It took us one week bago maka-labas ng ospital. Eto kasing doctor na tumitingin sa akin eh, gusto yatang magpayaman.
Pano ba naman, natapilok slash nadulas slash ewan lang naman nangyari sa akin, eh kung ano ano-ano nang tests ang ginawa sa akin. Kesyo for future purposes only. Kesyo para daw maliwanagan lahat. Ilawan ko sila eh! Nakakasilaw kaya yung pinagpasukan sa akin na machine! Hay nako.
"Hany, yung alkansiya mo baka maiwan." Ang pagtawag sa akin ni Patrisha sa atensyon ko, bago pa man ako makapasok sa pinto sa kwarto namin. Lilipat muna kami kina mama at papa dahil sabi nila, kailangan daw nila ako mamonitor. Pero, nakakanganga naman yung limang buwan na monitoring para sa taong natapilok slash nadulas 'di ba?
Dapat 'di kasama si Pat pero, alam niyo naman yung feeling close sa fam. Joke, malapit namna talaga siya sa aming pamilya. Tsaka, malayo ang lakbayin nito pag umaga kasi nasa taguig parents niya. Mas malapit parin ang bahay namin kesa sa kanila.
Lumupagi ako sa lupa at saka tumungo para kunin ang alkansiya sa ilalim ng kama namin ni Patrisha. Nang makuha ko iyon, bigla nalang ako natigilan at nakatitig ng mabuti sa alkansiya.
"Hany, Hany, yung-" Napatigil si Pat sa pagsasalita kaya naman napatingin ako sa kaniya. Papunta pala siya sa akin. I smiled bitterly, saka ibinaling ang atensyon ko sa alkansiya na nasa harap ko. Unti-unting nawawala ang ngiti ko. Maya-maya pa'y naramdaman ko na tumabi siya sa may bandang kana ko at sinamahan akong titigan ang alkansiya. It's been a while.
"Tara punta tayo sa ice cream parlor malapit sa simbahan, tapos sa McDo, tapos sa Greenwich, sa Mang Inasal pa! Ubusin natin yan!" Mayabang na pagpapatawa ni Pat. Nagyayaya na nga lang maling tao pa ang niyaya. Tss. Patrisha will always be Patrisha.
"Kulang pa yung mga sinabi mo noh. Ang dami-dami kaya neto! Ilang taon ko rin 'tong inipon ano!" Taas noo kong banggit sa kaniya. Sabay lang kaming napahagikhik sa mga pinagsasasabi namin.
"Edi idagdag mo pa yung Hunter's sa listahan! Sama mo pa si Bernice nako! Paniguradong ubos pera mo! Walang tira!" Iminustra pa nga niya sa akin kung paano ang simot na talaga naman ubos na ubos pagdating kay Bernice. Lalo lang kaming napahagalpak ng tawa sa mga sinabi niya.
Nang tumahan-tahan na kami sa kakatawa ay bumalik ang pagka-seryoso ng paligid, at naiwan kaming nakatulala sa alkansiya. Wala namang espesyal sa alkansiya na ito. Parang ngang normal lang ito na di rin naman gaanoon katangkad per-
"Uy Hannah, real talk nga tayo muna," Sabi ni Pat, dahilan para mawala ang mga iniisip ko.
"Oh, ano yun?" Tanong ko sa kaniya. Inabot ko ang basahan na ipinatong ko kanina sa study table ko sa bandang kaliwa ko. Gamit iyong basahan na iyon, ay dahan-dahan kong pinunasan ang alkansiya. Kailan ko nga ba ito huling kinuha at nilagyan ng pera?
"Naghihintay ka parin ba na makakapunta ka pa ng Hongkong? Sa Disneyland?" Seryosong tanong niya sa akin, at saka pinitik ng tatlong beses ang gilid ng alkansiya. Natigilan ako sa mga sinabi niya.
Ngayon, ngayon dapat boarding na kaming dalawa ni Troy sa airplane. Tapos, siya ang may hawak ng selfie stick para kunan ng video ang pagpasok at pagstay namin sa eroplano. Dapat hindi na ako magkandaugaga sa mga ngiti kong di ko na dapat mapigilan kasi excited na ako. Siguro ang dapat na nangyayari ngayon, kakaupo lang namin at masayang masaya na akong naka-dungaw sa bintana para masdan ang busy na airport at hintayin ang pag alis ng eroplano. Tapos papatahimikin niya ako. Tapos susuotan na niya ako ng seatbelt bago pa man sabihin nung flight attendant.
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Teen Fiction[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...