XIII Something

131 7 0
                                    

Something


Badtrip na badtrip na ako sa mga kapatid ko. Kung pwede lang na ipaampon ko na sila ay matagal ko na ginawa. Akala nila ang saya ng may kapatid pwes nagkakamali sila. Sa lagay ko ngayon parang ayaw ko na magkaroon ng kapatid.

"Bitaw sabi! Ano ba, Scarlet!" sigaw ni Scion. Akala niya siguro ay palilinlang ako sa kaniya. "Bitawan mo ako at bibitawan kita."

Hawak-hawak niya ang buhok ko. Hila-hila ko naman sa kaniya. Sa tuwing hihilahin ko ang kaniya ay hinihila niya rin ang akin.

"Hindi mo ako mauuto! Hindi na ako bata para malinlang mo. Huwag ako, Scion!"

Kanina pa kami naghihilahan ng buhok ng dahil sa remote control ng tv, at kinain niya yung pizza na tira sa akin. Akin yun eh. Hindi pa ako nakakakain. Parang hindi siya kapatid, hindi man lang naisip na hindi pa ako kumakain.

Nang pumasok sina Sean at Sic ay bahagya silang napatigil sa sitwasyon namin ni Scion. Naiiyak na ako sa sakit ng anit ko kaya mas hinihila ko pa ang buhok niya ng makaramdam din siya ng sakit. Hindi pwedeng ako lang yung nasasaktan sa aming dalawa.

Pilit kaming pinaghihiwalay nina Sean at Sic. Nasa kabilang banda si Sic kaya sinipa ko siya dahilan para tingnan niya ako ng masama.

"Ako talaga huwag mong ginagalit, Scarlet. Scion, bumitaw ka na para bitawan ka na rin niyan kundi pag-uumpugin ko kayong dalawa, pucha!" Nasiko siya ni Scion kaya mas lalo siyang nagalit. "Pucha! Hindi kayo titigil ah..."

Nang lumayo si Sean ay isa lang ang ibig sabihin. Pinapaubaya niya na kay Sic ang pagpapasya. Hinila kami ni Sic papasok sa kuwarto namin saka kami tinulak dahilan para mabitawan namin ni Scion ang isa't isa.

"Ayoko na sinasaktan kayong dalawa pero ako talaga ginagalit niyo na ng sobra. Gusto niyo magpatayan? Nakakabadtrip kayo. Walang lalabas sa inyo!"

Nang pabagsak niyang isara ang pinto ay umakyat na ako sa kama ko. Hindi ko na napigilan ang hindi maiyak. Yakap-yakap ko ang unan ko habang nakatalukbong ng kumot.

Halos isang oras ata akong iyak ng iyak. Pigil na pigil pa ako na huwag gumawa ng ingay kasi nasa baba lang si Scion. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay hindi pa rin ako nagtanggal ng pagkakatalkbong ko.

"Hindi ko kayo maintindihan," panimula ni mama. "Matatanda na kayo pero kung mag-away kayo dinaig niyo pa ang bata. Ikaw Scion, mas nakakatanda ka. Huwag mo kasi ugaliin nakuha ng kuha ng hindi naman iyo."

Akala ko ay si Scion lang ang pagagalitan pero nagkamali ako.

"Pati kuya niyo badtrip nasa inyo. Ikaw naman, Scarlet. Matuto kang gumalang sa mga kuya mo. Hindi dahil sa inispoil ka nila ay gagawin mo na lahat ng gusto mo. Lumabas na kayo at kakain na. Huwag niyong hintayin na papa niyo pa ang sumundo sa inyo rito."

Pinunasan ko ang pisngi ko bago ako bumaba. Dire-diretso ako hanggang sa dining table. Hindi na nagsalita pa si papa. Ako na ang nag-ayos ng pinggan matapos namin kumain. Ako na rin nagdala sa lababo. Nang nagsasabon na ako ng plato ay tumabi sa akin si Scion.

Isinawsaw niya ang kamay niyang palanggana at ipinunas sa pisngi ko. May sabo iyon kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Sorry na. Ikaw kasi eh." Sana hindi na siya nagsorry kung isisisi niya rin lang naman ulit sa akin. "Sorry na talaga. Totoo na." Kagat-kagat ko ang mga labi ko kasi naiiyak na naman ako.

Hinalikan ako ni Scion sa pisngi ko saka ako tinulungan maghugas ng pinggan.

Nagkabati nga kami kagabi. Nagsorry din ako kay Sic para naman gumaan na ang pakiramdam niya sa amin. Si mama hindi na nagsalita pa.

"Grabe pala kayo mag-away ng kapatid mo. Hindi ko ineexpect, girl." Naik'wento ko kasi kay Kim yung nangyari kagabi. "Hindi rin naman kita masisi. Talagang nakakainit din ng ulo ang mga kapatid natin. Mas malala pa kami ng mga kapatid ko. Talagang sapakan pero syempre hindi katulad ng sa inyo na pareho kayo pinapagalitan. Sa amin kasi ako lang ang pinapagalitan. Ako lang yung nakikita nilang mali."

Hindi ko alam na may dinaramdam din pala si Kim. Sanay kasi ako na parati siyang masaya at hindi nagsasabi ng problema niya. Hindi raw kasi siya yung tipong pala-labas ng problema sa ibang tao.

"Hindi ko alam kung ano meron sayo para masabi ko ito," tumatawa niyang sabi. "Sana all sa pamilya niyo ni Jackson. Hindi katulad ng amin."

Hindi ko alam kung sino pa ang tinutukoy niya. Wala naman akong alam sa mga problema nila.

"True." Napalingon kami sa likuran namin at nakita namin si Raquel. "Nakakastress talaga sa loob ng bahay. May kambal akong nakababatang kapatid. Lagi silang magkasundo pati sa kalokohan. Ayaw nila sa bagong asawa ni Daddy. Inaalipusta nila kaya naiistress na ako ng sobra." Naupo si Raquel at Gillian sa kaharap naming upuan dito sa tabi ng hallway.

"At least may mother kayo. Nahiya naman kami ni Dylan sa inyo. Wala na kaming kinamulatan na ina," sabi Gillian.

Naging maaliwalas lang ang atmosphere ng biglang dumating sina William at Sam. Nakasunod lang sa kanila si Dylan at Jackson. Naupo si Jackson sa tabi ko at nagpapapansin na naman. Kanina pa panay ang tingin sa akin. Ngingiti na lang ng basta at talagang hindi ko siya maintindihan.

Nang bumalik kami sa room ay magkasabay sina Raquel, Dylan, at Gillian sa paglalakad. Si Sam naman ay mag-isang naglalakad. Nakasunod kami nina Kim, William, at Jackson. Nag-uusap ang tatlo tungkol sa project proposal nila kaya nanahimik na lang akao. Nagulat ako ng sumulpot si Rocky at hinila ako.

"Ano ba?" tanong ko. "Basta-basta ka na lang nanghihila."

"Mapapansin kaya nila na wala ka na sa tabi nila?" tanong niya sa akin dahilan para tumanaw ako sa gawi nila. "Sa tingin mo sino ang unang maghahanap sayo?"

Natatakot ako. Natatakot ako na walang makapansin sa akin. Dati ayos lang naman eh pero bakit ngayon umaasa ako na sana kahit isa may makaalalasakin.


"Feeling ko si Jack--" Bago niya pa man matapos ang sasabihin niya ay nagulat kami ng lumingon si Sam. "Si Sam."

Bahagya akong natawa kay Rocky. Nag-expect kasi siya. Huminto sa paglalakad si Sam at ni isa ay wala pa rin nakapansin. Iniwan ko na si Rocky. Sinalubong ako ni Sam, actually hindi ko alam kung ako ba talaga.

"Why did you stop?" he asked. "May ineexpect ka ba, Scarlet?" Umiling ako saka ko ikinawit ang kamay ko sa braso niya. "What?"

"Let's go. Feeling ko tuloy ang special ko sayo kasi hinintay mo pa ako," sabi ko. "Tara na nga lang."

Nagpatiaanod naman siya sa akin. First time ko pa siyang nakitang tumawa kaya napabitaw ako sa kaniya at napatitig lang sa kaniya. Napahinto ako kaya medyo nauna siya.

Did I hear it right? Did he just chuckle?

"Bilis. Parang pagong naman," sabi niya kaya sumabay na lang ako sa paglalakad sa kaniya.

Hindi ko ineexpect na siya yung hihintayin ako. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. Masaya ako kasi may taong hinintay at nakaalala sa akin pero ramdam ko na may kulang. Hindi ito ang inaakala at gusto ko. May hinahanap ang puso ko. Hindi kompleto.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon