CHAPTER 35
"ANONG ginagawa natin dito?" Tanong niya kay Zeke nang dinala siya nito sa mall.
Nakangiting ginulo lang nito ang buhok niya.
"Shopping," tugon nito, hinila siya sa kamay.
"S-Shopping?"
"Oo, shopping. Let's buy some clothes and shoes," tugon ng kasintahan.
Panay ang tingin nito sa paligid, nakakunot ang noo. Nang makita ang botique na hinahanap ay pumasok ang binata doon kasama siya. Nagtaka siya dahil puro damit pambabae ang naroroon.
"Pick anything you want," usal ng binata, muling ginulo ang buhok niya.
"Ako?" Parang tangang tinuro niya ang sarili.
"Bakit ako ba ang babae?" Balik-tanong ng binata, ngumisi.
Napasimangot siya.
"Ang dami ko nang damit. Binigyan ako ng sponsor ko. 'Yong nagpapaaral sa'kin," wala sa sariling sambit niya.
"Hmm-mm? Kapag galing sa sponsor mo tatanggapin mo, kapag sa akin na boyfriend mo, ayaw mo?" Yumuko ito para magpantay ang mukha nilang dalawa.
Napakurap naman siya. Boyfriend. Nakakapanibago pero boyfriend na talaga niya ang lalaking ito. Parang ngayon pa lang iyon nag sink in sa utak niya. Tuloy ay uminit ang magkabila niyang pisngi.
"H-Hindi naman sa gano'n. Ano kasi..." Napakamot siya sa ulo.
"What is it baby, hmm?" Naaaliw na sinapo ng binata ang baba niya.
"Nakakahiya sa'yo, Zeke. Niyaya mo akong lumabas kasi sabi mo kakain lang tayo sa labas tapos dadalhin mo ako dito para bumili ng mga—"
"Baby, just let me do this, hmm? Please?" She stilled when Zeke brush his lips against hers.
Pinagtitinginan sila ng ibang customers sa loob pati sales lady.
"Umayos ka nga. Nasa public place tayo," mahinang saway niya sa kasintahan.
Mahina itong natawa, inakbyan siya.
"Ang sarap mong papakin," pilyong bulong nito.
Kinurot niya ito sa tagiliran.
"H'wag mong pairalin kamanyakan mo dito, ha?"
Muli ay natawa ito.
"Pick what you want here, okay? Isukat mo na rin sa dressing room. I'll help you. Doon na lang kita papakin," ngumisi ito.
Gigil na binatukan niya ito. Napakamot naman ito sa ulo.
"Bakit ba ang sadista mo?" Reklamo nito.
"Manyakis ka kasi."
"Sa'yo lang naman ako ganito."
"Paano ang mga babae mo dati, hindi mo sila minamanyak?" Diretsong tanong niya habang namimili ng damit.
"Ikaw nga lang minamanyak ko," tugon ng kasintahan.
Nilingon niya ito, tinaasan ng kilay, pinapakitang hindi siya naniniwala.
"Trust me, baby. You won't like it if I get serious," anito, napangiwi.
"Hindi ka seryoso sa akin kung ganoon?"
"Alyssa." Biglang nalukot ang mukha nito.
"Biro lang," natatawang inabot niya ang tungki ng ilong nito, pinisil iyon.
Titig na titig naman ang binata sa kaniya habang tumatawa siya.
"You're so beautiful, Alyssa," anas nito.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...