Chapter 22

20 9 23
                                    

__Troy Gavin Ortega__

I brushed off a tear away. That vivid memory happened 2 years ago. We just lasted 6 months. Tapos ayon, natapos na. I smiled bitterly with the thoughts coming out of my mind. 2 years na ang nakalipas pero, wala pa rin akong lakas para balikan si Hannah. Hindi ko pa rin siya nakikita, kahit na alam ko kung sa'n 'yong apartment niya, kahit na alam ko kung saan 'yung bahay nila tita at tito, I just still can't. 


I wasted her. Binalewala ko siya. And I know, hindi na niya ako magagawang patawarin pa. I know she forgot me. Alam ko sa sarili kong nakahanap na siya ng iba. Iba na papalitan ang mga dati kong ginagawa sa kaniya. Iba na magmamahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. 


Pero kahit gano'n, I still can't erase this tingling thought that...
"What if hinihintay niya lang akong bumalik?"
"What if hindi pa siya sumusuko sa 'kin?"
"What if ako parin ang hinihintay niya at wala pa siyang nahahanap na iba?"


I opened my laptop and scanned my resume. It's been 1 year since wala akong trabaho. I am looking for a job pero wala talaga. Two years na rin akong nakikitira sa kapatid ko. And it just aches me realizing after I broke two women, I ended up being a responsibility of my younger brother. 


I opened my email at agad bumungad sa akin ang limang notifications. I excitedly clicked it thinking it may be the employers na pinagsesendan ni Faro ng resume ko. I never used my email since then. After ng breakup namin ni Hannah, I was fired by my employer dahil sa kapabayaan ko sa trabaho. Kagabi ko lang napagdesisyunan na maghanap ulit ng bagong trabaho. Si Faro na rin ang nagasikaso no'n. 


My hands suddenly froze when I saw kung kanino galing ang mga emails na natanggap ko. 


"Hannah..." My mind was falling with the thought.


Kelan niya ito binigay?
Paano?!
Pa'nong 'di ko man lang ito nakita?!


"September 16..." That date,  it was just 4 months simula nung—. I stopped when I clicked enter. I felt tears come out of my eyes. Bakit, bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I act like this? It feels like I'm... I'm longing. Para bang kusang kumikilos ang mga kamay ko at kating- kating basahin ng mga mata ko ang mga email na 'toh mula no'ong nakita ko'ng galing sa kaniya ang mga email na 'toh. Para akong nalulumo habang inuusal ang mga unang salitang nakalapat sa email niya. 


I feel shame, and honestly, regrets. Habang binabasa ko ang unang email niya, I can visualize and imagine her telling me this. I can see her in front of me, desperately wanting me to go back. Na para bang nasa isang k'warto kami na madilim, may isang ilaw sa gitna namin, ako sa isang dulo, at siya naman sa kabila. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang mga luhang iniiyak niya para sa'kin. Kitang-kita ko ang bigat ng nararamdaman niya sa t'wing ibabagsak niya ang kamay niya para gisingin ako sa katotohanang mahal niya ako. Ako pa rin. 


Why did I leave her?
Why did I let her go when she was the only person who made me feel free?
Why did I make her feel she was the worst when in reality, she was the best for me?

I was on my way to clicking the next email when suddenly, the doorbell rang abruptly. I headed downstairs. Nakakapagtaka dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Faro is not home so ako lang mag-isa sa bahay niya ngayon. As I step to each stair going down, I can feel my hands getting cold. I feel my palm sweating. I shrug off and continued marching towards the door. The doorbell rang again. 

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon