Chapter 8

78 36 45
                                    

"San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Pat pagkatapos naming maclaim ang prizes na nakuha niya.


"Basta," simpleng sagot niya. Halos kaladkarin niya ako palabas ng mall at bago pa man siya maka-para ng jeep ay pinigilan ko siya.


"Teka nga, teka nga lang." ang sabi ko, sabay hinto at bitaw sa mahigpit na hawak niya sa braso ko.


"Ma-l-late tayo ano ka ba?" irritableng sabi niya, habang nakatingin parin sa mga dumadaang mga sasakyan at nagababakasakaling may masasakyan. Rush hour kasi ngyaon. Matagal tagal din kaming naglaro, este, masyado siyang nag-enjoy dun sap iso niya kaya ayun, mag-a-alasingko na ng matapos kami at sunduin niya ako dun sa ice cream crane machine.


"Tss. San ba kasi tayo pupunta?! Kanina pa kong nakakaladkad dito ha. Namumuro ka na Patrisha." Tuwiran at medyo inis na banggit ko.


Dahil don, napatingin siya sakin at napa-buntong hinga. Kita sa mukha niya ang pagkabigo sa isang bagay. Malay ko ba kung san ako dadalhin ng babaeng toh? Malay mo top secret agent pala tong nakuha kong bestfriend at balak akong ibenta sa mga kidnappers sa nag bebenta ng mga lamang-loob ng tao. Yuck. I mean, you know, may posibilidad yun noh!.


"Hayss. Di kaya pwedeng magtiwala ka nalang sakin at hayaan mo akong dalhin ka sa lugar na-"


"Eh san nga kasi yung lugar na yon? Madali lang naming sagutin diba?" Pag-sabat ko sa sasabihin niya. Napangisi siya na ikinataas ng kilay ko.


"Tss. Alam ko na yang galawan mo Hannah Noelle. Haha! Iniisip mong ibebenta kita sa kidnaper noh? Haha! Sabi ko na ng aba eh! Di mo ko pinagkakatiwalaan eh! Hmp!" Tumalikod siya sakin ng may matampuhing mukha at saka nag abang na lamang ng jeep. Namula naman ako nang marinig ko ang mga sinabi niya.


'Pano niya nalaman na ganun iniisip ko?! Ano magic ganun?'


"Wag ka na magtanong Hannah," sabi niya, ng pagiiba ng tono ng kaniyang pananalita.


"Mainis kana ng mainis sakin, pero sinisigurado ko sayo na magugustuhan mo toh. Maniwala ka lang. Alam kong may pinagdadaanan ka. At baka ito ang paraan para kahit ilang minute, makalimutan mom una yan," Sabi niya, sabay turo sa puso ko.


"Alam kong masakit. Masakit na masakit," patuloy niya, sabay hawak sa dalawa kong kamay, "Mahirap. Mahirap tanggapin. Pero gusto lang naman kita makitang masaya, katulad ng dati. Nung wala pa siya. Malalagpasan mo toh ghorl. Ikaw pa! Tsk." Then she gave me that wink. My heart melted at her encouragement. Sa dala ng emosyon ay niyakap ko siya. Teary-eyed, I replied,


"Thank you Patie. Thank you for understanding me." I whispered in her ear.


"I'm sorry kung nagging marupo- "


"Shh. Shh. It's not your fault okay? So, stop blaming yourself." Ang pagputol niya sap ag hingi ko ng tawad.


"Sige na, dalhin mo na ko kung san mo gusto. I won't complain now." I said, then we break the hug.

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon