Natatakot akong dumating tayo,
Sa punto ng dulo na,
Nasasaktan na 'ko kapag,
Ginugusto kong mahalin at piliin ka.______________
"Love, hindi ka na mag-iisa. Sabay na tayo. Sabay na tayong lalaban. Sabay na tayong magmamahalan kasi hindi na kita iiwan. Hang on, for me."
Kanina pa 'kong nakakarinig ng mga ganyang salita.
"Love fight!"
Parang may kung anong kuryenteng dumaan sa 'kin.
Nakakakilabot. Sa'n ko ba ito narinig? Bakit, bakit paulit-ulit na itinatatak ng isip ko sa'kin 'to? Sino ang nagsabi nito?
"Hmm," parang bigla ko nalang naramdaman ulit ang sarili ko. Para kasing nakalutang lang ako sa hangin. 'Yun ang pakiramdam ko kanina pa. May nakikita akong liwanag, pero, kahit anong abot ko, hindi ko ma-abot.
Para bang nagkaroon ako ng kontrol sa sarili ko kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Mga mata ko lang ang tangi kong nai-gagalaw kaya naman nahihirapan akong mainitndihan ang nakikita ko. Kulay puti ang lahat. Nasa isang k'warto ba 'ko?
Sinusubukan kong pagalawin ang ulo ko pero hindi ko talaga mai-galaw. Am I paralyzed? Bakit ang puti-puti ng paligid ko? At sa bandang gitna no'n, nasinagan ako ng isang maliwanag na ilaw. Nasa'n ba 'ko?
Hindi ko na namayalang tumutulo na pala ang luha ko. Wala akong magawa. 'Tulong! Tulong!' Sigaw ko. Bakit walang nakakarinig sa'kin? Bingi na ba lahat ng tao sa mundo?
'Tulong! Tulong! I can't move my body! Can someone help me?! Naguguluhan na 'ko! Nasaan ako!' Sigaw ako ng sigaw. Pero wala pa ring lumalapit. Nasaan na ba kasi ako?!
My mind was panicking with all the possible thoughts that is laid out.
'Patay na ba 'ko?'
'Papa'no nangyari 'yun?!'
'Kanina lang, nags-speech ako sa harap ng maraming tao!'
'Papa'no ako nagkaganito?'
'Patay na ba talaga ako?'
May pumitik nanaman sa ulo ko at para bang nag automatic mode ang ulo ko na limungon sa kanan ko.
"Nasa'n ako?" I said, with a bit of panic.
Ginalaw ko ang dalawa kong kamay para suportahan ang sarili kong umupo kaya lang biglang sumakit ang kaliwang bahagi ng ulo ko. Agad ko itong hinawakan kaya naman napahiga ulit ako. Bigla ring sumakit ang kaliwang parte ng tagiliran ko.
"Ah," Impit na banggit ko.
"Anak?" Isang boses ang narinig ko at biglang kumalma sa sistema ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanan ko at nakita ko kung sa'n nanggaling ang boses.
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Teen Fiction[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...