CHAPTER 16
NAPATINGIN si Alyssa sa malaking bus na nasa harapan nila.
"Ready ka na?" Excited siyang tinanong ni Angelu.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Nagdala kang jacket? Malamig doon sa pupuntahan natin," anito at hinawakan ang kamay niya.
Tumango siya.
"Kumpleto na ako," excited na tugon niya sa kaibigan.
She really consider Angelu as her friend now. Napakabait nito sa kaniya at madalas na rin niya itong kasama kahit saan siya pumunta. Halos isang linggo na silang palaging magkasama at nagkakasundo talaga silang dalawa.
"Tara na sa bus," excited siya nitong hinila.
Natatawang nagpatianod siya. Marami na ring estudyante sa loob ng bus, may kaniya-kaniyang puwesto.
Naghanap silang dalawa ni Angelu ng bakanteng upuan sa loob ng bus. Nang may makita ito sa bandang likuran ay kaagad siya nitong hinila.
"Upuan ko 'yan," pareho silang napalingon ni Angelu sa nagsalita.
Nagugulat na tiningnan niya ito. Napakurap pa siya dahil baka nagmamalikmata lang siya ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Kasama kami sa camping niyo, taga-luto ng mga kakainin ninyong mga estudyante," tugon nito, ngumiti at tumingin kay Angelu.
"Ikaw ang kaibigan ni Alyssa?" Tanong nito.
Tumango si Angelu, tila natutulala pa kay Zeke.
"Dito ka na lang umupo, doon ako sa likod pero itatabi ko si Alyssa. Pahiram muna ng kaibigan mo, ibabalik ko siyang buo," kumindat ito sa kaibigan niya.
Sinamaan niya ito ng tingin. Si Angelu naman ay natawa at inilapit ang bibig sa tenga niya.
"He's handsome. Sa cafeteria nagtatrabaho 'yan, di' ba? Kaano-ano mo siya?" Pabulong na tanong nito.
"Kuya ko," tugon niya, nginitian niya ang kaibigan.
Mahina siya nitong pinisil sa braso.
"Liar. Ang lagkit ng tingin sa'yo, eh. Arat na doon! Bumalik kang buo, ha?" Tinulak siya nito.
Napailing na lang siya nang umupo na ito katabi ng isang estudyante at ang bakanteng upuang nasa harapan niya ay iminuwestra ni Zeke.
"Upo ka na, kamahalan," anito at matamis na ngumiti.
Napabuntong-hininga siya at tinanggal ang sukbit na bag sa likod. Awtomatiko iyong inabot ng binata at nilagay sa lagayan ng mga gamit sa itaas.
Walang imik na umupo siya sa tabi ng bintana. Si Zeke ay kaagad na tumabi sa kaniya matapos ayusin ang dala nitong bag.
"Hindi mo sinabing kasama pala kayo. Lahat kayong nagtatrabaho sa cafeteria ay kasama?" Tanong niya.
Wala itong binanggit kagabi habang inaayos niya ang mga gamit na dadalhin para sa ilang araw na camping at school activities nilang mga estudyante. Ang inaasahan niya ay purong mga estudyante lang at ang ibang professors ang kasama.
"Iilan lang kami. Para daw hindi kayo mahirapan sa paghahanda ng mga kakainin niyo sa camping," tugon ng binata, nakatitig sa kaniya.
Tumango lang siya at tumingin sa labas. Ilang sandali lang ay nag announce na ang isang professor na aalis na.
Habang nasa biyahe ay hindi na siya umimik pa, ni hindi siya tumitingin kay Zeke. Simula noong hinalikan siya nito last week sa labas ng locker room ay ilang na siya sa binata. Gustong-gusto niya itong iwasan dahil mas lalo siyang naguguluhan sa sariling nararamdaman.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...