Chapter 11

60 24 36
                                    

Minulat ko ang mga mata ko. Ang lamig. Puti pa lahat. Bigla nalang kumirot ang kaliwang bahagi ng ulo ko. Igagalaw ko sana ang kaliwang kamay ko para masahihin ito ngunit sa kasamaang palad eh may nakadag-an. At mabigat. Inikot-ikot ko ang paningin ko at saka ako nakatanaw ng may nakasabit sa tabi ko na bag ng tubig. Teka, diba dextrose yun? So nasa ospital ako?


Sinubukan kong umupo at gumalaw dahilan para mawala ng nakadag-an sa kamay ko. Ang bigat talaga. Grabe. Lumingon ako sa Kaliwa ko para malaman kung ano yung nasa kamay ko kanina. Kaya pala mabigat. Ulo ni Pat yung nandun.


"H-hannah, gising ka na," Ang naluluhang nakangiting sabi niya.Nabigo akong makaupo dahil kumirot nanaman ang ulo ko. Agad naman akong inalalayan ni Pat. Itinaas niya ng bahagya ang kama ko kaya marahan akong napasandal. Much better sa nakahiga.


"B-bakit ako andito? A-anong nangyari sakin? Pano ako napunta dito Pat, Diba pauwi-"


"You really don't remember?!" Gulantang at nagtatakang tanong niya. I stared at her as innocently as I could be. Sa totoo lang, wala talaga.


"Ano ang huli mong naaalala?" Tanong niya, habang inayos ang kumot ko para masakop din ang mga paa ko.


"Well, nagpunta ako sa cash register para tanungin si Kuya Charles. Tapos, wala daw siya, kaya lumabas na ako. Tapos,"


"Tapos," Inilapit pa niya ang mukha niya para malaman ang mga susunod kong sasabihin. Tapos? Ano nga ba ang nangyari sa akin nun? Ah!


"Tapos, sasakay na ako ng taxi pauwi." Napa-awang ang bibig niya.


"Hoy Hannah, wag mo kong niloloko loko ha. Hindi ka nakakatuwa." Tss. Magsisinungaling ba ako?!


"Magsisiningaling ba ako?! Eh yun naman talaga ang nangyari sa akin eh." Sabi ko. Totoo naman eh, sasakay na ako ng taxi. Tapos hanggang dun nalang yung naaalala ko.


"Di mo talaga alam?" Tanong niyang muli.


"Oh sige, anong totoong nangyare sige nga?" I boastfully said. She sighed in disbelief. Bakit? May nangyari ba talaga. The look in her eyes. Oh God! May nangyari ba talaga na nakalimutan ko? I erased thos thoughts. Bakit ako kinakabahan? Napalunok ako ng laway. She looked away and looked at me again.


"Nakita ka ni Kuya Charles, bumalik kasi siya dahil may naiwan daw siya sa locker niya, nakalupagi sa may harapan ng cafe, duguan ang ulo. Sumigaw siya ng tulong tapos tumawag agad sila ng ambulansya. Habang nasa ambulansya ka daw, ay nagsasalita ka pa. Ang sabi mo daw 'dalhin niyo ako dun, wag tayong lumayo'. Nakita naman ni Kuya yung ID mo at tinawagan ako. Agaran akong pumunta dito, Kahit na di ko alma ang nagyari. Nagsasalita ka pa daw habang dinadala ka sa ER at ang sinabi mo-"


"ARAAAAYYY!!!" Ang hiyaw ko sa sakit ng ulo ko. Hindi ko na kaya, ang sakit talaga. Napahawak nalang ang dalawa kong kamay sa ulo ko. The last thing I saw was that Pat stopped talking and...


_______


__Patrisha__

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon