CHAPTER 20
"ALYSSA, may waterfall daw dito. Punta tayo doon mamaya!" Excited siyang hinarap ni Angelu, tuwang-tuwa na may waterfall malapit sa campsite nila.
"W-Waterfall?" Natigilan siya.
"Bakit? Ayaw mo? Maganda daw doon, eh," anito, matamis na ngumiti.
Akmang sasagot siya nang may nagsalita.
"Magandang umaga mga magagandang dilag. Kape sa umaga, akin ka sa gabi," kumindat sa kaniya si Zeke, sabay abot ng hawak nitong paper cup na may lamang kape.
"Malandi," inis na bulong niya.
Si Angelu ay natatawang kinuha ang isang paper cup at tila kinikilig na lumayo sa kanila ni Zeke.
"Kape? Ayaw mo? Mainit-init pa. Katulad ng mainit na gabi natin kagabi doon sa ilo—" Napaatras ito nang sumugod siya.
"Sabi ko na susugurin mo ako, eh. Ang liit-liit mo na nga, susugod ka pa. Isang ihip ka lang, babagsak ka na...sa puso ko," ngumisi ito.
"Dimunyu ka!" Namumula ang buong mukhang inabot niya ang buhok nito at sinabunutan.
"Aray naman, Pangit! Aray! Aray! Napapaso ako ng kape, o," reklamo nito habang inaalis ang kamay niya sa buhok nito.
Tatawa-tawa ang gago habang nakatingin sa kaniya. Humigop ito mula sa paper cup na hawak.
"Ang sarap," pumikit ito, nakangiti.
Nang magmulat ng mga mata ang binata ay mapungay na ang mga matang nakatingin sa kaniya.
"Sobrang sarap," bulong nito, umangat ang sulok ng labi.
Naikuyom niya ang mga kamao at nag-ipon ng lakas. Mabilis niya itong nilapitan at kapagkuwan ay gigil na tinuhod ang pagitan ng mga hita nito.
Natapon ang kapeng hawak ng binata kasabay ng pagluhod at dumaing.
"Tang...ina," mariin itong napamura habang ang mga kamay ay nasa pagitan ng mga hita nito.
Nang nag-angat ng tingin ang binata sa kaniya ay ngumisi siya.
"Serves you right, you maniac," aniya at naglakad papalayo.
"H'wag kang magpapahuli sa akin, Alyssa. Kapag nahuli kita sisiguraduhin kong hindi lang kiskis ang gagawin ko," pahabol nito habang naglalakad siya palayo.
Si Angelu na nakita ang ginawa niya ay napanganga sa kaniya.
"Halika na, nauna na ang mga kasama natin. Kailangan nating mag participate sa activity," aniya at hinila ang kaibigan.
"Anong kiskis ang sinasabi niya?" Natatawa at naiintrigang tanong ng kaibigan.
Hindi niya ito pinansin sabay kagat sa ibabang labi. What happened last night, did she willingly let him do those things to her last night? Kapag iniisip niya iyon, pakiramdam niya ay sinapian siya kagabi at basta-basta na lang pumayag sa ginawa ni Zeke.
Inis na inis siya at naguguluhan. Bakit wala siyang lakas na ipagtulakan at pagbawalan ang lalaking iyon? He already marked her. Tila naging sunod-sunuran na ang katawan niya sa binata. Mas lalo siyang naiinis. Natatakot na siya sa tuwing malapit ito. Natatakot siya sa sarili niyang katawan dahil tinatraidor siya niyon.
Kagabi ay kaagad siyang umalis at iniwan ang binata. Hindi siya makatulog kagabi dahil pa rin sa lalaking iyon kaya naglakad-lakad siya at natagpuan ang waterfalls. Pero pinagsisihan niyang pumunta siya doon. Mas malala pa ang nangyari kaya mas lalong hindi siya makatulog nang bumalik siya sa tent nila ni Angelu.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romansa| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...