Chapter 48 (Promise)

71.2K 2.4K 249
                                    

CHAPTER 48

"ALYSSA! Oh my god! Miss na miss kita!" Kaagad siyang niyakap ni Angelu pagkapasok pa lang niya sa gate.

Natatawang tinugon niya ang yakap nito. Kahapon lang ay nakabalik na silang pareho ni Zeke sa Maynila.

"Miss din kita. Kumusta ang bakasyon sa Japan?" tanong niya nang kumalas siya mula sa yakap nito.

Malakas itong napabuntong-hininga.

"Hindi nakaka-enjoy! Kung alam ko lang na makakasama ko doon ang buwisit na doktor na 'yon, sana sa'yo na lang ako sumama. Nag enjoy pa sana ako sa isla," anito, napasimangot.

Mahina siyang natawa. "Ano bang nangyari?"

"Iyong doktor na umasikaso sa'yo noong na-ospital ka dahil nahulog ka sa bangin. Nakakagigil ang hitsura!" iritadong tugon nito.

"Nakasama mo siya sa Japan?" tanong niya.

"Oo. Huwag na nga natin siyang pag-usapan," anito, hinila siya at sabay silang naglakad patungo sa department nila. "Kumusta naman ang bakasyon mo?"

Natigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ito.

"Ahm...iyon nga...may sasabihin ako sa'yo. Pumunta lang ako dito ngayon sa school para magpaalam. Mag o-online class ako ng isang taon kaya hindi na tayo magkikita dito sa school," aniya, naikagat ang ibabang labi.

"Online class? Bakit?" nagtatakang tanong nito.

Kinurot niya ang sariling kamay bago nagsalita. "B-Buntis kasi ako, Angelu. Kaya sa ngayon, online class muna. Hindi ko naman kinakahiyang nabuntis ako sa ganitong edad, pero hangga't maaari, ayokong mag-aral dito na...lumalaki ang tiyan. Mas lalong ayaw kong tumigil sa pag-aaral. Gustong-gusto kong makapagtapos."

Napatingin siya sa kaibigan nang hinawakan nito ang kamay niya.

"Ninang ako!" tuwang-tuwa itong nagsalita.

Ilang beses siyang napakurap.

"H-Ha?"

Natawa ito.

"Sabi ko ninang ako sa baby mo. Tsaka...alam ko namang..." Nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Buntis ka. Nahalata ko na noong bago tayo magbakasyon. Lumalaki kasi balakang mo tapos...pati boobs mo," humagikhik ito.

Muli ay napakurap siya.

"A-Angelu..."

"Kilala ko rin kung sino ang ama," ngumisi ito.

"K-Kilala mo?" gulat na tanong niya.

Tumango ito.

"Oo. Kahit magsuot pa 'yon ng basahan, kilalang-kilala ko. They are maybe a private person, especially his older brother, but I know them, Alyssa. Kaya matunog lang ang pangalan ng lalaking nakabuntis sa'yo noon dahil iba-ibang babae ang nali-link sa pangalan niya. Kaya alam kong si Zeke ang ama ng pinagbubuntis mo."

"H-Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit? Buhay mo naman 'yan at kaibigan mo ako na susuporta sa bawat desisyon na gagawin mo. Besides...I saw how that man protected you. Tingin pa lang niya sa'yo, halatang patay na patay na," anito, napapailing.

"Salamat, Angelu. Hindi talaga ako nagsisising naging kaibigan kita," aniya, nakangiting niyakap ito.

"Magka-utak kasi tayo," anito, natatawa.

"Magka-utak ba? Ang talino mo kaya," natatawang tugon niya.

"Ikaw din naman, ah? Isa ka sa mga top students sa department natin. Pinagkukumpara na nga tayong dalawa. Tapos ang iba sinasabi nila balang araw masisira daw ang friendship nating dalawa kasi pareho tayong top students. Akala yata nila pag-aawayan natin 'yong pagiging top student natin. Nag-aaral lang naman tayong mabuti, ah?" Nagtawanan silang dalawa.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now