CHAPTER 7
NAPANGIWI siya habang tinititigan ang kabuuan sa harap ng salamin. Her uniform is too short. Hindi niya akalain na ganito pala ang magiging uniform niya.
She's wearing a skirt. Checkered iyon at pinaghalong gray at mocha ang kulay. Sa ibabaw ay long sleeve na white blouse. Sa bandang dibdib niya ay nakaukit doon ang pangalan ng school. May kulay mocha din na coat para pang-patong sa white blouse niya. And lastly, she don't know how to put the mocha necktie. Nag search na lang siya sa internet kung paano iyong isuot ng maayos.
She realized last night that the school is not a University but it's an International School. Paano siyang nakapasok sa mamahaling eskuwelahan na iyon? Scholar lang siya. Kakayanin ba niya?
Napapangiwi siya habang sinusuot ang sapatos niya. May takong iyon. Hindi man ganoon kataas ang takong, hindi pa rin siya sanay.
Tiningnan niya ang orasan. Isa-isa niyang pinasok ang nakahanda na niyang school I.D at ang ibang importanteng gamit.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas. Unang araw niya ngayon. Sana ay magiging maayos ang lahat.
Naglakad lang siya ng ilang minuto bago tuluyang nakarating sa malaking gate ng eskuwelahan. Binati siya ng mga security guards sa labas matapos tingnan ang I.D niya.
Kabado siya habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Ang gagandang tingnan ng mga school uniforms. May mga grupong nagtatawanan at nagkukumustahan. Feeling niya ay hindi siya nababagay sa lugar na ito.
Hindi sinasadyang napatingin siya sa labas ng gate nang makapasok. Mula sa hindi kalayuan ay naagaw ang atensyon niya ng isang magarang sasakyan sa labas. Hindi niya alam kung bakit napatitig siya doon. Hindi niya maaninag ang nagmamay-ari ng sasakyan pero alam niyang...nakatingin ito sa kanya mula sa loob.
Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad. Dumiretso siya sa malaking bulletin board at hinanap doon ang pangalan niya. Tiningnan niya kung saang bandang building siya. Nang makita ay kaagad niya iyong hinanap.
Dahil masyadong malapad ang eskuwelahan ay hiningal siya nang makarating sa building na mismong pakay niya.
Nangangapa pa rin siya dahil wala siyang kakilala. Samantalang ang mga estudyanteng nakakasalubong niya ay may kanya-kanyang grupo.
Natapos ang unang araw niya na nangangapa pero hindi niya alam kung bakit siya masaya. Siguro dahil challenging ito para sa kanya.
Umusad ang araw hanggang sa umabot ng dalawang linggo, unti-unti ay nakasanayan niya ang buhay estudyante. Hindi siya nagkakaroon ng kaibigan pero nagpapasalamat pa rin siya dahil walang nang-aaway sa kanya. Sa mga nababasa niya ay ganoon palagi ang nangyayari.
"Can I join?" Napatingala siya sa nagsalita.
Kumunot ang noo niya sa babae. Hindi ito nakangiti at mukhang maldita. Nag-iisa siyang kumakain sa cafeteria habang binabasa ang dala niyang libro. Natatandaan niya ang hitsura ng babae. Nasa iisang building lang sila.
Tumango lang siya bilang tugon sa babae. Napatingin siya dito nang hindi man lang nito ginalaw ang pagkain, nakatingin lang sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya.
"You're Alyssa, right?"
Tumango siya.
"My name's Angelu. I always see you eating alone. Sanay kang mag-isa. You should make friends here. Baka magulat ka na lang balang araw, ikaw ang mapagtripan. You're kinda snob, you know," nagkibit-balikat ito, sumimsim sa dala nitong juice.
"Hindi ako snob. Ayoko din makipag-usap kapag hindi naman ako kinakausap," balewalang tugon niya at tumayo, binitbit ang libro.
"Hey," tawag nito sa kanya, tinuro ang grupong palagay niya ay sikat dito sa school.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...