🔞🔞🔞
CHAPTER 19
"PARE, marami ka nang nainom. Ayos ka lang?" Tanong ni Jude sa kaniya, tinapik ang balikat niya.
Tinanguan niya ang kasama at muling tumungga ng alak. Marami silang dalang beer. Sila lang ang puwedeng uminom, ang mga estudyante ay hindi pinayagan.
"Parang kanina ka pa hindi mapakali, ayos ka lang talaga?" Kunot-noo siyang sinalat ni Jude sa noo.
Bahagya itong nagulat at biglang nabawi ang kamay.
"May lagnat ka? Sobrang init mo," anito, kunot na kunot ang noo.
Mahina siyang natawa.
"Ayos lang ako, h'wag mo akong pansinin. Mawawala din din ito," tugon niya at lihim na napabuntong-hininga.
Kung hindi ba naman sa kagaguhan niya ay hindi siya magkakaganito ngayon. Mariin siyang pumikit pero hindi iyon nakakatulong. Pabalik-balik lang na bumabalik sa isip niya ang ginawang niya sa dalaga kanina.
"Fuck," mahina siyang napamura, naikuyom ang kamao at kapagkuwan ay napalabi siya.
That taste, goddammit! It was...addicting! Damn that sweet fucking taste of her!
"Tangina..." Parang gusto niyang maluha sa sobrang frustration sa sarili.
Napasabunot siya sa sariling buhok at nagmulat ng mga mata. Kanina pa sila umiinom, ang ibang estudyante ay kanya-kanya nang pumasok sa mga tent nila.
Tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang tent nina Alyssa, kasama ang kaibigan nito. Kanina pa pumasok ang dalawa sa loob ng tent. Marahil ay natutulog na ang dalaga ngayon.
Muli siyang tumungga ng alak. Pero kahit lunurin niya ng alak ang sarili, hindi maalis-alis sa panlasa niya ang natikman kanina. Habang-buhay iyong nakatatak sa sarili niyang dila.
"Damn you, Alyssa. You taste so good, baby..." bulong niya sa sarili, muling pumikit ng mariin.
Binalikan niya sa isip ang nangyari kanina sa malaking puno. He got carried away. He can't help it. Alam at nakikita niya kung paanong naguguluhan si Alyssa.
He knew that she's starting to feel something for him. Kaya hindi niya napigilan ang sarili kanina. Naubos na ang pagtitimpi niya.
Kung puwede lang niyang pasukin ang puso nito at basahin kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niyon. Pero ayaw niya itong biglain. Makakapaghintay siya. Maghihintay siya kahit anong mangyari.
Muli siyang nagmulat ng mga mata at kumuha ng flashlight mula sa loob ng tent niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jude.
Nilingon niya ito.
"May malapit na waterfall dito, titingnan ko," tugon niya.
"Talaga? Paano mo nalaman?"
Natigilan siya sa tanong ng kasama. Of course, he knew this place. Saulado niya ito. He was the one who personally chose this camping site and suggested it to the owner of the school. Sinigurado niyang safe ang mga estudyante dito, mas lalo na si Alyssa.
"Gusto mong sumama?" Tanong niya.
Umiling ito.
"Inaantok na ako, ikaw na lang. Bukas ko na lang titingnan. Ingat ka," tinapik siya nito sa balikat.
Zeke nodded and walked away. Dala ang flashlight ay tinahak niya ang daan patungo sa waterfall. Medyo malayo iyon sa camping site.
Nang makarating doon ay napabuntong-hininga siya. Malakas ang bagsak ng tubig pero gusto niya ang waterfall dito. Minsan na rin siyang nakapunta dito kasama si William, Hunter at si Drew.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...