"Ah, eh si T-Troy po k-kasi m-may..." Ang pagpapatuloy ni Pat sa sinabi ko.
"May?" Sabat ni Papa. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Bumalik naman ang tingin ni mama sa akin at pinakita ang mga matang sumasang-ayon kay papa. May? May ano nga ba si Troy? Nanlaki ang mga mata ko.
"May sakit!" Mabilisan kong sabi. Nagulat naman sila dahil napalakas ang pagsabi ko ng 'may sakit!' Biglang nag-iba ang awra ni mama. Si Pat naman ay pinipilit niyang kunin ang tingin ko. Pero ako, naiwang nag-iisip.
'Pano kung malaman nila? Pano ko sasabihin sa kanila? Pano ko, aamining.. wala na kami?'
"Talaga? Sabi niya?" Alalang Tanong ni mama. Tumango ako. Habang si Pat, patuloy parin ang titig sa kain na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari. Nako, may explanation nanamang magaganap mamaya. Hayss.
"Eh, malala ba sakit niya?" Tanong ni papa. I gulped hard. Goodness! Nalaman ko lang kay kuya Charles yun! Di ko alam ang lahat ng-
"Ah eh sinat lang po. Naulanan po siguro si Troy hehehe." Sabi ni Pat kaya naputol ang nasa isip ko. Bigla kaong napating sa kaniya at binigyan siya ng 'Anong-Palabas-Toh' look. Bumaling siya sakin at binigyan naman ako ng 'Sumakay-Ka-Nalang-Look'. Alanganin siyang ngumiti.
"May problema ba sa inyong dalawa? Kanina pa kayong parang 'di nagkakaintindihan ah." Pansing tanong ni mama.
"wala po." Nagkatinginan pa kami ni Patrisha matapos malaman na sabay pa naming sinabi ang mga katagang yun. Nagbalik ang tingin namin kina mama at papa nang may narinig kaming kaluskos ng plastic. Nakahinga ako ng maluwag ng napansing pinaniwalaan nila ang sinabi namin. Bumalik na si mama sa pag-aayos ng pagkain. Kinalabit ako ni Pat at tinuro ang ice cream. Goodness! Tunaw na! So iinumin nalang namin ito.
"Siya, siya, maiwan muna namin kayo at maghahanap kami ng makakain. Ano ba nag gusto niyo kainin bukod diyan sa cake at ice cream?" Tanong ni Papa sa amin, habang pagayak narin si mama palapit sa pinto.
"Uhmm, pwede po ba yung may sabaw?" Tanong ko kina mama.
"Anong sabaw?"
"Uhm, Bulalo po sana hehe, yung mainit pa." Tumango naman si mama. Binuksan na ni papa ang pinto at bahagyang lumabas.
"Ikaw Patrisha iha, may ipapabili ka bang pagkain?"
"Ah eh tita, kahit doughnut nalang po okay na ko-"
"Ma, lasagna nalang sa kaniya alam mo naman na paborito niya yun." Pagputol ko sa sinabi niya dahilan para tumingin siya sa akin at binigyan ako ng 'Nakakahiya-Naman-Sa-Kanila' look. I smirked. Kailangan ko tong gawin, para mabawasan ang explanation ko sa kaniya mamaya.
"Oh siya, siya," Ang sabi ni mama, "Aalis na muna kami. Babalik din naman kami agad. Wag kayong gagawa ng kalokohan diyan ha. Patrisha, tawagan mo kami pag sumakit ang ulo ni Hannah okay?"
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Teen Fiction[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...