CHAPTER 39
"WHAT'S with your finger?" Angelu asked as she sat down on the soft sofa.
Angelu invited her to their house. Madalas siyang naririto sa bahay ng kaibigan niya dahil na rin sa projects at minsan ay dito sila sabay na nag-aaral.
Awtomatiko siyang napatingin sa sariling daliri.
"Dalawang linggo ko nang nakikita 'yan. May boyfriend ka na?" tanong nito.
Napatingin siya sa kaibigan, biglang nakonsensya. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nasasabi sa kaibigan na boyfriend na niya si Zeke.
Ibinuka niya ang bibig, akmang magsasalita pero naunahan siya ng kaibigan.
"Let me rephrase my question. Binigay ni Kuya Zeke sa'yo?" Pilya itong ngumiti.
Napakurap siya.
"A-Alam mo?" Nagugulat na tanong niya.
Mahina itong natawa.
"Kuya Zeke was too obvious. I saw how he looked at you," Angelu answered and shrugged her shoulders.
Napakagat siya sa ibabang labi.
"Sorry, hindi ko sinabi. K-Kami na," aniya, napayuko.
Natatawang sinabunutan siya ng kaibigan.
"Alam ko po. Hinihintay lang kitang magsalita. It's your personal space, I don't want to invade it. Hindi naman ako magagalit dahil lang sa hindi mo sinabi. Naiintindihan ko naman," anito, matamis na ngumiti.
Napatingin siya kay Angelu.
"Sorry talaga," aniya, napabuntong-hininga.
Kahit ang totoong pagkatao ni Zeke ay hindi niya magawang sabihin kay Angelu.
"Naiintindihan ko," mahina itong natawa, tinabihan siya at malambing na humilig sa balikat niya.
Napangiti siya. She's glad that Angelu became her friend. Napakaganda ng samahan nilang dalawa.
"Pasyal tayo, gusto mo ba? Tapos na rin naman tayo sa studies. Magpaalam ka na kay Kuya Zeke," matamis itong ngumiti.
Natahimik siya. Palaging abala si Zeke ngayon. Madalas ay late na ito umuuwi, sa oras na tulog na tulog na siya. Kapag naman pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya.
Noong isang gabi ay nagising siya, nakita niya itong pumasok sa kuwarto pero hindi ito tumabi sa kaniya. He chose to sleep on the couch inside the room.
Naalala niya kung paanong sumama ang loob niya ng gabing iyon but she chose to ignore it. Masyado lang siyang nasanay na katabi niya itong natutulog, dagdagan pang hinahanap-hanap niya ang amoy ng kasintahan. Maybe Zeke was just tired and not in his right mood that night to sleep beside her.
"Saan tayo?" tanong niya.
"Anywhere. Ako ang magmamaneho ng kotse," tugon ng kaibigan.
Tumango siya sabay tayo.
"Tara," anyaya niya, nauna ng lumabas.
Dinala siya ni Angelu sa mga simpleng lugar na ikinatuwa niya ng husto. They enjoyed their time together. Kung anu-ano rin ang kinain nila, kapag may nakikita sa gilid ng kalsada ay binibili nito at tinitikman.
Angelu came from a rich family, but she's glad that her friend like simple things. Napaka-simple lang nito sa tuwing magkasama sila. Ni kahit minsan ay hindi pinadama ng kaibigan na naiiba ang estado ng buhay niya.
Halos hindi na nila napansin ang oras. Inabot sila ng hapon, halos papalubog na ang araw. Nang madaanan nila ang mahabang tulay ay tinabi muna ng kaibigan ang sasakyan, niyaya siyang bumaba.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver spoon in his mouth. He has everything. What he wants, he gets. He came from a very wealthy family. Unlike his older brother, he is a happy-go...