XXIII Cried

114 7 0
                                    

Cried

Ilang araw na akong walang kinakausap. Sa tuwing nasa  room ko ay lagi ako naka-earphones. Lagi akong nakatulala at nakatingin sa labas ng bintana. Ano mang pangungulit ni Kim ay hindi ko talaga pinagbigyan. Itinatrato ko silang lahat na parang hangin. Kahit anong gawin nila hindi ko sila kayang harapin. Baka malasin lang sila.

Alam ko na galit din sa akin ang mga kaklase ko. Nandoon na sana eh kaso nabreakout pa ako. Last na lang sana saka pa ako inatake ng ganoon. Hindi ko naman sila masisisi. After all it's all my fault.

"Ayos lang ba sa school?" tanong ni kuya Sean ng sunduin niya ako. Hindi ko nakakasabay si Rocky dahil sa may practice siya lagi. "Tell me the truth. Ayoko na nagsisinungaling ka."

"Wala. Parang dati lang. I'm all alone. Ayoko ko na sa lahat." Lumingon ako sa kaniya. "Sabi ni tita, I need to break the walls. Yun ang hindi ko kaya, kuya. Mas lalo lang siyang tumataaas ngayon. Sa tuwing nasasaktan ako lalo siyang mahirap gibain."

Coz that's the reality. Magtatayo ba tayo ng pader kung wala naman tayong pinoprotektahan? Diba hindi naman? Kasi once nasaktan tayo, nasaktan tayo. Kapag paulit-ulit iyon na ang dahilan ng pagtaas lalo at pagpapatatag ng pader na ibang tao rin naman ang dahilan.

Sa room namin lagi lang akong nagiging topic. Pero sa tuwing papasok ako at lalabas iyon ang pinakaworst na ayokong gawin. Once na lumabas ako ng room wala na, talong-talo na ako.

Sa pagliko ko galing sa library dahil sa pagbalik ko ng books ay ang pagbuhos sa akin ng isang baldeng tubig. Hinayaan ko na lang sila na pagtawaman ako saka ako patakbong nagtungo sa likod ng isang building. Yakap-yakap ko ang sarili kong tuhod habang may ingay ang pag-iyak ko.

"Iyan ang napapala mo." Unti-unti akong napaangat ng tingin sa nagsalita. "Hindi ka nila magalaw noong una dahil laging may SSG president na nasa tabi mo. Laging campus crush ang nakaalalay sayo. Laging may SSG officers ang malapit sayo at higit sa lahat nasa tabi mo ang dalawang hindi ginugustong makalaban ng school ang nasa tasa tabi mo."

SSG officer sina Jack, Kim, at William. Si Rocky at Raquel ang campus crush. Sina Sam, Gillian, at Dylan ang kinatatakutan pero hindi ko naman talaga masabi na kaibigan ko sila. Masyado lang sila nag-iisip ng mga imposibleng bagay.

Iniwan ako ng babaeng nagsabi sa akin ng mga katagang hindi man lang nagproseso sa utak ko. Kahit basa ang uniform ko ay tumayo na ako para dumiretso sa locker room. Nakita ko sina Jack at Gillian na pinagkaguluhan ng mga istudayante. Nang mapatingin si Jack sa akin ay nag-iwas kaagad ako ng tingin. Pero nakita ko na lalapit sana siya ng hilahin siya ni Gillian.

Papunta na sana ako sa locker room ng may nagbuhos na naman sa akin ng tubig. May halo pa iyong basahan kaya hindi na ako nanatili na lang akong tulala. Unti-unti ang pagtulo ng luha ko hanggang sa napaupo na lang ako sa panghihina. 

Paano ko aayusin ang sarili ko kung patuloy sila sa pagsira sa akin? Pagod na ako. Nahihirapan na ako. Ang sakit-sakit na. Bakit sa lahat nt tao ako pa itong ganito? Bakit ba kasi ang hina ko?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka ko tinawagan si Sean. "S-sunduin mo na ako, kuya. Please..."

[What happened? Umiiyak ka ba? What the heck!]

[Ano yan? Umiiyak, sino?] Rinig ko sa kabilang linya na nagtatanong si Sic.

[Tang*na! Nabubully ka ba?] tanong ni Scion.

Hindi ko alam kung bakit sila magkakasama. Basta ang gusto ko lang ay makauwi na. Ayoko na. Gusto ko na lang itago ang sarili ko sa dilim.

"Please, sunduin niyo na ako," umiiyak na sabi ko.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon