To my dearest readers, thank you so much sa mga nag purchase ng e-book of One Sweet Night sa Nobelista. Pre-selling of Claude's story started today until April 28. Habol na sa mga hindi pa nakapag fill up ng google form for the whole e-book. Mababasa niyo ang story ni Claude with added chapters na hindi niyo pa nababasa dito sa Wattpad. Thank you again! 😘😍
Anyways, happy reading!
CHAPTER 31
"HOY! Nasa earth ka ba pa?"
Napakurap si Alyssa nang marinig ang boses ni Angelu.
"M-May sinasabi ka?" Tanong niya sa kaibigan.
Mahina itong natawa.
"Para kang lumulutang diyan. Teka nga," sinipat ng kaibigan ang kabuuan ng mukha niya.
"May napansin ako sa'yo. Ang blooming mo. Iba 'yong kulay mo ngayon, eh. Anong sekreto natin, girl?" Naiintrigang tinitigan siya ni Angelu.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa kaibigan. Kung anu-ano na ang napapansin nito.
Totoong para siyang lumulutang ngayon. Pagkatapos ng aminan nila ni Zeke kahapon, halos ayaw na siya nitong pakawalan, panay ang yakap sa kaniya. Pasalamat siya dahil kagabi ay behave ito. Niyakap lang talaga siya buong magdamag.
Kinabukasan bago siya pumasok sa school ay asikasong-asikaso siya ng binata. Pinagsilbihan siya ng almusal, hinanda ang uniform niya at maging ang pampaligo niya ay ito din ang umasikaso. Kahit masakit pa ang katawan ay pinilit niyang pumasok.
Zeke pampered her a lot. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Ayaw pa rin mag sink in sa utak niya ang lahat. Para siyang nasa fairy tale. Parang napaka-magical ng lahat.
Hiyang-hiya pa siya kanina nang hinatid siya ng binata gamit ang kotse nito. Kulang na lang ay ihatid siya hanggang sa loob ng school. Pinigilan lang talaga niya ito.
Ang sabi ng binata ay susunduin siya nito mamayang uwian. Ibig sabihin ay hindi ito pumasok sa cafeteria ngayon. O baka hindi na ito papasok para magtrabaho sa cafeteria?
"Aalis tayo ngayon, hindi ba?" Pukaw ni Angelu.
Tumango siya.
"May tour tayo sa VOC. Hindi ko alam 'yon," aniya sa kaibigan.
Their professor told them that they have a tour in VOC company today. Since they are taking up Business Management, their school required the students to have a tour. Observation lang naman daw ang gagawin nila. Yearly daw itong ginagawa, iba-ibang company. And this year, VOC ang kompanyang napili ng school.
Natatawang pinitik ni Angelu ang ilong niya.
"Sure ka, hindi mo alam ang VOC? It's a very big company," namamanghang sambit nito.
Napasimangot siya.
"Wala naman akong kaalam-alam sa mga ganiyan," aniya.
"VOC is very popular. It's a very successful oil company not only here in Philippines but in another countries as well. Kung saan-saan mo lang din makikita ang iba't-ibang branch ng VOC gasoline stations. Milyonaryo, ay hindi, bilyonaryo ang may-ari ng VOC. Sila ang nangunguna sa Pilipinas. Marami na ang bumangga sa kanila pero matatag pa rin. I heard the owner of VOC are twins. Both smart, wise and lethal. They have so many loyal people around them. Their identities are very private. Hindi sila mahilig sa medya. Their photos has never been exposed in public. Napaka-private talaga nilang dalawa. I'm curious with their faces. I heard they are very handsome that can make every woman drool. And the youngest among the twins, womanizer daw. Maraming babae. Proven and tested daw iyon. Maraming naikama," halos matulala siya habang pinapakinggan ang kaibigan.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...