Chapter 11 (Hard)

92.4K 2.4K 287
                                    

Nag update ako dahil natakot ako sa kutsilyo ni Ate Maricel! HAHAHAHAHA.

Shout out to Karylle Joy 😍😚 Hello dear 😍😚🤗

CHAPTER 11

ALYSSA can't focus. Kaninang umaga pa siya wala sa sarili. Mas lalo iyong nadagdagan nang makita ang dimunyung iyon sa cafeteria kanina.

Sinikap niyang pakiharapan ito ng kaswal— na parang wala itong kababalaghang ginawa kagabi.

Inis na napasabunot siya sa sariling buhok. Hindi mawala sa isip niya ang pakiramdam na iyon. Tila may pinukaw ito sa kanya. Ang dampi ng labi at dila ng lalaking iyon sa dibdib niya ay hindi matanggal sa isipan niya.

Naalala pa niya kung paano siyang umungol. Talagang umungol siya!

Ganoon ba ang pakiramdam ng mga heroines sa mga romance na nababasa niya?

Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Iyon ang unang pagkakataon pero...bakit parang hinihiling ng katawan niyang maranasan ulit ang pakiramdam na iyon?

Muli siyang napasabunot sa sariling buhok habang nasa loob siya ng library. Hinubad niya ang suot na coat ng uniform niya nang biglang makaramdam ng init.

Pinaypayan pa niya ang sarili kahit sapat naman ang lamig sa loob ng library. Kakaibang init itong nararanasan niya— katulad ng init na naramdaman niya kagabi.

Hindi niya alam kung kanino siya maiinis. Sa dimunyung iyon o sa sarili niya mismo.

Ilang minuto pa siyang nagtagal sa loob ng library hanggang sa magpasyang umuwi na. Tutal ay tapos na rin naman klase niya ngayong araw. Mas gusto lang talaga niyang tumatambay sa library dahil dito siya nakaramdam ng kapayapaan.

Nang lumabas siya sa gate ng school ay binati pa siya ng mga security guards.

"Sabay na tayong umuwi." Muntik pa siyang mapatalon sa gulat nang sumulpot sa harapan niya ang lalaking naging dahilan kung bakit halos buong araw siyang lutang.

"Umalis ka nga sa harapan ko, nanggigigil ako sa'yo," kaagad niya itong tinarayan, gustong itago ang kaba niya.

"Ang maldita naman ng batang 'to. May dalaw ka?" Ngumisi ito.

"Dalaw mo mukha mong gago ka. Alis!" Naiinis talaga siya sa pagmumukha nito!

"May dalaw ka nga, triple ang kasungitan mo ngayon," natawa ito, sinabayan siyang maglakad.

"Kapag hindi ka umalis sa harapan ko, mapipisa 'yang itlog mo," pinandilatan niya ang binata.

"Aray naman, pangit. Bakit ang suplada mo, ha? Ibagay mo nga 'yang kasungitan mo sa pagmumukha mo. Pangit ka na nga, suplada ka pa," napailing ito.

Naikuyom niya ang mga kamao at handa nang suntukin ito nang bahagya itong dumistansya, nahulaan na ang gagawin niya.

Napangiwi ito.

"Ang liit mo pero malakas ang suntok. Hindi ka ba naaawa sa mukha ko?" Natatawang napaatras ito.

"Umuwi ka na nga," pagtataboy niya.

"Sa'yo ako umuuwi," tugon nito.

"Umuwi ka doon sa isla, 'wag sa'kin!" Singhal niya.

"Nandito 'yong isla ko..." Bulong nito na hindi niya narinig dahil sa sunod-sunod na busina sa kalsada.

Tumikhim ito bago muling nagsalita.

"Alam ko na para mabawasan 'yang kasungitan mo. Gusto mong kumain? Libre kita. Kinuha ko na ang sahod ko para sa buwang ito kaya may pera na ako," masayang balita nito.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now