Chapter 37 (Pass Out)

72.9K 2.4K 368
                                    

CHAPTER 37

"MANANG, anong niluluto mo?" Nakangiting nilapitan niya ang cook sa bahay ni Zeke na halos kaka-umpisa lang sa pagluluto.

"Ang sabi po ni Sir Zach ay kung ano ang gusto mong kainin, Miss Alyssa," nakangiting tugon ng cook.

Namilog ang mga mata niya.

"Talaga po? Puwedeng adobong maasim na maasim?" Nasasabik na tanong niya.

Napangiwi ito.

"Adobong maasim na maasim?" Nagtatakang tanong nito.

"Opo! 'Yong sobrang maasim, Manang!" She exclaimed.

Naglalaway siya kahit wala pa man.

"Sigurado ka po, Miss Alyssa?" Napakamot ito sa ulo.

"Opo, Manang. May carrots po diyan?" Tanong niya, tinungo ang ref.

"Meron po diyan, Miss Alyssa. Nagbilin si Sir Zeke na bumili ng carrots kaya marami akong dala," tugon nito habang naghihiwa ng karne.

Excited niyang binuksan ang ref. Natutuwang kumuha siya ng carrots doon. Kaagad iyong hinugasan ng cook at binalatan. Hiniwa nito iyon.

Siya naman ay kumuha ng suka, asin at asukal. Doon niya sinawsaw ang carrots. Hindi pa siya nakuntento, nagpahiwa ulit siya sa cook.

"Tikman mo, Manang. Ang sarap po," halos maluha-luha siya sa sobrang sarap.

Natatawang napakamot sa ulo ang cook.

"Manang, 'yong adobo po, ha? 'Yong maasim na maasim po. Salamat, Manang," matamis niya itong nginitian.

Akmang lalabas siya sa kusina nang makita niya si Zeke sa hamba ng pinto. Nakatingin ito sa kaniya, may nakakaaliw na ngiti sa mga labi.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya.

"Kadarating ko lang," anito, humakbang at akmang hahalikan siya nang iniwas niya ang mukha.

Nagulat ito sa ginawa niya.

"Ang baho mo," reklamo niya, nalukot ang mukha.

Napakurap ito, inamoy ang sarili.

"Baby, kakaligo ko lang," hindi makapaniwalang usal nito.

Mas lalong nalukot ang mukha niya.

"Ang baho mo nga," aniya, padabog itong tinalikuran.

Sinundan siya ng kasintahan. Nilingon niya ito, nakasimangot. Bigla naman itong nagpreno.

"Maligo ka," gigil na utos niya.

"I just got out from the bath, baby. Can't you see? Basa pa ang buhok ko," todo paliwanag ito.

"Ang baho mo nga, eh. Maligo ka!" Tumaas ang boses niya.

Ilang beses itong napakurap at napakamot na lang sa ulo.

"Okay, I'll take a bath again," tila napipilitan lang ito.

Sinundan pa niya ito para lang masiguradong maliligo nga ito ulit. Habang nasa loob ng ito ng bathroom ay hinanda niya ang damit ni Zeke.

Pero hindi niya nagustuhan ang amoy ng mga damit nito. Inis na binalik niya ang mga iyon at tumingin siya sa damit niya.

Nakangiting kumuha siya ng damit. Nang lumabas si Zeke mula sa banyo ay excited niya itong nilapitan.

"Ito ang suotin mo," aniya sa binata, nilahad ang damit niya.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ang kasintahan sa damit.

"Aly, seryoso ka?" Nahihintakutang tanong nito.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now