Chapter 49 (His Queen)

77.1K 2.2K 334
                                    

Can you play this song "The Greatest Gift Of All" while reading this chapter, please?😍 Song above 👆👆💛💛

CHAPTER 49

HINDI mapakali si Zeke habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng altar. Panay ang tingin niya sa suot na relo.

"She's late," aniya sa kinakabahang boses.

His twin brother let out a soft laugh. Natatawang tinapik siya nito sa balikat.

"Relax. Your bride will be here in a few minutes. Ayusin mo sarili mo, namumutla ka." Naiiling na ginulo ni Kuya Zach ang buhok niya.

"Alak gusto mo? May dala ako," alok ni William na nasa tabi niya.

"Baka ayaw ka ng siputin ng bride mo," ani Hunter, seryosong nakatingin sa nakasarang pinto ng simbahan.

"Mas lalo niyo lang pinapakaba 'yong tao," ani Ragian, nilapitan siya. "Babaerong nagpatali, huh?" Nginisihan siya nito.

"Shut up, you fucking doctor," iritado niya itong siniko.

Natatawang tinawag ni Ragian si Drew. Ragian and Drew are best of friends. Minsan na rin nakapunta ang dalawang ito sa Isla Fontana, hindi nga lang pumipirmi doon.

"Bantayan mo itong si Zeke, baka mabigla na lang tayo nakahandusay na 'yan diyan sa sahig dahil sa sobrang nerbyos," nakangising sabi nito.

Tumawa ang mga nakarinig ng sinabi ni Ragian. Humakbang siya pero kaagad rin siyang natigilan nang maramdaman ang panginginig ng mga tuhod niya.

Fuck this! Totoong kabado siya. Kanina pa kumakabog ng napakalakas ang puso niya habang hinihintay si Alyssa. Every minute is like a torture to him. Gustong-gusto na niya itong makita at mahawakan ang kamay nito.

Mabilis siyang inalalayang kakambal nang mapansin ang panginginig ng mga tuhod niya.

"Tangina, ayaw matanggal ng kaba ko, kuya. Hindi pa tapos ang seremonya ng kasal, baka matumba ako dito," aniya sa kakambal.

Natatawang inakbayan siya nito.

"Relax, bro. Nandito si kuya sa likod mo," nakangiting nagsalita ito, pinagdikit ang noo nilang dalawa habang masuyo siyang hawak sa ulo. "You're such a child, Zeke. I understand that you're deeply inlove and it amused me," nakangiting tinapik siya nito sa balikat.

Napabuntong-hininga siya, bahagyang kumalma. He's thankful that his twin brother was always there for him.

"Thanks, Kuya," aniya sa kakambal, niyakap ito.

Masuyong hinagod ng kakambal ang likod niya.

"Stand straight and face your bride, little brother. She's here..." anito, binitawan siya.

Sabay-sabay silang tumingin sa malaking pinto ng simbahan. Dahan-dahan iyong bumukas. Tila hindi siya makahinga habang hinihintay ang pagpasok ni Alyssa sa simbahan. The moment he saw her, his tears flowed down on his cheeks.

His Alyssa looks stunning with her wedding dress. She's like...a princess with that beautiful crown on her head. Alyssa is wearing an ethereal flower-inspired wedding dress. She really look like a disney princess. His beautiful Alyssa.

His little tigress became his princess and forever his queen. A queen he will worship and he will serve for the rest of his life. A little queen tigress that he will love until his last breathe.

Kasabay ng paghakbang ni Alyssa ay ang pagtugtog ng kanta na pumuno sa kabuuan ng simbahan.

It's not the flowers, wrapped in fancy paper
It's not the ring, I wear around my finger
There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me, here beside me

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now