Chapter 45 (Hungry Beast)

94.3K 2.3K 272
                                    

CHAPTER 45

"YOU what?" kunot-noong tanong ng kakambal niya matapos niyang magsalita.

Bumuka ang bibig niya para sana sumagot pero bigla siya nitong binatukan sa ulo.

"Kuya naman!" reklamo niya, hawak-hawak ang sariling ulo.

"Hindi mo sinabing may relasyon na pala kayo ni Alyssa at pinakasalan mo na. Hindi mo rin binanggit sa'kin na nagka-problema kayo dahil sa pagtulong mo sa'kin, Zeke. You...suffered because of me and now you're making me guilty," anito, malakas na napabuntong-hininga.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang maging maayos na sila ni Alyssa. Ngayon lang siya naglakas-loob na sabihin lahat sa kakambal niya.

"I'm sorry. Problema mo na dati kung paano mong mabibigyan ng tahimik na buhay si Thea kaya ayoko nang dumagdag pa sa mga iniisip mo, kuya. Your happiness is my happiness as well. Bumabawi lang ako sa lahat ng mga nagawa mo sa'kin dati," natatawang napakamot siya sa ulo.

Napatitig si Kuya Zach sa kaniya. Dahan-dahan nitong inabot ang ulo niya, masuyong ginulo ang kaniyang buhok.

"Ang laki ng pinagbago mo," mahinang usal nito, nginitian siya. "I like how you have become right now, Zeke. Malayong-malayo ka na sa dating Zeke na nakilala ko. You're matured and responsible now," his brother's eyes are very proud while looking at him.

"Kuya, you're making me cry," aniya sa paos na boses.

Mahina itong natawa.

"Iyakin ka naman talaga noong bata ka. You always run to me and cry in my arms, remember?" muling ginulo ng kakambal ang buhok niya. "Sa akin ka palagi tumatakbo kapag may umaaway sa'yo noong mga bata pa tayo. Sa akin ka rin palaging nagsusumbong kapag...may bago kang girlfriend at sa tuwing inaayawan mo na sila. Sa akin ka rin pumupunta at nagpapaalaga sa tuwing may sakit ka," anito, humakbang papalapit sa kaniya at pinagdikit ang noo nilang dalawa. "That's why as your kuya, proud ako sa nakikita ko sa'yo ngayon, Zeke. At alam kong malaki ang naging parte ni Alyssa sa buhay mo."

Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang mga luha niya habang nakikinig sa mga sinasabi ng kakambal niya.

Totoo ang lahat ng mga sinabi nito. He was spoiled by his twin brother. Kahit anong kalokohan pa ang ginagawa niya noon, wala siyang narinig na kahit anong reklamo mula sa kakambal. Palagi itong nasa tabi niya. Palaging ito ang umaayos sa mga gusot niya. Palagi itong seryoso sa buhay, lahat ng desisyon ay kalkulado.

Kabaliktaran silang magkakambal. His twin brother was always serious and very understanding. Samantalang siya ay maloko at walang sinseryoso. He only loved spending money and women.

Kaya siguro ganoon na lang siya ka pursigidong tulungan ito nang hingiin nito ang tulong niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakatong humingi ng tulong ang kakambal mula sa kaniya. Sanay siyang palagi itong kumikilos mag-isa. Sanay siyang naaayos ng kuya niya ang lahat sa sarili nitong paraan. Kaya wala siyang pakialam sa mga magiging epekto sa kaniya basta't matulungan lang niya ang kapatid.

His brother looked at him and gently wiped his tears.

"It's okay to cry in my arms...kahit malalaki na tayo, Zeke. I love you, you know that. Isa ka sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Thank you for helping me but next time, lapitan mo ako kapag may problema ka. Nandito pa rin ako bilang kuya mo, palagi mong masasandalan," nginitian siya nito.

"Napuwing lang ako, kuya," tanggi niya, kinusot ang mga mata.

Mahina itong natawa.

"I'll accept that, then. Mga asawa na lang natin ang nagpapaiyak sa atin ngayon," anito, inakbayan siya.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now