Chapter 23 (Cold)

75.6K 2.5K 347
                                    

CHAPTER 23

ALYSSA laughed at Alex. Binisita siya nito sa ospital, may dalang bulaklak at mga prutas. Nakakatawa itong kausap dahil mapagbiro. Ang buong akala niya ay palagi itong seryoso sa pag-aaral.

"Sorry again, Alyssa," anito at napabuntong-hininga.

Natatawang umiling siya.

"Kanina ka pa sorry nang sorry. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nahulog ako doon sa bangin. You tried to save me and that's more than enough. Thank you for trying, Alex," sinsero niya itong nginitian.

Tumitig ito sa kaniya.

"May...ginawa ba si Lhean? You can tell me and I will-"

"Wala siyang ginawa," kaagad na putol niya sa sasabihin nito.

She don't want to tell him about Lhean. She will handle that snail. Sisiguraduhin niyang ibibigay niya sa babaeng iyon ang hinahanap nito.

"Salamat sa pagbisita, Alex. Mamayang hapon ay puwede na rin akong lumabas. Kagagaling lang din ni Professor dito, nagdala din ng mga prutas. Na-appreciate ko lahat. Thank you," aniya sa binata.

Ngumiti ito habang nakatitig pa rin sa kaniya.

"You're a nice person, Alyssa. You really got my attention since the first day I saw you," napakamot ito sa ulo.

Hindi niya alam ang itutugon.

"I mean...you're cute and I know that you're smart. Ang ganda mo rin lalo na kapag nakangiti. Hindi ka kasi mahilig ngumiti kapag nasa school, eh," natatawang sambit nito, sa batok naman ngayon napakamot na tila nahihiya.

Mahina siyang natawa. Alex is kinda cute. Naaaliw siyang tingnan ito.

"Ipagbalat kita ng mansanas, ayos lang ba?" Masuyong tanong nito.

"H-Ha? Naku, h'wag ka nang mag-abala. Ang dami ko nang nakain na prutas kanina," natatawang tugon niya.

"Sige. It's nice to know that you are okay now, Alyssa. I'll see you soon at our school. May...sasabihin ako sa'yo kapag maayos na ang lahat," ngumiti ito.

Kumunot ang noo niya. Akmang magtatanong siya nang bumukas ang pinto, iniluwa niyon si Zeke.

Napatigil ito sa akmang pagpasok nang makita si Alex sa loob.

"I'll go ahead now, Alyssa. Magpalakas ka, okay?" Nakangiting ginulo nito ang buhok niya.

Nakangiting tumango siya at nagpasalamat. Nagpaalam si Alex kay Zeke at tinanguan lang ito ng huli.

Walang imik na sinara ng binata ang pinto. May dala itong pagkain.

"Kain ka muna bago tayo umuwi. Puwede ka nang lumabas sabi ng doktor," anito nang makalapit sa kaniya.

Kumunot ang noo niya nang may mapansin kay Zeke. Kagabi pa niya iyon napapansin. Parang...matamlay ito.

"Zeke," tawag niya sa binata.

Awtomatiko itong humarap sa kaniya mula sa pag-aasikaso ng pagkain. Dahil nakaupo siya sa hospital bed, mabilis niyang naabot ang noo nito, sinalat para malaman kung may sakit ito.

Nagulat ito sa ginawa niya. Awtomatikong kumunot ang noo.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito, ang suplado ng tono.

Bigla itong naging bugnutin at naging masungit sa harapan niya. May ginawa ba siyang mali? Hindi siya sanay sa Zeke na kaharap niya ngayon.

"Tinitingnan ko lang kung may sakit ka," mahinang tugon niya.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now