CHAPTER 40
"GET rid of the car. I'm sure she don't want to see it again," Alyssa heard that voice outside her private room.
Awtomatiko siyang napahawak sa sariling tiyan. Kagat ang ibabang labing hinaplos niya iyon. Her baby is safe.
Tila ngayon lang nag sink-in sa utak niya na buntis nga talaga siya. She's too young for this but God, she's happy. Kakaiba ang pakiramdam, hindi niya maipaliwanag. When the doctor confirmed earlier that she's pregnant, she wanted to cry. Kabado din siya kanina dahil ang buong akala niya ay hindi niya magawang iligtas ang batang nasa sinapupunan niya.
The doctor explained that it usually happened when the mother is stressed. Kaya binalaan siya nitong mag-iingat dahil kung hindi ay mauulit ang bagay na ito, and worst, baka tuluyan na siyang makunan.
Napatingin siya sa pinto nang may kumatok mula sa labas.
"Baby..." Boses iyon ni Zeke. "Can I come in?"
Hindi siya sumagot.
"Please?" Patuloy nito.
Hindi pa rin siya umimik. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot.
"Ayaw kitang makita," aniya sa mahinang boses.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa labas. Kanina pa nito gustong pumasok, pero hindi niya pinapayagan ang binata. Ilang oras na itong nasa labas ng private room niya.
"Listen to me," muli itong nagsalita.
"Umalis ka, please. Papakinggan kita, pero hindi ngayon. Muntik na akong makunan, Zeke. Huwag mo akong bigyan ng dahilan ngayon para mas lalong mairita at magalit dahil sa kababuyan mo," mariing tugon niya.
"Alyssa, I'm doing this for my brother. Pakinggan mo naman ako, please. I'm sorry I lied. Hindi ko dapat ginawa 'yon. I'm sorry, hmm?" Patuloy itong nagsalita mula sa labas.
Hindi na siya muling nagsalita pa. Gusto lang niyang magpahinga muna. Nabigla siya sa mga nakita at maging sa nalamang buntis siya.
Halo-halo ang emosyon niya ngayon, hindi na niya alam kung alin ang dapat niyang intindihan. But she decided to take good care of herself first. Ayaw niyang ma-stress dahil makakasama iyon sa batang nasa sinapupunan niya. Kailangan niyang isipin ang anak niya.
"Papasok ako, puwede?" Muli itong nagpaalam.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto ay mabilis siyang tumalikod. Narinig niya ang pagsara ng pinto at maging ang paghakbang ng binata patungo sa kinaroroonan niya.
"Alyssa..." She knew that he's already behind her.
Pumikit siya. Hindi pinansin ang binata.
"I...pretend as Kuya Zach to protect your Ate Thea. She's in danger. Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko ngayon but I want to let you know that it's only you that I love the most, Aly. Hinding-hindi magbabago iyon. I am guilty for doing those but I am only helping my twin brother, Alyssa. We had no other choice." Napamulat siya ng mga mata.
Ilang sandali niyang inulit sa isip ang mga sinabi nito. Kumilos siya, hinarap ang binata. Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa.
Bigla siyang bumangon na ikinagulat nito. Bahagya pa itong napaatras na para bang bigla itong natakot sa gagawin niya.
"Gusto ko nang umuwi. Ayoko dito sa ospital," aniya, sumimangot.
Sinabi na rin naman ng doktor kanina na puwede na siyang umuwi.
"S-Sa bahay?" tanong nito.
Masama niyang tiningnan ang binata.
"Saan ba dapat ako uuwi?" Supladang tanong niya.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romans| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...