CHAPTER 6
NAPANGANGA si Alyssa nang makarating sa Maynila. Ilang araw din ang naging biyahe niya bago siya tuluyang makarating dito.
Lumingon siya sa paligid. Napakaraming tao. Halos kakababa lang niya galing sa malaking barkong sinakyan.
Ang sabi ni Miss Mye na tumulong sa kanya para makakuha ng scholarship ay may susundo sa kanya ngayon. Napangiwi siya. Paano niya makikilala kung sino iyon?
"Miss Alyssa Nuñez?" Napalingon siya sa nagsalita.
"P-Po? Ako po?" Nagugulat na tanong niya sa babae. Sa tingin niya ay matanda ito sa kanya ng ilang taon.
Ngumiti ito at tumango.
"Ako ang susundo sa'yo. Kanina ka pa ba?" Napakurap siya. Ang bait ng babae.
"Kadarating ko lang po," tugon niya.
"My name is Evelyn Delantar. You can call me Miss Eve or whatever you want. Ako ang personal secretary ng magpapa-aral sa'yo. Nice to meet you, Miss Alyssa," mabait itong nagpakilala.
Napakamot siya sa ulo. Personal itong sekretarya ng magpapa-aral sa kanya? Normal ba na ito mismo ang susundo sa kanya? Parang napaka-espesyal naman yata niya?
May nilingon si Miss Evelyn at tinawag ang isang lalaki.
"Pakidala ng mga gamit ni Miss Alyssa, ipasok mo sa compartment," utos nito sa lalaki na kaagad namang tumalima.
"S-Salamat po," nagugulat pa ring usal niya.
Iginiya siya ni Miss Evelyn patungo sa sasakyan. Napakurap siya. Sasakay ba sila diyan? Kumikinang ang kotse, hindi ba iyon madudumihan? Parang nakakatakot sumakay sa loob. Masyadong maganda ang kotse.
"Miss Alyssa? Tara na?" Pinagbuksan siya nito ng pinto.
"Ahm...ano po kasi...h-hindi ba madudumihan? B-Baka-" Natigilan siya nang natawa ang babae.
"B-Bakit po?" Nagtatakang tanong niya.
Natatawang umiling ito.
"Tama nga si Sir Z, ganito nga ang magiging reaksyon mo," natatawang sambit nito.
Kumunot ang noo niya.
"S-Sir Z?"
Tumango ito.
"Yeah, he's your sponsor. My boss," tugon nito.
Napatitig siya sa babae. Maganda ito. Kahanga-hanga din kapag nagsasalita.
"Ahm...ganito talaga siya sa mga scholar niya? Pinapasundo niya?" Alanganing tanong niya.
The woman just smiled and shrugged her shoulders.
"Let's go? Ihahatid kita sa tutuluyan mo, Miss Alyssa," muli itong ngumiti.
"S-Sige po," aniya at napalunok.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kotse. Si Miss Eve ay doon sumakay sa harapan.
Nang nasa biyahe na ay halos malula siya sa sobrang ganda ng sinsakyan. Napakalambot ng upuan, ang ganda-ganda sa loob. Malaki itong sasakyan, hindi siya pangkaraniwan.
"Let me know if you're hungry, Miss Alyssa. Puwede tayong kumain sa restaurant at-"
"Hala, h'wag na po!" Mabilis na tanggi niya.
Muling natawa ang babae, parang naaaliw sa kanya.
"I insist, Miss Alyssa. My happy-go-lucky boss will get mad at me if I don't treat you well," she laughed.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...