CHAPTER 17
"IT'S already 5:00 o'clock, madilim na mamaya. Excited ako sa bonfire!" Kumikislap ang mga mata ng kaibigan niyang si Angelu habang inaayos ang tent nilang dalawa.
Nginitian niya ito sabay abot ng bottled water at maliit na towel.
"Thank you, ang sweet mo! Hindi ako nagkamaling kinaibigan kita," sinsero itong ngumiti.
Natawa siya. Ganoon din ang pakiramdam niya. Angelu is a good friend. Simula nang tinanggap niya itong maging kaibigan, halos ayaw nang humiwalay sa kaniya.
"H'wag mo na akong bolahin," natatawang napailing siya.
Inikot niya ang paningin sa paligid. Their professor said earlier that they are all safe here in their camping site.
Alam naman niyang sinigurado muna ng mga ito ang kaligtasan nilang mga estudyante bago sila dinala sa lugar na ito.
The place is cold and refreshing. Napapalibutan sila ng mga puno. Halos nasa kalagitnaan sila ng gubat. Medyo nahirapan pa silang mga estudyante kanina kasi mataas at paakyat ang lugar na ito pero nang makarating dito ay namangha silang lahat dahil nakikita nila ang view. Ngayon pa nga lang ay nakikita niya ang mga ilaw na nagkikislapan.
"The boys are preparing for bonfire," nagsalita si Angelu sa likuran niya.
Napansin nga niya iyon. Kanina pa abala ang iba sa pagkuha ng mga tuyong kahoy at dahon para sa gagawing bonfire mamaya. Of course, their professors made sure that they wouldn't cause harm in the forest. Safe na safe ang lugar kung saan ilalagay ang bonfire.
"Naghahanda na rin ng makakain ang iba," aniya at tumingin sa mga kasama ni Zeke, abala sa pagluluto ng kung ano at ang iba ay nagpapaypay para sa inihaw.
Hinanap ng mga mata niya ang binata. Kumunot ang noo niya at kumunot ang noo niya sa nakita. Nakita niya itong kausap ang kuhol. Ang ganda-ganda pa ng ngiti ng mukhang kuhol habang kausap si Zeke.
"Girl, bakuran mo na. Kuhol 'yan, hindi ba? Alalahanin mo, mahigpit kumapit ang mga kuhol," natatawa siyang kinausap ni Angelu.
"Wala akong pakialam sa kanila," aniya at tumalikod.
Inis na kinuha niya ang bottled water at binuksan. Diretso niya iyong ininom.
"Walang pakialam, ha? Parang anytime ay bubuga ka na ng apoy. Sa guwapo ba naman ng lalaking 'yon. Ano kasi ulit pangalan? Zeke, tama ba? Saan nanggaling ang nilalang na 'yon? Alam mo bang madalas siyang usap-usapan sa department natin? Maraming nagnanasa. Excited pa nga ang iba tuwing breaktime, lalo na 'yang si kuhol, girl." Tumigil siya sa pag-inom at tumingin kay Angelu.
"Sa dugyot ng lalaking 'yon, maraming nagkakagusto?" Umikot ang mga mata niya.
"Guwapo naman kasi, day! Nakakalaway! Kanina ko lang siya nakaharap talaga, muntik pa nga akong mapanganga sa harapan niya. Ang pogi niya. Maraming naglalaway, hindi mo alam? Maraming estudyanteng kilig na kilig diyan," natatawang nagpatuloy ito sa pagkukuwento.
Napailing siya at pinagpatuloy ang pag-inom sa tubig. Hindi sinasadyang napatingin siya sa jacket na hinubad niya kanina. Suot niya iyon nang bumaba siya sa bus. Sa amoy pa lang ng makapal na jacket ay alam niyang kay Zeke iyon.
Ibabalik na lang niya mamaya— kapag wala na ang kalandian nito.
Ilang sandali lang ay nagtipon-tipon na silang lahat para sa hapunan. Nag-umpisa na ring sindihan ang bonfire na napapalibutan ng mga bato.
Habang kumakain ay nakasindi na ang bonfire. Napangiti siya dahil napakaganda niyon. Naalala niya ang Isla Fontana sa tuwing may okasyon dahil gumagawa din sila ng bonfire malapit sa dagat. Gusto na tuloy niyang umuwi sa isla. Namimiss na niya ang mga ate at lola niya.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...