Hindi ko na hinayaan ang sarili ko na maghabol pa ng hininga pagkatapos kong maabot ang Radio Station ng Pamantasan. I banged the door so hard na rinig na rinig ang hampas nito sa pader. Doon lang ako nakabawi ng kaunting hangin at kita ko na si DJ Kamil ay gulat na nakatingin sa akin. Sumulpot sa may bandang kanan ko si Eden na animo'y galit pa sa nag-ingay. Pero nung nagkatinginan kami, gulat ang bumulagta sa kaniyang mukha.
"A-ate Hannah? A-anong ginagawa mo rito?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin. Itinigil narin ni Kamil ang radyo dahil tapos na ang kwento bago pa ako maka-akyat papasok sa radio station.
"S-siya yung sa Med na sinasabi mo beb?" Tanong ni Kamil, habang ibinababa ang headphones niya mula sa kaniyang tenga.
"Ahh oo siya si Hannah." Tanging sambit ni Eden at saka lumapit sa akin.
"May problema ba ate?" Tanong ni Eden habang papalapit sa 'kin.
"G-gusto lang sana itanong, kung, kung sino ang nagsulat nung kwento na binasa ni Kamil kanina?" Mala-desperado kong tanong sa kaniya, saka ipinabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"'Gaya ng announcement ko kanina, hindi namin alam dahil-"
"Well," Pagputol ko kay Eden. Umayos ako ng tayo at saka nagpatuloy. "Is there any chance na kilala niyo ang nagsulat niyan?" I pleaded. Alam kong randomly selected ang lahat ng ito dahil may isang box na inilagay sina Eden para doon ihulog ang mga entries ng mga studyante, pero, baka sakali lang, makilala nila nag sulat.
"Pasensya na talaga ate Hannah, pero, we're so clueless sa kung sino ang nag-submit niyan." Dahan-dahang bumaba ang balikat ko. Pero, paano kung-
"T-teka, baka ma-recognize sa sulat?" Muling nabuhayan ng pag-asa ang sarili ko matapos banggitin iyon. Napatingin naman si Eden kay Kamil at hudyat 'yon upang tignan ni Kamil ang papel na binasa niya. Dismayado ang mukhang ipinakita niya matapos sulyapan ng tingin ang papel.
"Tinype nga pala ito at pinaprint." Pero... imposibleng may makapag-sulat ng ganoon. Na ganoong saktong-sakto ang mga pangyayari. Kami lang. Kami lang ang taong naroroon sa waiting shed. Kami lang ang naglakad papunta sa waiting shed. Wala nang nakaka-alam pa.
"Ah, g-ganun ba? Pasensya na kayo at nagulat pa kayo sa pagdating ko, hehehe. 'Di bale, aalis na rin ako. Pasensya na sa abala ha." Akmang tatalikod na ako pero may humigit ng braso ko, dahilan para lumingon ako sa humawak sa akin.
"A-ate, wala ako sa posisyon para magtanong pero, para saan at tinanong mo kung sino ang sumulat ng kwentong 'yun?" HInarap ko ang nagtatanong na mata ni Eden. I faked a smile.
"Ah, w-wala naman. May naalala kasi ako sa kwentong 'yon, kaya, I was trying to figure out kung sino ang nagsulat para naman, makilala ko siya." Tumango-tango na lamang siya at tuluyan akong pinakawalan.
Mag-isa kong binaybay ang hall pabalik sa classroom. Alam kong wala na si Patrisha sa Food Hall at dinala na niya rin ang mga gamit ko, kaya dumiretso nalang ako sa klase. Buti at wala pa ang prof namin kaya mabilis akong umupo sa pwesto ko at sinalubong ang mga tingin ni Pat. I sighed. This sight calls for an explanation.
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Teen Fiction[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...