sisipain niya sana ako ng may bumati sa kaniya ng maliit na bato. "S-sam," nauutal na sambit nito.
"Get lost," malamig na sabi nito dahilan para magsitakbuhan ang mga babaeng yun. "You okay?" Tumango lang ako.
Pinulot ko ang mga papel na ibinato nila sa akin. Inilagay ko ito sa basurahan bago ko ulit siya hinarap. Nakapamulsa siya at preskong-presko tingnan.
"S-salamat."
"Whatever."
Napabuntonghininga ako saka ko inilapag ang notebook ko at inabutan ko siya ng isang bar ng chocolate. Masama niya pa akong tiningnan pero kinuha niya rin naman saka naupo sa tabi ko. Nagulat pa ako ng bahagya kaya medyo dumistansiya ako sa kaniya ng kaunti.
"What are you doing here?" he asked. "Why Jackson let you here? Alone?"
"He doesn't know that I am here. May meeting sila kanina kaya hindi niya alam."
Iniwan ako ni Sam ng basta na lang. I mean okay lang kasi hindi naman ako sanay. Aalis na sana ako ng biglang dumating si Gillian. Nagkabangga kami kaya nabitawan ko ang notebook ko. Kinuha niya ito saka tiningnan.
"What is it?" she asked while reading my piece. "Maayos ko ito. You want ba?" tanong niya habang nakataas ang kilay niya.
"Kung okay lang. I mean hindi ko talaga magawa ng maayos kasi hindi naman ako palagawa ng mga tula. Pinoproblema ko pa kung paano ko aayusin eh."
"Okay. I'll fix it."
Naupo siya sa bench kaya tumabi ako. Pinunit niya ang ginawa ko saka siya nagsulat ng bago. Inayos niya ang ginawa ko pero nadagdagan ito. Halata sa kaniya na mabilis siyang makagawa. Halos isang oras lang ay natapos at nabuo niya ito ng may madamdaming mga salita.
Nang makita ko napaalis na siya ay sinalubong siya ni Sam. Nakasunod lang sa kaniya si Sam pero hindi niya ito pinapansin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila. Hindi ko naman masabi na kaibigan ko sila, at higit sa lahat hindi ko rin naman sila matawag na kaaway ko.
Bumalik ako sa room at nakita ko si Jackson na tila tolero. Nang makita niya ako ay kaagad nita ako niyakap sa harapan ng mga kaklase namin. Pinilit ko makawala hanggang sa hinayaan ko na lang na bitawan niya ako.
"Akala ko kung ano ng nangyari sayo," nag-aalalang turan niya. "Where did you go?"
"Labas. Wala kasi ako maayos na piece dito so I decided to go somewhere. Gillian also helped me with my piece. She's good."
Halos buong gabi ako nagmemorize. Sa living room ako nagstay kasi baka maistorbo ko si Scion. Pagtingin ko sa orasan ay 1:22 am na. May pasok pa ako at mamaya n ang performance task namin. I need to at least perform it well. Basta matapos ko siya ay okay na sa akin.
"Stop it already, Aleah. Drink this." Iniabot ni Sean sa akin ang isang baso ng gatas. "Matulog ka na. Lalo kang hindi makakapagmemorize ng maayos kung hindi sapat ang tulog mo. Get some rest. Sleep after you finish drinking your milk. Titingnan kita sa kuwarto mo."
Hindi na ako nakipag-matigasan ng ulo kay kuya. Antok na rin naman talaga ako kanina pa. Halos wala kaming ibang ginawa kapag break kundi ang magmemorize.
"Kinakabahan ako. Hindi ko ata carry," sabi ni Kimmy. "Feeling ko mangangatog na naman ang mga tuhod ko nito. Kahit naman may confidence ako or minsan talaga walanghiya ako, kinakabahan pa rin naman ako," dagdag niya pa na ikinakaba ko.
Sa stage gaganapin ang pagtatanghal. Open area iyon kasi doon yun mismo sa gilid ng flagpole. Gagamit din daw ng microphone kaya kami lalong kinakabahan.
Nang isalang si Kimmy ay manghang-mangha kami. Bakas man ang kaba ngunit maganda ang pagkakadala niya sa bawat emosyon at mga salitang binibitawan niya. Niyakap niya pa ako after kasi parang nawalan daw ata siya ng dugo.
"Scarlet Aleah Rodriguez." Nang tawagin ang pangalan ko ay mas lalo akong kinabahan.
"You can do it, babe. Don't worry nasa tabi lang ako ng stage," sabi ni Jack.
Nang hawakan ko ang microphone ay halatang kinakabahan ako. Nanginginig kasi ang kamay ko at halatang-halata iyon dahil sa may hawak ako. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang irecite ang spoken poetry ko.
Hindi ito naging maganda. May mga nakalimutan ako, nahinto, nabulol, at marami pang iba. After ko ay bumaba kaagad ako sa stage at tumakbo papuntang comfort room. Kaagad ako naghugas ng kamay at naghilamos. Namental block pa ako dahil sa kaba.
Sa tuwing makikita ko na nagbubulongan sila ay parang gusto ko na lang tuluyang huminto. Sa tuwing nakikita ko na pinagtatawanan ako parang gusto ko na maiyak. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga masasakit na salita ay tila nababawasan ang confidence ko na nasa negative part na ata sa sobrang baba.
Yes, I'm a honor student. Matalino, madaling makapag-adjust. Sa tuwing may quiz, magkamali man ako ay dalawa o tatlo lang. Pero sa mga ganitong performance task, hirap na hirap ako.
"Scarlet, let's go. Break na natin, kain tayo. Labas ka na diyan, babe." Namula ang pisngi ko. Buti na lang walang ibang tao dito sa loob. "Babe?"
"W-wait lang," sabi ko.
I heard him chuckled that's why I bit my lips. Parang binigyan ko siya ng permiso na tawagin niya akong babe ng sumagot ako sa kaniya. Parang mas lalong ayoko na ata lumabas.
"Scarlet Aleah," sabi niya pa kaya lumabas na ako. "Ang tagal mo, babe. I'm proud of you."
"Hindi ko nga nagawa ng maayos eh." Kusang bigla na lang umagos ang mga luha sa pisngi ko. "Hindi ko nagawa ng maayos, Jack."
Hinila niya ako sabay yakap noya sa akin. "You did well, babe. Ganda." Hinaplos niya ang buhok ko hanggang sa tuluyan ng maging maayos na ang pakiramdam ko.
Dumiretso kami sa cafeteria. Nandoon na rin si Kim. Dala na namin ang bag namin kasi maghihintay na lang kami na mag-uwian na. Tumambay na lang kami sa cafeteria at nagbasa ako ng iilang notes namin. Hindi na kami pumunta pa sa library kasi kahit ako tamad na tamad pumunta. Ayaw ni Kim doon kasi hindi raw siya makapag-ingay.
"Alam mo, Scarlet... kaunti na lang talaga." Tiningnan ko siya na tila nagtatanong. "Kaunting push na lang ng confidence mo pwede ka ng mag-miss universe."
"Ewan ko sayo."
Kinulit-kulit nila ako ni Jack. Ayaw nila akong tantanan, or mag-model na lang daw ako kasi bagay naman daw kaya mas lalo akong halos masuka sa mga pinagsasasabi nila. Sana naririnig niya ang sarili nila. Ni hindi man lang aabot ng 5% ang chance na rumampa ako. Alam ko yun, kasi yun ang nararamdaman ko at nakikita ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
