CHAPTER 2
NAPANGITI si Alyssa nang makita si Ate Thea. Napakaganda talaga nito. Ilang linggo nang naririto si Ate Thea at nakapalagayan na niya ito ng loob.
"Ate!" Tinawag niya ito.
Awtomatiko itong lumingon sa kanya.
Kumaway siya at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito.
"May handaan malapit sa palengke mamaya, gusto mong sumama?" Masayang anyaya niya.
"Talaga? Sige sasama ako pero hihintayin ko muna si Zach para magpaalam, ha? Baka kasi mag-alala, eh," natatawang tugon nito.
Tumango siya at ngumiti.
"Walang problema, ate. Mamayang hapon ang alis natin, ha? Nakahanda na ang bangka. Pero kahit hindi ka magpaalam, malalaman din naman ni Kuya Zach kasi kami ang mga kasama mo. Atsaka 'yong handaan, taon-taon iyong ginagawa. Parang selebrasyon ng mga tao at pasasalamat dito sa Isla Fontana kasi bukod sa masagana sa mga isda ay hindi kailanman napipinsala ng anumang kalamidad ang isla," paliwang niya a tumingin sa karagatan.
"Pangarap kong makita ng personal ang Maynila, ang mga nagkikislapang mga ilaw, ang maraming tao, ang maiingay na tunog ng sasakyan pero sa ilalim ng puso ko alam kong babalik at babalik ako dito sa isla, ate. Ito ang tahanan ko. Mahirap man ang buhay pero napakapayapa. Iyon lang naman ang importante," aniya, titig na titig sa malawak na karagatan.
Nakakaramdam siya ng lungkot dahil lilisanin niya ang isla sa mga susunod na araw para ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Pinalad siyang magkaroon ng sholarship. Napakabait ng taong gustong magpa-aral sa kanya.
Tumingin siya kay Ate Thea nang ginulo nito ang buhok niya.
"Sana ay hindi maging malupit ang buhay sa'yo. Manatili kang masaya, Alyssa." Matamis siya nitong nginitian, bahagyang pinisil ang pisngi nya.
"Ate, ikaw din po. Sana maging masaya ka at maging payapa ang buhay mo. At sana 'wag ka nang umalis dito, ate. Gawin mong tahanan ang Isla Fontana, kasama kami." Hinawakan niya ito sa kamay. Palagay talaga ang loob niya kay Ate Thea.
"Kung ako ang masusunod ay ayokong umalis sa islang ito, Alyssa, " tugon nito.
Hindi niya mapigilang malungkot.
"Ibig bang sabihin ay...may balak kang umalis dito?" Malungkot na tanong niya.
Ngumiti ito.
"Hintayin ko lang si Zach para magpaalam," mahinang sambit nito.
Tumango siya at ngumiti.
"Basta sama ka, ha? Masaya doon, maraming pagkain at ang maganda doon ay may mga sumasayaw sa gitna ng apoy," nasasabik na aniya.
Nakakasabik naman kasi talaga dahil iyon na ang nakasanayang tradisyon ng isla.
Nagpaalam siya kay Ate Thea at bumalik sa munting bahay nila. Naglinis muna siya sa loob, hinugasan ang mga plato at kapagkuwan ay naligo. Isinuot niya ang kaisa-isang puti at manipis na bestida na madalang lang niyang sinusuot. Sa tuwing may mga okasyon lang. Maayos niyang sinuklay ang mahabang buhok bago nagpaalam sa lola niya para umalis.
Saktong paglabas niya ay nakita niya ang lalaking sisira na naman yata sa araw niya.
Awtomatiko siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Saan ang punta mo?" Tanong nito, nakakalokong ngumiti.
Imbes na sagutin ito ay nilampasan lang niya ito.
"Ah, pupunta ka sa handaan mamaya? Umaasa kang may magtatapat sa'yo? Sa pangit mong 'yan, walang magtatangka."
Naikuyom niya ang mga kamao, nagpapasensyang hinarap ito.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...