WARNING: 🔞🔞 RATED SPG 🔞🔞
CHAPTER 24
PANAY ang tingin niya sa thermometer. Mataas pa rin ang lagnat ni Zeke. Pinagluto na niya ito ng lugaw kanina at pinainom ng gamot.
Pasalamat siya dahil nahikayat niya itong maglakad patungo sa loob ng kuwarto kahit masama ang pakiramdam nito.
Alas diyes na ng gabi pero ito pa rin siya, binabantayan ang binata. Maya't-maya niyang chini-check ang temperatura nito.
Pabalik-balik na rin siya para palitan ang bimpo sa noo nito. Mahina itong dumadaing. Kahit may kumot na ay nanginginig pa rin ito.
"D-Dalhin na kaya kita sa ospital?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.
Nagmulat ng mga mata ang binata at hinawakan siya sa kamay. Napatitig siya kay Zeke.
"Bakit kasi nagkasakit ka? Ano bang ginawa mo?" Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ito umimik. Napabuntong-hininga siya at sumampa sa kama.
"Ayaw mong dalhin kita sa ospital?" Tanong niya.
Umiling ito.
Muli ay napabuntong-hininga siya. Humiga siya sa tabi ng binata at pumasok sa loob ng kumot. Awtomatiko niya itong niyakap. He is trembling. Halatang lamig na lamig ito kahit hininaan na niya ang aircon kanina.
Mahigpit niya itong niyakap para kahit papaano ay makaramdam ito ng init.
"Alyssa," anas nito.
"Malamig na malamig?" Masuyong tanong niya.
Nanginginig na tumango ito.
"Pasensya na. Ngayon lang ako nagkasakit ng ganito," ramdam niya ang sinseridad sa boses nito.
Tumango siya at mas lalong isiniksik ang katawan sa binata. Ang init pa rin ng balat nito. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng binata ngayong yakap-yakap niya ito.
Sumunod ito ng tingin sa kaniya nang bumangon siya. Unti-unti niyang hinubad ang suot nitong shirt.
"Alyssa," mabilis nitong pinigilan ang kamay niya.
Nginitian niya ito.
"H'wag mo akong alalahanin," aniya sa mahinang boses.
"Nilalagnat ako, mahahawaan ka," mariing saway nito.
Hindi siya nagsalita. Itinuon niya ang atensyon sa paghubad ng damit nito. Hindi niya alam kung tama itong ginagawa niya. Siguro ay nahibibang siya pero kailangan niyang bigyan ng init si Zeke. Ayaw niya itong nakikitang nagkakasakit ng ganito.
Sunod niyang hinubad ang suot nitong shorts. Halos hindi siya makahinga nang hinila niya iyon pababa hanggang sa boxer shorts na lang itong natitira.
Lakas loob siyang naghubad ng damit sa harapan ng binata kasabay ng pagtanggal niya ng suot na bra.
She's only wearing her underwear when she hugged Zeke. Dikit na dikit ang dibdib niya sa katawan nito.
Sunod-sunod itong nagmura dahil sa ginawa niya. Madilim ang buong mukhang tumingin ito sa kaniya.
"Mas lalo mo akong pinapahirapan," napapaos ang boses na bulong nito.
"Kalimutan natin ito kapag magaling ka na," matapang niyang sinalubong ang tingin nito.
Marahas itong napabuntong-hininga at walang kahirap-hirap na nilipat ang posisyon niya. Dinala siya ng binata sa ibabaw nito.
Kahit kabado dahil sa pinaggagawa niya ay pinilit niyang maging kaswal ang kilos, pinakita sa binata na normal lang para sa kaniya itong ginagawa niya.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...