Letter #3
October 25, 2018
Hey Love! I know it's weird to feel happy and light right now.
Alam mo 'yun 'di ba?Did you also felt that pricking sensation in your nerves?
Baka naman hindi mo naramdaman.But I did.
Inside the cafe.Dun sa favorite spot ko.
Naten.Naramdaman kong muli 'yon.
'Yung sakit.Sandaling tumigil ang lahat nung nakita ko 'yung mukha mo. Pumikit-pikit pa ako para masigurado na 'di ako nananaginip. Na hindi ako nag ha-hallucinate. At totoo nga. Ikaw 'yun. I suddenly missed that curly hair na para bang ginulo mo para sa 'kin. I missed that brown eyes sparkling at mas lalong nakakakuha ng atensyon kapag nasinagan ng araw.
Lumapit ako, at saktong napalingon ka. Bigla kang ngumiti. At napangiti rin ako. Kasi hindi ko maintindihan. Why do you need to fake a simple smile? Wala na siguro akong karapatan na tawagin ka 'ng love, hindi ba? Kinuha na ba niya ang p'westo ko diyan sa puso mo?
She hugged you from the back.
I saw it with my two eyes.
Amaliah hugged you from the back.Ang sakit.
'Yung nabigla ako sa ginawa niya pero kailangan kong ngumiti.
Para kahit papa'no, maitago ko ang sakit na ilang buwan nang nakatago at nabubulok sa puso ko.Bumuka ang iyong bibig at nagsimula ka nang magsalita.
Sasabihin mo ba na babalikan mo na 'ko?
O, sasabihin mo na iiwan mo na talaga ako?Hapding-hapdi na ang puso ko habang bumabalik sa p'westo ko. May mas sasakit pa pala kaysa sa mga missed calls na natatanggap mo. May mas sasakit pa pala kaysa sa mga unread messages.
Kung nakalimutan mo ako, sana nakalimutan na rin kita. Everything was leading to doubts and regrets. Mas maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko.
This madness.
This pain.
It's unbearable.
It will lead me to tears.
Ako nanaman pala ang kawawa.Every laughter that filled the atmosphere, nakakabingi. Nakakasakal sa leeg. At 'yung tanging alaala ko sa 'yo dito sa cafe, nakuha na pala niya. Nakita mo kaya 'yung luhang pumapatak mula sa mata ko kapag naririnig ko ang bagong nagmamay-ari ng specialty ng Grind Cafe?
Hanggang saan ba umabot ang pagmamahal mo sa akin?
Hanggang anong bagay ba ang naisakripisyo mo para lang sa 'kin?Bakit?
'Yon lang ang tanging masasabi ko.
Bakit?Ano ba ang pinagkaiba namin? Mas matalino ba siya? Mas magaling? Mas palabiro? Mas maganda? Mas mabait? Mas mapagmahal? Ayokong itanong kung mas mapagmahal siya kaysa sa 'kin. Dahil alam ko sa sarili ko, na, ikaw, minahal kita. Minahal kita ng buong-buo. Higit sa sapat Troy. Higit pa sa inaakala mo.
Loving
I suddenly stopped typing when I felt my hands shaking. Naramdaman ko ang sarili kong pinagpapawisan kahit napaka-lamig naman sa kwarto. Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang mga luhang nagsisiksikan sa mga mata ko.
Bakit ba lagi nalang akong gan'to? 'Di ba pwedeng ako naman ang sumaya? 'Yung sumaya ng pangmatagalan? Iyung panghabambuhay? My vision was spinning at muling nanariwa ang mga alaalang nangyari kanina...
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Teen Fiction[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...