Chapter 9

74 32 47
                                    


Nagmulat ang mga mata ko ng nasinagan ng araw ang talukap ng mata ko. Uminat inat ako at naka nahimasmasan. Napatingin ako sa kanan ko ng may parang natabig na bagay ang siko ko. Si Pat pala. Napangisi ako, dahil sa ala-alang biglang lumabas sa utak ko. 


Sino ba namang mag aakalang takot pala toh sa pusang itim. May dumaan lang sa harap namin pauwi, di na mapakali.Baka daw siya malasin. Talagang minalas siya dahil natakot siya. Este, ako pala minalas dahil di ako nakatulog ng maayos. Kung makayakap toh parang ang isip nito, unan parin ako. Haysss.


Dahan-dahan akong umupo at saka kinuha ang cellphone sa katabing study table. 6:15 palang. Napangisi ako. Siya daapt ang gigising sakin eh. Siguro nasanay na kong maaga magising. It's been two days. Two days na parang two weeks na. ewan ko ba. Bakit di parin siya bumabalik?


Me: Good Morning Love! I'm free today! Can we meet and talk about what happened to us? I'll be in your coffee shop okay? I'll wait there. Love you. Love you so much. Take care.


Dumiretso na ako sa banyo at saglit na naligo. Pagkatapos nun, Pumunta na ako ng kusina para mag luto ng pagkain namin ni Pat. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang itlog at dalawang hotdog. nagpainit narin ako ng tubis para sa kape naming dalawa. Habang nag hihiwa ako ng sibuyas at bawang ay bumaba na si Pat at tumungo sa kusina.


"Aga naman Hannah," Ngumisi ako at napailing.


"Morning Pat."


"Morning." Impit na sabi niya, saka dumiretso sa banyo para mag toothbrush at maghilamos. Naisalang ko na ang isang itog nang makabalik siya.


"Gala ka ngayon?"


"Hindi." Sagot ko kaniya, habang itinutuon ko ang atensyon ko sa piniprito na itlog.


"Ang aga mo talaga ngayon! Argh! Anong meron sayo?" napailing nanaman ako at simpleng napangiti.


"Di ba pwedeng gusto ko lang magising ng maaga at magluto ng maaga?" binalikan ko siya ng masayang ngiti at saka inilagay ang pangalawang itlog sa kawali.


"Ay yung tubig Pat,"  Ang nasambit ko, nang marinig ko na ang busina ng takure. Agad namang pinatay ni Pat ang apoy at nag handa na ng dalawang mug para timplahan ng kape. 


"Ang bango naman yang scrambled na yan." Napangisi nalang ako. Gutsom na toh agad. Hayss.


Amoy ang kape sa buong kusina. Narinig kong kumalam ang sikmura niya ng ihain ko na ang mga niluto kong ulam. 


"Oo na po tiyan ni Patrisha, eto na nga po eh, naghahain na po ako diba?"


 Ang sabi ko, habang nakatingin sa tyian ni Pat. Tss. ANg ingay kase hahaha.


"Hehehe, sorry na daw po sabi niya," Sabat ni Pat sa usapan namin ng tiyan niya. Sandali akong nagdasal at saka kami kumain.

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon