Chapter 5 (Tie)

77.2K 2.5K 436
                                    

CHAPTER 5

NAPATINGIN si Alyssa sa tasang inabot sa kanya ng binata.

"Inumin mo," utos nito.

Dahan-dahan niya iyong inabot at walang imik na sumimsim. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nawalan ng malay.

Nagising na lang siyang nasa bahay ni Zeke. Ang paliwanag nito ay malakas pa ang ulan kaya hindi siya nito maiuwi sa bahay ng lola niya at mas malapit ang kinaroroonan ng bahay nito.

Bigla niyang naibuga ang iniinom nang mapaso ang dila niya. Mainit pala iyon.

Ang binata ay narinig niyang napabuntong-hininga at umupo sa harapan niya. Kinuha nito ang tasang hawak niya, tinabi iyon ay kapagkuwan ay walang imik na pinunasan ang bibig niya.

"Tanga ka ba? Nakita mo namang umuusok." Kunot na kunot ang noo nito.

Napasimangot siya.

"Ganyan ka ba talagang magsalita? Walang preno? Para kang babae," sabi niya, umismid.

"Kung hindi ka naman kasi tanga at- Aray!" Napahawak ito sa ulo nang malakas niya itong binatukan.

"Hindi ako tanga, ha? Alam mo kung sinong tanga? Iyong mga babaeng nagkakarandapa sa'yo." Inirapan niya ito.

Mahina itong natawa.

"Paano naman napasok sa usapan natin 'yan? Nagseselos ka?" Ngumisi ito.

"Hala, asa ka! Selos mo mukha mo!" Nalukot ang mukha niya.

Tumatawang napatitig ang binata sa kanya.

"Napaka-pangit mo talaga," naiiling na usal nito at tumayo.

Hindi niya ito pinansin at tumayo na rin. Akmang lalabas siya nang humarang ang malaking katawan ng binata.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na."

"Umuulan pa."

"Ano naman ngayon? Kaysa naman dito ako nagtitiis sa bulok na ugali mo," supladang tugon niya.

Tinuro nito ang sarili.

"Ako? Bulok? Ang sakit mo naman yatang magsali-"

"Nagsalita ang hindi. Tumabi ka nga!" Tinabig niya ito pero wala ding silbi dahil malaki ang katawan ng binata.

"Umuulan pa nga."

"Ayaw kitang kasa-"

"Hindi naman kita gagahasain. Sa pangit mong 'yan kahit baliw hindi ka papatulan," pang-aasar nito.

Gigil na bumalik siya sa upuan at pabagsak na umupo.

"Ang mabuti pa kumain ka na muna. Anong gusto mong-"

"Kumusta si Ate Thea?" Mahinang tanong niya.

Namulsa ang binata bago tumugon.

"Ayos lang siya. Umalis na kanina si kuya, isinama si Thea."

"Si lola? Ayos lang ba siya? Sina ate?"

Tumango ang binata.

"H'wag kang mag-alala maayos lang sila." Nag-iwas ito ng tingin.

Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang magtanong kung sino ang mga lalaki kanina pero mas pinili niyang manahimik na lang. Hindi nila ugaling magtanong ng mas higit pa. Sa totoo lang kapag sa mga ganitong sitwasyon, kaagad itong nasosolusyonan ng dalawang magkakambal. Naaayos nila ang lahat. Parang walang imposible sa dalawa.

Unang beses nga lang ang nangyaring gulo kanina sa isla pero ilang araw lang ay alam niyang magiging maayos din ang lahat. Basta't nandiyan ang dalawang magkamukhang mga lalaking ito ay nagiging panatag silang lahat.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now