CHAPTER 15
"HI, can I sit here?"
Tumango lang siya nang umupo ang babaeng nagpakilala na sa kaniya noong nakaraang araw. It's their breaktime so she's here in the cafeteria.
"You're always alone, huh?" Nilapag nito ang tray na dala.
"Ikaw din naman," tugon niya.
Mahina itong natawa.
"You know I want you to be my friend. Hope you won't mind?" Diretso itong tumingin sa mga mata niya.
"Sure," kibit-balikat na tugon niya.
"Let's introduce ourselves in a proper way, then. I already introduce myself the other day. I'm Angelu, by the way. Angelu De Leon," nakangiting nagpakilala ito, inilahad ang kamay sa kaniya.
Tinanggap niya iyon para makipag shake hand.
"Alyssa Nuñez," ngumiti siya.
"Woah, finally! Nakita rin kitang ngumiti!" Tila namangha pa ito.
Mahina siyang natawa.
"Hindi naman ako maldita, no," aniya, natatawa.
"Anong hindi? Maldita ka, girl. But I like it. Hindi ka balatkayo," humagikhik ito.
Napailing na sumimsim siya sa juice.
"By the way, are you coming with the school camping next week?" Tanong nito.
Tumingin siya kay Angelu at kapagkuwan ay napangiwi. Kanina lang sinabi sa kanila ang school camping na gaganapin next week.
"Should I?" Napakamot siya sa ulo.
"Sama ka. Sama tayo," anito, ngumiti.
"Nag-aalangan ako but if you insist. It's my first time kaya nag-aalangan talaga ako at isa pa, wala akong kakilala sa department natin," natawa siya.
"Don't worry, you have me," anito at tumingin sa paligid.
"I know why you don't have friends here. Ang plastic at feeling entitled naman kasi ng iba," tumingin ito sa kaniya, ngumisi.
"Sinabi mo pa," sinadya niyang hinaan ang boses.
Nagkatinginan sila at parehong natawa.
"You're scholar here, right?" Nagtanong ito.
Angelu is friendly kaya medyo naging panatag ang loob niya sa babae.
"Yeah, I have sponsor. Though I haven't met him yet," aniya.
Tumango ito.
"Ang suwerte mo sa sponsor mo, hindi basta-basta ang tuition dito," may pagkamangha sa mga mata nito.
"I want to thank him in person someday. Isa lang naman akong taga-isla at sinuwerteng makapag-aral sa mamahaling school na ito," natawa siya.
Napaawang ang mga labi nito.
"Isla? Talaga? Wow! Parang gusto kong pumunta sa lugar mo!" Kumislap ang mga mata nito.
Mahina siyang natawa.
"Sige kapag may pagkakataon, isasama kita sa Isla Fontana," nasisiyahang sambit niya.
How she miss Isla Fontana. That island is her forever home.
"Aasahan ko 'yan, ha? Sana payagan ako nina mommy at daddy," humagikhik ito.
Napapatitig siya kay Angelu. Halatang galing ito sa mayamang pamilya pero simpleng babae lang. Hindi ito mayabang katulad ng ibang estudyante dito.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...