Chapter 4 (Safe In His Arms)

76.8K 2.4K 160
                                    

CHAPTER 4

NAPATIGIL sa paglalakad si Alyssa nang maramdamang tila may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa paligid at napakunot ang noo.

Ilang araw na niyang nararamdaman ito. Ang pakiramdam na parang may nagmamasid sa paligid.

Napailing siya sa naisip. Kakabasa niya siguro ito ng pocketbooks. Minsan ay kung anu-ano na ang nasa imahinasyon niya.

Elementary pa lang ay nakahiligan na niyang magbasa ng romance pocketbooks. Mabilis siyang natutong magbasa kahit noong bata pa lang. Kahit anong libro, gustong-gusto niyang binabasa. Mabilis din siyang nakakaintindi ng english, hindi nga lang siya sanay magsalita niyon.

Naalala niya noong nag-aaral siya ng high school sa maliit at malayong bayan ay madalas siyang tumatambay sa library para magbasa. Napalawak niya ang pag-iisip sa sariling sikap. Matataas din ang mga grado niya pero nang makatapos siya ng high school ay mas pinili na lang muna niyang tulungan ang lola at mga ate niya dahil hirap sila sa buhay.

Kahit hindi nagrereklamo ang mga ito noong nag-aaral siya, mabigat pa rin ang loob niya dahil bukod sa matanda na ang lola niya ay gusto niya ring magkaroon ng sariling buhay ang mga ate niya. Gusto niyang makitang masaya ang mga ito, magkaroon ng asawa at magkaroon ng sari-sariling pamilya. Buong buhay niya ay halos sa kanya nakatutok ang mga kapatid niya. Hindi siya pinapabayaan ng mga ito.

Sinubukan niyang pumasok sa scholarship at nagpapasalamat siya dahil hindi siya nahirapan. Bukas ay aalis na siya patungong Maynila para doon mag-aral ng kolehiyo. Nakapasok siya sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Nakahanda na ang lahat ng kakailanganin niya. Napakabait ng magpapa-aral sa kanya. Gusto niya itong makilala at makita balang-araw.

Pumasok ang dalaga sa palengke. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang umalis siya sa pawnshop kung sana siya nagtatrabaho. Tumulong na lang muna siya sa puwesto ng lola niya sa palengke.

Napangiti siya nang makita si Ate Thea. Pero kaagad ding kumunot ang noo niya nang makitang tila wala ito sa sarili. May mga napansin din siyang kakaiba kay Ate Thea.

Inabala niya ang sarili sa paglilinis ng isda.

"Ate, masama ba pakiramdam mo? Kahapon ka pa nagsusuka. Ang putla mo din." Hindi niya mapigilang punain ito.

"Ayos lang ako. Mainit lang talaga siguro," tugon nito sa mahinang boses.

"Sigurado ka, ayos ka lang? Gusto mong umuwi muna para makapagpahinga ka? Si Ate Sei at Ate Kath na ang bahala dito. Sasamahan kita sa bahay, nandoon din naman si lola," alok niya, nakaramdam ng pag-aalala.

"'Wag ka nang mag-abala, ayos lang ako. Aalis ka na bukas, hindi ba? Dapat ikaw ang umuwi para may pahinga ka. Mukhang malayo ang biyahe mo."  Nginitian siya nito, ginulo ang buhok niya.

"Ayos lang ako, ate. Sasakay ako sa malaking barko bukas, kinakabahan ako pero excited." Hindi niya mapigilan ang excitement.

Tumingin siya kay Ate Thea nang may maalala.

"Oo nga pala, ate. Naalala mo 'yong singsing na sinangla mo?"

"Singsing? Bakit?" Tugon nito.

"Kahapon nakita ko 'yon sa isang lalaki, eh. Hawak-hawak niya. Natatandaan ko kasi gandang-ganda ako sa singsing na 'yon," sabi niya at kumunot ang noo.

Tandang-tanda niya talaga ang singsing na iyon.

"L-Lalaki? Naaalala mo ba ang hitsura?" Tanong nito, tila kabado.

Umiling siya bilang tugon.

"Hindi, eh. Pero kasing-tangkad siya ni Kuya Zach, medyo malaki din ang katawan. Hindi ko makita ang hitsura kasi naka-sumbrero tapos...nangilabot ako ng ngumiti siya sa'kin, ate," tugon niya, itinuon ang pansin sa isda.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now