XV Jealous

135 8 0
                                        

Jealous

Maaga ako nagising. Susunduin daw kasi ako ni Sam. Isang make-up artist ang mama niya kaya naman yun na raw ang magmimakeup sa akin. Sumama si mama sa akin sa bahay nila Sam. Nagulat ako ng parang familiar ang boses ng mommy niya pero hindi ko na masyado pang pinansin.

"Maganda ka na, hija. Kailangan na lang natin gawing parang dangerous ang mukha mo. Masyado ng nakakasawa ang pagiging cute." Natawa ako bahagya pero ito na naman po ang puso ko parang lalabas na sa kaba. "Nga pala, kilala mo ba si Gillian?" tanong niya.

"Ay opo. Ano nasa kabilang section siya. Classmate po sila ni Sam. Tsaka ano po, bagay sila." Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni tita sa kamay. "B-bakit po?" nauutal na tanong ko.

"Hindi mo gusto ang anak ko?" tanong niya.

"H-hindi po. T-tsaka, nakababatang kapatid lang po turing sa akin ng anak niyo." Nagulat ako ng niyakap niya ako.

"Salamat, hija. Tawagin mo na akong mommy. Okay na okay. Bawal tumanggi." Nang pumasok si mama sa k'warto ay lumapit ang mama ni Sam sa kaniya. "Masaya ako na itinuturing pala ng anak kong kapatid itong anak mo, mare. Okay lang na na tawagin niya akong mommy?" Tumango na lang si mama pero nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong kayo nagkibitbalikat na lang ako.

Inayusin ako ng mama ni Sam. Halos hindi ko na nga nakilala ang sarili ko dahil sa parang nawala ang hinhin at pagkamahiyain ng mukha ko. May nilagay din si mommy na fake eyelashes. Puro ata eye liner ang nagamit sa mukha ko.

Sina kuya na ang naghatid sa amin sa school. May parade kasi kami papasok lang naman sa school. Nakasuot sa akin ang hoodie ng coat ko. May mask rin na isinuot sa akin dahilan para wala na talaga akong makita kasi umabot yung hoodie sa baba ng mata ko plus may mask pa. Ganoon din ang kay Sam. Nakaalalay tuloy sa amin sina Hiro para hindi kami madapa.

Dahil unit 4 kami ay nasa hulihan kami. Kami ang pinakamalayo sa gate ng school. Mukha lang naman kaming aattend ng graduation. Dahil sa sobrang init ay pinapaypayan ako ni— hindi ko alam kung sino ang nagpapaypay sa akin, hindi ko makita.

Nang magsimula ang pagpasok ay isinakbit ang lagayan ng palaso sa may likuran ko habang may hawak akong pana at palaso na wala namang panusok para sa safety. Nang nasa tapat na kami ng gate ay saka lang namin inalis ang mask namin at ang pagbaba namin sa hoodie namin.

Grabe ang kabog ng puso ko sa kaba. Parang hindi ko na naman nagugustohan ang nararamdaman ko ng magsimula na kaming maglakad sa pathway. Nang hawakan ni Sam ang kamay ko ay napalingon ako sa kaniya.

"Isipin mo na ako si Jackson. Kaya mo yan. May tiwala sayo si Jackson maging ako, kami. You can do it." Ipinikit ko ang mga mata ko saka ko iminulat ng may marealize ako. "Okay na?" tanong niya.

I nodded.

Hanggang sa makarating kami sa stage ay hindi ako ngumiti. Pinanatili naming dalawa ang pagiging fierce. Marami ang namangha dahil siguro kay Sam. Sinabi kasi sa amin na huwag daw kami ngumiti at panatilihin ang pagiging fierce.

Nang matapos kami magrepresent ng unit namin ay pinainom ako ng tubig ni Rocky bago kami pumunta sa kani-kaniya naming unit. "Picture tayo mamaya, Aleah. Huwag ka muna magbihis," sabi niya bago ako iniwan.

Nang matapos ang opening program, messages, rubrics, yell, at kung anu-ano pa saka lang kami nakaalis sa field. Maraming nakipagpicture sa amin ni Sam at hindi makasingit si Rocky kaya ako na mismo lumapit sa kaniya.

"Ano yan, campus sweetheart ka na ganoon?" tanong niya matapos kami magpicture. "Nakapagpicture ka na ba kanina kasama kuya mo?" tanong niya kaya umiling ako.

Nang may itinuro siya ay napangiti ako na nandoon silang lahat. Kumaway ako saka ngumiti. Naluluha ako na makita silang masaya sa nakikita nila pero hindi pa rin ako komportable.

After namin magpicture-picture ay umuwi rin sila kaagad. Papabalik na sana ako assigned room para sa unit namin ng may nagtapon ng juice sa akin. Hindi lang isang baso kundi lima.

"Pabida ka talaga 'no? Alam mo ang kati-kati mo. Sino ka ba sa akala mo?" tanong ng isang babae. "Ano gusto mo na landiin halos lahat ng kaklase mo pati sa kabilang section?"

Napatingin silang lahat sa relo ko na tunog ng tunog. Pinagsusuot na ako nila kuya ng relo na ito para sa panic attack na nararansan ko. Kailangan na normal lang dapat ang tibok ng puso ko. Wala naman akong sakit sa puso pero nahihimatay na lang ako dahil sa kaba at kung masyado ako napapalibutan ng mga tao.

Hindi naman ito ang gusto ko eh. Ayoko sa ganito. Ayoko na.

"Tigilan niyo na sabi ako!" sigaw ko dahilan para tumunog pa rin ito ng tumunog. "Isa lang akong challenge diba? Oo na! Please... huwag niyo na lang akong pansinin. Isipin niyo na lang na hindi niyo ako kilala at hindi niyo ako nakikita!"

"Hoy! Ano yan!" Nagsialisan sila ng sumigaw si Kim. "Hala ka, Scarlet?" Tatakbo na sana ako ng hawakan niya ang papulsohan ko. "Ay mga animal na yon. May bihisan ka ba? Nasa bag mo ba? Ako na ang kukuha. Nasaan ba ang bag mo?" Hindi ako sumagot kaya umiyak lang ako ng umiyak.

Napatingin siya sa relo ko kaya mas lalo ata siyang nagpanic. "Kalmahan mo, 'te. May sakit ka ba sa puso kaya ka may ganiyan? Scarlet, huwag mo naman ako takutin. Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya. "Kingina! Nasaan ba ang lalaki—"

"For pity sake, Kim!" singhal ni Jackson sa likod ni Kim. Nagulat siya ng makita ako. "W-what happened?"

"Ikaw na muna bahala sa kaniya, Jack. Sarap mong murahin eh! Ikaw may kasalanan niyan! I cannot! Ako na kukuha ng gamit mo sa assigned room ba?" Tumango na lang ako sa kaniya. "Putang*** mo, Jackson!"

Buti na lang at walang nakarinig kay Kim. Nilapitan niya kaagad ako saka niya hinawakan ang kamay ko. Inalis niya ang mga takas kong buhok sa mukha ko.

"Look at me, babe." Pilit kong iniwas ang paningin ko sa kaniya. "I'm sorry. Damn! Sorry napabayaan kita. Tangina kasi nagseselos ako eh." This time napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Nagselos ako ng makita ko kayo ni Sam. I'm sorry kung hindi kita napansin. Tapos nakita ko pa kayo lumabas nila Dylan at Sam tapos isa pa yung si Hiro. Nagseselos ako."

Kahit anong sorry ni Jack ay naging tahimik lang ako. Pinaalis na siya ni Kim dahil kailangan siya sa event. Tinulungan ako ni Kim na ayusin ang sarili ko. Nagpants na lang ako at nagsuot ng blue jersey shirts. Nagpasalamat ako kay Kim bago ako nagpaiwan dahil alam ko na busy siya.

Nang makita ako ng isang kaunit ko ay hinahanap na raw ako sa gym. Doon maglalaro ang basketball kaya sumama na ako sa kaniya. Dahil hindi pa naman oras nina Sam ay nakaupo sila sa bleachers seat. Katabi ko si Sam sa right side ko pero wala akong katabi sa left side ko.

"Did something happened?" he asked. "Bakit ganiyan na mukha mo?" Umiling ako sa kaniya at nagkunwari na lang na nanonood ng game kahit wala naman akong naiintindihan.

Napalingon ako ng may umupo sa tabi ko. Si Jack iyon na may hawak na drinks at snack at iniabot sa akin. Red team pala siya.

"Eat it. Mamaya sabay tayo maglulunch." Lumapit siya sa akin at iniakbay ang kamay niya sa balikat ko. "Sayong-sayo ako ngayon," bulong niya para mamula ako.

Hinila niya ako patayo. "Sam, chat mo na lang ako kapag kailangan niyo na ang muse niyo. Akin muna siya ng ilang minuto bago magsimula laro niyo." Tumango lang si Sam kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila.

Ba't ba wala akong ginagawa? Galit pa rin ako. Hindi pa rin ako satisfied sa mga sinabi niya. Wala naman akong ginagawang masama pero mukhang ako pa ang laging naaagrabyado. Ang unfair nila.

Nakakasakit na ang mga tao dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Nasasaktan ako pero natutuwa. Nasasaktan ako kasi hindi ganito ang nais ko pero natutuwa ako kasi may mga kaibigan na ako.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon