CHAPTER 12
WALA siyang maayos na tulog kagabi. Parang gusto niyang pagsisihan na dito niya pinatuloy si Zeke sa tinitirhan niya.
Alam naman niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Hindi ito ang tipo ng lalaking pipilitin ka sa ayaw mo. Kahit madalas itong mang-asar, alam pa rin nito kung alin ang tama at mali. Kaya nga kampante siyang patuluyin ang binata dito, dahil hindi siya nito ipapahamak.
Ito ba ang magpapahamak sa kanya o siya mismo ang magpapahamak sa sarili niya?
Based on what happened two nights ago, Zeke can be accused with sexual harassment because of what he did. But...she didn't refused. She...gave him access the way she react.
Ayaw niyang maulit iyon dahil nag-uumpisa na siyang magduda sa sarili. Nakakaramdam siya ng takot. She is confused. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag ang sarili. Kinakabahan siya, natatakot sa magiging resulta nito.
Napabuntong-hininga siya at padapang nahiga sa kama. Mabuti na lang at wala siyang pasok ngayong araw kaya kahit puyat ay ayos lang. Bakit nga ba siya napuyat? Dahil sa nangyari kagabi?
"Totoo ba talaga 'yon? Bakit ganoon katigas?" Parang tangang tanong niya sa sarili.
Napasabunot siya sa sarili. Nababaliw na siya!
Inis na bumangon siya pero muli ding nahiga. Nasa labas ba ito? Paano na naman niya ito haharapin?
Gigil na muli siyang napasabunot sa buhok at malakas na napabuntong-hininga.
Tuluyan siyang bumangon sa kama. Napangiwi siya nang maramdamang may likidong lumabas mula sa maselang parte ng katawan niya.
Dali-dali siyang pumasok ng banyo. Nakita niyang may dugo. Napangiwi siya ulit nang maramdaman ang pagsakit ng puson niya. Halos nawala na sa isip niya na kabuwanang dalaw na pala niya. Kaya pala kanina pa niya nararamdamang masakit ang puson niya. Kapag ganitong may dalaw siya ay halos ayaw niyang kumilos.
Habang naliligo ay madalas ang pagngiwi niya. Pinilit niyang kumilos at nagbihis. Pero habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang puson niya.
Lumabas siya mula sa kuwarto. Wala na si Zeke sa living room. Pumasok ba ito sa trabaho? Pero walang pasok ngayon. Saan pumunta ang lalaking 'yon?
Tinungo niya ang kusina para magluto ng almusal pero halos mangiyak-ngiyak siya sa sobrang sakit ng puson. Pinilit lang niyang makapagsaing at naglabas ng puwedeng lutuin mula sa ref.
Mahigpit siyang napahawak sa sink, hinawakan ang puson.
"Magandang umaga," bahagya siyang nagulat nang marinig ang boses ni Zeke mula sa likod niya.
Tinanguan lang niya ito, hindi na umimik.
"Magluluto kang almusal?" Tanong nito.
Tango lang ang naging tugon niya.
"Galing ako sa palengke, bumili ako ng isda kasi alam kong paborito mo. Bumili rin ako ng sangkap kasi nakita kong paubos na ang mga sangkap diyan," anito na tanging tango lang din ang naging tugon niya.
Binabalatan niya ang hotdog na lulutuin. Parang wala siyang lakas, nanginginig pa ang mga kamay.
"Alyssa," bigla siyang napalingon sa binata nang hawakan siya nito sa kamay.
Awtomatikong kumunot ang noo nito kasabay ng pagdaan ng emosyon sa mga mata nito. Mabilis nitong sinapo ang mukha niya.
"Namumutla ka," anas nito.
"H-Ha? Ano...b-baka gutom lang ako," dahilan niya.
Zeke is a man. Nakakahiyang sabihin na kaya nagkakaganito siya ngayon dahil sa kabuwanang dalaw niya. Hindi nito iyon maiintindihan.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...